chapter 112

100 13 3
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 112:

*****

"Sakuragi? Pauwi kana?" Tanong ni rukawa, napansin kasi nito na parang nagmamadali ito sa paglabas.

"Oo, bakit? Magkikita pa kami ng mga kaibigan ko." Sagot ni sakuragi, kinuha naman ni rukawa ang bag bago tumango

"Tara na, sasabay na ako sayo. Ayaw ko rin umuwi ngayon dahil masyado pa namang maaga." Hindi sumagot si sakuragi, nagpatiuna na lamang siya sa paglalakad. Namutawi ang katahimikan sa pagitan ng dalawa at ramdam rin ni sakuragi na hindi mapakali si rukawa kaya tinignan niya ito.

"May gusto ka bang sabihin sakin?" Deretsahang tanong ni sakuragi dito, mukha kasing balak pa nitong patagalin kaya tinanong niya na ito ng deretsahan. Blangko ang mukha nitong napatingin din sa kanya pabalik.

Malalim na napabuntong hininga si rukawa bago umiwas dito nang tingin, nakaramdam nang panlalamig si rukawa.

"It's about earlier, w-wala ka na ba talagang balak bumalik?" Tanong nito, expected naman na ni sakuragi na itatanong nito iyon pero hindi niya parin masagot.

"Hindi ko rin alam, isang buwan na rin naman nung huling beses na nakapag laro ako e. Sa isang buwan na iyon hindi rin ako nakapasok sa school, mas magpo'pokus nalang muna siguro ako sa pag aaral." Sagot ni sakuragi, naiintindihan naman ni rukawa iyon, nang hihinayang lang talaga ito para sa kaibigan, napakaganda na ng resulta ng paglalaro niya, halos lahat ng mga tao ay bilib dito.

"Pag isipan mo muna, sa dami mo nang pinag daanan sa paglalaro 'wag ka na munang mag desisyon agad. Pag isipan mo muna, malay mo bumalik ulit iyong kagustuhan mong maglaro." Anas ni rukawa, tumango na lamang si sakuragi nang hindi sumasagot, naisip na rin naman ni sakuragi ang bagay na iyan.

Pero ang rason kung bakit naging malakas siya non ay tapos na, naipakita niya na sa mga taong nang maliit sa kanya na may pakinabang din siya. At ang kaisa isang taong inaasahan ko na sasamahan ako sa tagumpay ko, wala sa tabi.

Habang naglalakad silang dalawa, si rukawa lamang ang nag sasalita samantalang si sakuragi ay nakikinig lamang, malapit na rin sila sa open space na park.

"Sakuragi!" Napatingin si sakuragi at rukawa sa tumawag.

"Mitsui?" Bulalas ni rukawa sa blangkong expression..

Miking humaba ang buhok ni mitsui at halos di na makilala dahil sa balbas nito. Mukhang napabayaan na nito ang sarili.

"Anong kailangan mo mitsui?" Tanong ni rukawa

Tinignan siya ni mitsui nang hindi sinasagot ang tanong nito. Tumingin siya kay sakuragi ng seryoso.

"Pwede ba kitang makausap? Yung tayong dalawa lang sana." Pakiusap ni mitsui sa mababang boses, nagkatinginan si rukawa at sakuragi..

May disapproval sa mga mata ni rukawa, hindi niya kasi pwedeng pabayaan ang kaibigan niya na kausapin ito matapos ng ginawa nito noon dito.

"Wag kang pumayag sakuragi, baka mamaya niyan tambangan ka ng mga kasamahan niya dati." Pag pigil ni rukawa kay sakuragi

"Hindi ako takot sa gusto nilang mangyari, kung sakaling mangyari man iyang iniisip mo. Ipapaalala ko lang sayo, Pwede ko nang gawin ang mga bagay na walang nagbabawal sakin." Natigilan si rukawa doon, naisip niya bigla ang pinupunto nito.

Pwede na nitong gawin ang lahat dahil hindi na rin naman ito kabilang sa basketball.

"Wala akong balak mang gulo, gusto ko lang talaga siyang makausap." Seryosong pakiusap ni mitsui

"Mauna ka na muna rukawa, sabihin mo kila mito na kakausapin ko lang muna si mitsui." Saad ni sakuragi, tumango naman si rukawa bago muling binigyan ng matalim na tingin si mitsui.

Nang makaalis si rukawa ay biglang sumeryoso si sakuragi, napaatras si mitsui dahil doon. Aminado si mitsui na kahit pag tulungan nila si sakuragi ay matatalo parin sila dahil sa kakaibang lakas na meron ito.

Ngunit hindi talaga iyon ang dahilan kung bakit siya lumapit dito upang kausapin.

"Anong gusto mong pag usapan natin?" Panimula ni sakuragi na malamig na tumingin kay mitsui.

"Ilang buwan na ba mag mula ng hunting'in ako ng konsensya dahil sa ginawa ko sayo noon. Nabulag ako nang inggit sayo kaya ko nagawa ang bagay na iyon." Panimulang saad ni mitsui na ikinakunot noo ni sakuragi

"Tungkol doon parin ba ang gusto mong pag usapan natin?" Tanong ni sakuragi

Tumango si mitsui bago tinignan si sakuragi ng naluluhang expression, halatang halata sa buong mukha nito ang pagod at hirap. Kahit hindi sabihin ni sakuragi ay naaapektuhan siya sa ayos ng kausap niya.

"P-patawad sakuragi, sobrang humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng mga nagawa ko sayo.. pinag sisisihan ko na sinaktan kita at ginawa ang lahat para lang maitaboy ka. Napaka makasarili ko. Hindi ako nakuntento sa kakayahang meron ako kaya sayo ko nabaling lahat ng kakulangan para sa sarili ko." Nag simula ng lumuha si mitsui, napaupo na rin ito sa semento habang ang kamay nito ay nasa mukha nito.

"Maraming nakapag parealize sakin non, nung umpisa palang pero napupuno ng galit ang puso ko at kagustuhan na malamangan ka sa kahit anong aspeto. Meron ka kasing bagay na wala ako at iyon ang kina iinggitan ko." Lumuluhang saad parin nito, pinakikinggan lamang siya ni sakuragi na may blangkong expression.

"Bakit hindi mo sakin sinabi noon? Alam mo namang baguhan lang ako at willing akong matuto para matulungan kayo. Pero anong ginawa niyo? Imbes na tulungan niyo ako, mas ibinaba niyo ako sa sukdulan ng pagkatao ko. Dinurog niyo ako at minaliit." Pag lahad ni sakuragi nang hindi na nito mapigilang hindi mag salita.

"Alam ko sakuragi, s-sorry.. kasalanan ko lahat kung bakit ka nag kakaganyan ngayon. Nabuo ang galit sa puso mo dahil sa kagagawan ko. Alam mo, mag mula ng matalo ang team namin mula sainyo, nag quit na ako sa paglalaro.. look at me now, I'm totally messed up." Ngising anas ni mitsui na naiiling pa, tumingala siya at pinag masdan ang kalangitan.

"Sa pangalawang pagkakataon, sinayang ko na naman ang opurtunidad para  sa sarili ko. Nangako ako kay coach anzai na gagawin ko ang lahat para sa team shohoku, pero ito ako ngayon.. miserable ang buhay." Pagak na natawa si mitsui sa sarili nitong sinabi.

"Hindi naman dahil sayo kung bakit unti unti ako nang bago, nung umpisa 'oo, intensyon ko na sirain ang buong team ng shohoku dahil sa ginawa niyo sakin. Pero nang dahil sa isang tao, nagawa kong alisin ang galit sa kahit na sino. Mahirap iyon para sakin, pero naovercome ko dahil sa mga kaibigan ko na nandyan para sakin. Kung iisipin mo lang mitsui mula sa pinaka umpisa kung bakit nga ba may sine'set tayo na goal sa buhay natin, iyon ay dahil gusto nating may maachieve. Ganon din ako, kaya ako lumakas ngayon." Anas ni sakuragi

Sigurado naman si sakuragi sa nararamdaman niya! Unti unti nang napapalitan ang galit na nararamdaman niya ng pagpapatawad, narealize niya na iyon nung umpisang maramdaman niyang hindi siya nag iisang lumalaban. Idi'deny niya lang sa sarili niya dahil sa 'sinet niyang boundaries sa sarili niya.

"Ayusin mong muli buhay mo mitsui, hindi mo dapat sinasayang ang pagkakataon na ito.. kung inaalala mo kung pinapatawad na ba kita o hindi?.. matagal na kitang pinatawad.."

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now