chapter 48

220 27 14
                                    

(a/n: kainis! Hindi ako masaya sa naging update ko sa chapter 47, ang daming paulit ulit na word. nastress ako bigla haha, akala ko pa naman maayos ang pagkakasulat ko hindi naman pala. Haha! Sorry for dissapointing you guys! Sorry, sorry. :()


*******

Sa loob ng court kung saan nag lalaban ang shohoku at okaido sa dalawang manlalaro lang nakatuon ang buong atensyon ng bawat manunuod. Wala na silang ibang napapansin kundi ang bawat kilos na ginagawa ng mga ito, walang nagpapatalo at wala rin sinasayang na pagkakataon. Tatlong minuto nalang ang natitira at ang score nila ay napaka layo ng pagitan, alam na ng buong shohoku ang kahihinatnan ngunit tinanggap na nila ang kanilang kapalaran sa palad ng team okaido. Sa bawat tirang ginagawa ni sakuragi ay katumbas din non ang sakit para sa mga shohoku na nagsusumikap din para manalo.




Okaido  90
Shohoku 79



Ang mga score na nadagdag ay dahil lang iyan kay mitsui at sakuragi na walang tigil sa pag papakita ng lakas sa isa't isa. Ni hindi na nga maramdaman ng mga kapwa manlalaro nila kung kasali pa ba sila sa laro o manunuod nalang din kagaya ng iba. Nandoon ang paghanga nila kay sakuragi at mitsui, makikita rin sa mga mata nila ang tuwa habang pinag mamasdan silang dalawa na seryosong naglalaban. Tila bumabalik sa dating sigla ang lahat matapos mangyari ang alitan.




"Nakakaiyak namang pagmasdan sila, pakiramdam ko tuloy reunion nilang dalawa yan." Saad ni aki kay shintaro na nanunuod. Katabi rin nito ang ama na masayang nanunuod din sa pinapakitang galing ni sakuragi. Naibubuhos niya na ang galing niya, ngunit nagtataka parin si kotaro kung bakit hindi parin inilalabas ni sakuragi ang hundred percent na galing niya. Meron itong ultimate attack na hindi mo na mapipigilan wants na makahawak na ito ng bola. Saksi ang mga kamember nito sa bawat hirap na pinag daanan nito makagawa lang ng sariling galaw na hindi magagawa ng iba.



Pero kahit na ganon ay sobrang nasisiyahan si kotaro sa kanyang itinuturing naring parang anak. Nakikita niya kasi ang sarili kay sakuragi na minamaliit noon ngunit never sumuko instead ay mas pinalakas pa nito ang loob upang harapin ang sakit na nararamdaman niya sa pag abot ng kanyang pangarap.


"Proud na proud talaga ako sa batang yan, kahit gaano kasakit ang pinag daanan niya na nag iisa lang sa buhay ay lumalaban parin siya para sa pangarap niya." Anas ni coach kotaro na medyo emosyonal para sa inalagaan niya ng ilang buwan na si sakuragi. Narinig ni aki na sang ayon din sakanyang ama.




"Naman. Ikaw ba naman mag turo sino bang hindi gaganahang matuto." Saad ni aki na ngumiti pa ng pagkalawak lawak dahilan para matawa ang ama nito. Inakbayan niya ang anak bago bumuntong hininga.




"Yun lang kasi ang paraan na alam ko para makatulong sa batang yan. Unang kita ko palang kasi sakanya napakalaki na ng potential niya." Saad ni coach kotaro na pilit binabalikan ang alaala na kasama niya itong si sakuragi.




"kaya nga po swerte din po natin sakanya. Napakabuti rin kasi ng kalooban nito." Pagmamalaking saad ni aki sa ama na tumango naman.




"Suuss, sinasabi mo lang naman yan kasi gusto mo siya e." Pang aasar ng ama na ikinapula naman ng husto ni aki.




"Pa, ano ba! Eh sa totoo naman kasi ang sinasabi ko ah. Ay iwan ko po sainyo manuod nalang tayo." Saad ni aki na sumimangot pa. Tumawa naman si shintaro at kotaro sa anak na napikon.




Mabalik sa mga naglalaro, hawak na muli ni mitsui ang bola at idinidribble nito iyon bawat kilos na ginawa niya ay kinakalkula niya na sa kanyang isipan, ang posibilidad na gawin ni sakuragi sa oras na umatake siya ay nasa isip niya na rin.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon