chapter 85

97 9 0
                                    

Nagsi handaan na ang lahat ng players ng okaido team palabas ng kwartong pinagpapahingahan, nilelead ito ni aki subalit tila wala ito sa sarili, kapansin pansin rin ang pagmamadali nito sa ginagawa.

"manager? Ayos ka lang ba?" Hindi na nakatiis pa si takasugi ay tinanong niya na ito, papalabas na sila at patungo na sa direksyon patungo sa loob ng gym.

Nagulat si aki sa naging tanong ni takasugi kaya napatikhim ito bago tumingin dito ng may pilit na ngiti sa labi.


"Ha? Oo naman, ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako sa laban niyo," palusot na sagot nito, napakunot noo si takasugi


'ang weird ngayon ni aki, dati rati naman ay hindi naman siya ganyan kumilos at nabahala sa pag lalaro namin ng basketball, may bumabagabag kaya sakanya?' Tanong ni takasugi sa kanyang sarili


"wag mo nang pakaisipin pa yan manager, kami na ang bahala sa lahat basta chill ka lang." Saad ni shintaro na nakikinig pala usapan, tinanguan naman ito ni takasugi bilang sang ayon.


Kahit ang totoo'y iba ang concern niya sa pinapakita ng kanilang manager. Napatingin si takasugi kay sakuragi na mukhang wala rin wisyo kaya hindi nakatakas sa isiping baka nag away ang dalawa kaya ganito si la ngayon.


"Pre! May napapansin ka bang kakaiba sa dalawa?" Tanong ni takasugi kay shintaro na mas malapit sa pwesto niya.


"Wala naman, pre. Bakit? May nangyari ba sa dalawa? " nacu'curious na tanong ni shintaro sa Huli.



"Hindi ko nga Alam, kaya nga ikaw ang tinatanong ko." Sagot naman nito pabalik.


"Okay pa naman sila kanina,kaya imposibleng mag kaaway sila ngayon.. Pansin ko naman pagkarating palang ni sakuragi mula sa pakikipag usap sa dati niyang myembro, naging badmood na ito." Oh! Ibig sabihin ang mga iyon ang may kasalanan kung bakit badmood si sakuragi ngayon?



"Eh! Bat pati si manager damay?" Napapakamot naman sa ulo si shintaro dahil sa kakatanong ni takasugi sa kanya.


"Malay ko, bro. Hindi ko naman kasama ang dalawang iyan kanina kaya wala akong ideya kung saan nag mula ang pagiging bad mood nila. Tsaka mag pokus na nga lang tayo sa laro, mamaya niyan maapektuhan paglalaro ni sakuragi, atleast tayo okay na okay pa. " napabuntong hininga si takasugi bago tumango.


"Okay."


[AKI POV.]

Hindi mawala sa isip ko iyong itsura ni haruko kanina ng makita niyang muli si sakuragi, nakakaramdam ako ng takot na baka ito ang maging dahilan at muling piliin ni sakuragi si haruko. Hindi malabong mangyari ang na sa isip ko dahil may nakaraan naman sila bago ako dumating sa buhay ni sakuragi.


Tsaka babae rin ako at Alam ko ang mga tinginan kapag in love ang isang babae, dahil ganon din ako tumingin kay sakuragi noon na hanggang ngayon ay ganon na ganon parin ang titig ko. Ayaw ko mag isip ng kakaiba at dapat mag tiwala rin ako sa boyfriend ko, kaso kay haruko ako na babahala, what if! Kunin niya na ng tuluyan si sakuragi, kahit wala itong effort ay maganda na talaga siya.


"Anak! Ayos ka lang ba?" Puna ng ama sa anak ng makitang tahimik ito at nakatulala, kahit hindi ito mag sabi sakanya ay ramdam niya parin na may pino'problema ito ngayon.



"Hmm, okay lang po ako, papa." Sagot ni aki sa ama,  napatingin ang ama nito sa direksyon ni sakuragi.


'Tama ba ang naging desisyon ko na ipaubaya si aki kay sakuragi? Hindi ko na nakikitang ngumingiti ang anak ko.' Anas ni kotaro sa kanyang isipan na mukhang nagdadalawang isip na sa naging desisyon niya nung una.


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα