chapter 113

91 7 4
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted


Chapter 113

***** Continuation...

"Tumayo kana dyan, ang dami ng taong nakatingin satin." Sitang saad ni sakuragi kay mitsui, pinunasan naman nito ang mukha dahil sa luha nito, bago tumawa sa sinabi ni sakuragi.


"Ang mahiyain mo naman, hayaan mo silang tumingin." Ngising sabi ni mitsui, medyo nang aasar ang tono ng pananalita nito kaya sumimangot si sakuragi sa kanya.

"Tsk! Iiwan kita dito pag hindi ka pa tumayo dyan." Singhal na saad ni sakuragi, naiiling na itinukod ni mitsui ang kamay sa semento bago tinulungan ang sariling makatayo.


" Oo nga pala, kamusta kayo?" Tanong ni mitsui ng makatayo na ito ng maayos, sumandal naman si sakuragi mula sa puno.

Wala rin kasing balak mag salita si sakuragi tungkol sa mga nangyari sakin nitong nag daang buwan sa kanya. Nabalitaan na rin naman nito siguro ang nangyari sa kanya kaya hindi niya nalang sasagutin ang naging tanong nito.


"Mabuti naman, wala masyadong ganap sa buhay ko." Tamad na sagot nito kay mitsui


"Alam ko na ang mga nangyari tungkol sayo, pakiramdam ko tuloy ako may dahilan kung bakit ka ngayon nag kakaganyan." Guilty'ng saad ni mitsui, kinunot naman ni sakuragi ang noo dahil sa sinabi nito.


"Pinag sasabi mo, labas kana sa mga nang yayari sa buhay ko. Paano mo naman nasabing kasalanan mo parin ang bagay na yon, samantalang hindi mo naman alam ang dahilan kung bakit ako inalis sa paglalaro." Laban ni sakuragi, umiling si mitsui at malungkot na tumingin kay sakuragi.


"May gusto sana akong sabihin sayo, actually nung isang hapon pa pero mukhang hindi sayo nasabi ni mito na hinahanap kita, kaya ngayon lang ako nakalakas loob na makipag usap sayo."



"Nasabi mo naman na lahat ng gusto mong sabihin diba? Tsaka walang nabanggit sakin si mito nung isang hapon kaya wala akong alam na hinahanap mo pala ako." Sagot ni sakuragi, sumeryoso na ito nang tingin kay mitsui

"Meron ka pa bang gustong idagdag sa mga sasabihin mo?"seryoso ang boses na tanong ni sakuragi



Natigilan si mitsui at ilang segundong nakipag titigan kay sakuragi, hindi niya maapuhap ang kanyang sasabihin dahil sa pagbabara ng kung ano sa kanyang lalamunan. Naandoon ang kakayahan niyang sabihin ang lahat pero parang may pumipigil sakanya na gawin ang bagay na iyon.



"A-ahm.. a-ano, tungkol ito s-sainyo ni a--." Kanda utal na anas ni mitsui subalit naputol lang din ito dahil sa humahangos na si mito at ang apat pa na kasama nito.

Nanlalaki rin ang mata ni mito habang pabaling baling ang tingin kay mitsui at sakuragi, kinakabahan si mito ng makita ang dalawang seryosong nag uusap.



'sinabi na kaya ni mitsui ang mga iyon? Shit! Huli na ako..' anas ni mito na tinignan pa si mitsui



"Anong ginagawa niyo rito?" Takang tanong ni sakuragi na tinignan pa si rukawa na ito mismo ang sinabihan niya na susunod na lamang siya matapos ang usapan nila mitsui.


"A-ano, a-akala kasi namin na baka mag away na naman kayong dalawa kaya kami nag mamadaling pumunta dito." Rason ni mito na kinakabahan na, ayaw niya na kasing makitang nahihirapan na naman ang kaibigan sa oras na malaman nito ang lahat.



"Tsk.. nga pala mitsui? Ano nga ulit iyong sasabihin mo? Naputol kasi nung dumating itong lima." Tanong ni sakuragi kay mitsui, naalarma naman ang limang nasa likod ni sakuragi.


