Chapter 11

401 37 18
                                    


"Mahigit dalawang linggo ng hindi pumapasok si sakuragi? Tinotoo niya na ba talaga ang pag alis sa team?" Pagtatanong ni kogure sa mga kateammates na tulala at tila may malalim na iniisip.


hindi naman nakaimik si mitsui pero alam  nito sa sarili niya na hindi rin natutuwa ang mga kateammates niya sa ginawa niyang pambabastos kay sakuragi.

Magsisi man siya ngunit huli na rin naman.



"Pansin ko palagi na ring late pumasok si rukawa, mukha hindi na rin ito interesado sa paglalaro." Anas ni miyagi na tila na babahala sa mga nangyayari sa buong team ng shohoku.



maya maya pa ay binulabog ang katahimikan ng buong gym ang pagtakbo ni ayako papasok. Nagulat silang lahat dahil doon kaya napatayo sila


"Masamang balita, totoong umalis na si sakuragi sa team at nagpa dropped out na rin siya sa lahat ng subject niya." Nagulat ang lahat sa naging balita at ang maging taong nakarinig ay natahimik ay malalim na napaisip sa kani kanilang sarili.




"Balita ko doon na siya ngayon pumapasok sa Okaido High school, ang isa sa malalakas na team ng kanagawa at ang tatay na kasama ni sakuragi na babae ay ang coach ni sakuragi ngayon."


Muli na namang nanlumo ang mga dating kateam mates ni sakuragi sa narinig, hanggang sa pumasok si rukawa sa loob ng gym dala ang gamit nito.


"rukawa saan ka pupunta?" Tawag ni akagi kay rukawa

wala namang emosyong tumingin si rukawa kay akagi, bago tinignan ng matalim si mitsui.


"Magda drop out narin ako, ayoko kasing makipag team up sa mga toxic na taong katulad niyo. Tapos na akong pakisamahan kayo 'kaya oras naman para si sakuragi ang kampihan ko sa lahat ng mga taong nagmaliit sakanya 'nung nandito pa siya. Galingan niyo nalang sa pagpapractice, sige hanggang sa muli."  saad ni rukawa na kinakaba naman ng lahat. Napatakbo si ayako para sana habulin si rukawa ngunit desidido talaga na umalis ito.



"anong gagawin natin? Wala na si sakuragi, mawawala na rin si rukawa.." naiiyak na saad ni ayako. Tila namroblema naman si miyagi sa narinig sabay salampak ng upo sa sahig.



"kasalanan mo to mitsui, dahil sayo sinira mo ang team shohoku. Wala naman kasing katuturan iyang mga galit na nararamdaman mo, pero pinagpatuloy mo parin." Galit na bulyaw ni miyagi dito.




"Tss. Wala akong pakialam sa opinyon mo. Ngayon wala na silang dalawa oras na rin siguro para gumawa ng sariling pangalan." Nakangising saad ni mitsui bago umalis at lumabas ng gym.



"hindi ko na alam pa ang gagawin ko." punong puno ng frustration na saad ni akagi bago umalis.




Sa kabilang dako naman kung saan naglalakad si rukawa palabas ng school ay  nakita nito si aki na nag iisa. Hinabol niya ito at tinawag



"kamusta na si sakuragi?" Tanong ni rukawa



"Ayos lang naman, paunti unti ay nakakarecover na rin siya sa mga pinag daanan niya. Eh? Ikaw bakit ang dami mong dalang gamit?" Takang tanong ni aki



"Lilipat na ako ng school kung saan nandoon si sakuragi." Nagulat si aki sa narinig at pagkaraan ay natuwa sa narinig, ito na siguro iyong matatawag na magiging totoong kaibigan ni sakuragi pang habang buhay.



"Sige. Halika sasamahan kita, puntahan natin siya." Nakangiting saad ni aki na kinatango ni rukawa



'hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa ngayon, basta ang alam ko lang gusto kong maging kaibigan si sakuragi at baguhin ang nakasanayan ko noon.' Anas ni rukawa sa kanyang isipan.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now