Maging si rukawa ay naalarma din dahil kakasabi palang sa kanya ni mito ang dahilan kung bakit gusto ni mitsui na makausap si sakuragi.


"Ah! Hindi mo parin pala nasasabi sakanya, mito?"takang tanong ni mitsui na ikakunot noo naman ni sakuragi..


"Ang tungkol saan?" Balik tanong ni sakuragi na this time nakatingin na ng seryoso kay mito at sa apat pang nasa likod nito.



"Hanamichi, h-hindi mo naman na kailangan pang alamin pa iyon. H-hindi naman iyon g-ganon kaimportante e." Ngiwing saad ni mito na kinakabahan na talaga dahil nasa kanya naka pokus ang buong atensyon ni sakuragi..



"Anong hindi importante? Mahalaga iyong malaman ni sakuragi dahil kasama rin si aki doon." Napapalatak ng malutong na mura si mito dahil sa sinabi ni mitsui..


"Manahimik ka mitsui, okay na ang kaibigan namin. Wag mo nang guluhin pa nang dahil lang dyan." Inis na saad ni mito na masamang tinignan ito.



"Pero hindi kita maintindihan kung bakit kailangan mo pang itago sakanya? Kung Pwede mo naman sabihin sakanya para isahan nalang Diba?" Giit parin ni mitsui na lalong nakapag bigay bigat sa paligid nila.



"Manahimik ka na mitsui, wag mo nang palalain pa ang sitwasyon na kinalalagyan ni sakuragi, wala ka nung araw na hirap na hirap si sakuragi at nasasaktan.. kaya mas magandang wag niya nalang malaman pa ang bagay na iyan. Okay na siya, at mas magiging okay pa. Kami na ang bahala sa kaibigan namin." Buong kompyansang saad ni mito na tinignan si sakuragi na nakayuko habang tila may malalim na iniisip.



"Tara na sakuragi.." pag ayang saad ni mito dito subalit hindi natinag sa kinakatayuan si sakuragi, itiningala nito ang tingin ang tinignan si mito at mitsui.


"Anong meron at nasali sa usapan natin si aki?" Malamig ang boses na tanong ni sakuragi, hindi na rin kasi mapigilan ni sakuragi na alamin kung ano ba ang bagay na gustong sabihin ni mitsui sakanya na alam ng mga kaibigan niya.



"Hanamichi! Wag mo--." Pinutol ni sakuragi ang pagtutol pang muli ni mito sa kanya



"Mito, alam kong concern lang kayo sa akin, pero tama si mitsui mas magandang malaman ko na nang mas maaga kesa huli ko ng malaman, tapos may pag sisisihan ako kung bakit wala man lang akong ginawa." Saad ni sakuragi na seryosong tinignan si mito para hindi na ito mangialam pa sa desisyon niya.



"Nag sisimula ka nang mag move on Diba? Ikaw na mismo nag sabi na gusto mo nang gumawa ng bagay na ikasasaya mo kaya nga bumalik ka ulit sa pag aaral Diba?" Giit ni mito na seryoso ring nakipag titigan kay sakuragi



"Mito!!" Pigil ni takamiya nang makitang higitin ni mito ang kwelyo ni sakuragi



"Pero mas mapapadali ang gusto kong mangyari kung alam ko na ang lahat, ayaw ko nang mag isip pa ng mga bagay na dapat umpisa palang tinapos ko na. Mito, ako iyong mag dedecide kung ano ang gusto ko para sa sarili ko. Salamat sa sobrang pag aalala pero gusto rin malaman kung ano ba talaga ang gustong iparating ni mitsui sakin at kung bakit kasama si aki sa usapan." Anas ni sakuragi kay mito



Pero galit parin si mito dahil sa katigasan ng ulo ni sakuragi, hindi ito nakikinig sa gusto niyang mangyari para sa ikabubuti rin nito mismo.


"Si aki.. at si mitsui, sila mismo ang iniatang ng kanilang mga magulang para mag pakasal." Bulalas ni mito sa malamig na boses habang nakatingin nang deretso kay sakuragi na may blangkong expression sa mukha.



"MITO!!!" sigaw ng mga ito

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now