chapter 74

148 17 4
                                    


Nagsimula na nga ang laban sa natitirang isang minutong oras, hindi na nga ipinasok si sakuragi sa hindi malamang dahilan nito ng bigla itong humingi ng time break kanina. Ngunit hindi man iyon ilahad ni sakuragi sa lahat, may kutob na rin naman si rukawa sa kung anong nangyari sa kaibigan at sa pagbabago ng mood nito bigla.

Lima nalang ang kalamangan ng okaido sa shoyo, ngayong wala si sakuragi ay nababahala na ang ilang myembro ng okaido bagamat nasa loob pa si rukawa ay nababahala parin sila sa biglaang pagbabago ng galaw ni fujima.

Ipinapasok na ito ni takasugi kaya wala ng sinayang na pagkakataon ito at agad na inatake ang depensa ni eichi sa kanya, ngunit mas matangkad si eichi sakanya kaya walang nagawa pa si takasugi ng madanggil nito ang bola mula sa likod niya ng makalagpas siya dito. Napaatungal ang mga manunuod sa nakita kaya hinabol naman ni shintaro ang bola ngunit nakuha na ito ni eichi.

Agad pinasa ni eichi ang bola kay ezekiel na may malawak na pagkakangisi sa labi bago nagpakitang gilas sa pag didribble sa harapan ni kotaro na isa ring bangko kanina sa okaido. Hindi naman iyon pinansin ni kotaro bagkus ay mas hinigpitan niya ang pagbabantay dito kahit pa na napakalaki ng pangangatawan nito at mas matangkad pa dito.


Nang subukang atakehin ni ezekiel si kotaro sa pag dedepensa nito ay agad din siyang napaatras dahil sa biglaan nitong pag sabay sakanya.

Ngumisi si kotaro sa kanya ng may panunuya kaya inis na sinamaan siya nang tingin ng huli.

"mayabang."asik na saad ni ezekiel

"Heck! Ikaw nga itong nag papasikat pa kanina dyan." Natatawang saad ni kotaro bago mabilis na inigkas ang kamay patungo sa bola na agad naman napatilapon palayo. Napangisi doon si kotaro at tatakbo na sana patungo sa direksyon ng bola ng bigla nalang may ibang kumuha non.


"Fujima!" Gulat na bulalas ni ezekiel ng makitang si fujima ang nakakuha ng bola. Masama siyang tinignan ni fujima bago mabilis na nag dribble.


"Magkaka 30 seconds violation kana't lahat nagawa mo pang makipag chismisan dyan." Asik ni fujima bago mabilis na tumakbo patungo sa ring nila at wala ng pag dadalawang isip na gumawa ng easy lay up.


okaido 26
shoyo 23

tatlo nalang ang kalamangan ng team okaido na kinadismaya ng mga fans nila. Marahil iniisip nilang nag papabaya na ang mga ito at nasa labas pa si sakuragi na mukhang walang balak manuod dahil naka upo lamang ito habang nakapikit na tila nagpapahinga. Maraming nag iisip ng dahilan kung bakit naisipang lumabas ni sakuragi gayong malapit ng matapos ang first quarter at nakakahabol narin ang team shoyo dahil sa captain na si fujima.



Napatingin silang lahat ng si rukawa naman ang nag dala ng bola, binabantayan ito ni fujima na mukhang sabik na sabik nang makahabol sa score ng okaido. Nang magawang makatakas ni rukawa mula sa pag babantay ni fujima ay naging hudyat naman ito upang idouble team siya ng mga ito na siyang kinagulat ni rukawa. Napakahigpit rin ng pagbabantay ng mga ito dahil kada susubukan niyang makalusot ay nahaharangan siya ni minato.



"Hindi namin hahayaan na makalamang pa kayo sa natitirang oras ng first quarter." Anas ni minato na ikinawalang kibo lamang ni rukawa na nag didribble parin habang blangkong nakatingin sa mga ito.


Hanggang sa mabilis na tumalon si rukawa na ikinabigla ng mga nagbabantay sakanya dahil hindi nila inaasahan na gagawin iyon ni rukawa instead na umatake lamang sa kanila. Agarang ibinato ni rukawa ang bola sa direksyon ni captain tetsuya kaya ng makuha nito ang bola ay agad naman siyang naharangan ni hanagata.



30 seconds remaining, ilang segundo nalang ang natitira kaya agad na gumawa ng paraan si tetsuya nag cross over siya pakaliwa na sinundan naman ni hanagata. Muling gumalaw si tetsuya at pakanan naman ngunit nasusundan lamang ito, nang biglang pwersahan siyang nakipag dikitan ng katawan kay hanagata sabay release ng bola patungo sa kanilang basket. Napatingala sila at tila nag slow motion pa dahil sa tagal ng pag baba ng bola sa ring nila. Hanggang sa mapaatungal ang lahat dahil tumalbog pa palayo ang bola sa ring.



"ano ba yan!" Sigaw ng mga manunuod, todo cheer naman ang fans ng team shoyo na tinatabunan na ang boses ng mga umiidolo sa okaido.



"REBOUND!" sigaw ni sakuragi na kinalaki ng mata ng lahat. Nakatayo na ito habang nakatingin kay rukawa ng seryoso.

Tila natauhan naman ang lahat sa nakakabinging sigaw ni sakuragi kaya agad na nag ready ang mga ito sa ilalim ng ring. Ganon din ang ginawa ni rukawa, naki abang narin siya sa mga ito habang hinihintay na bumaba ang bola.


Pagkatalon ni hanagata, tetsuya, ezekiel at rukawa ay nagulat pa sila ng mas nauna pang nakuha ni hanagata ang bola eh samantalang sabay sabay silang tumalon. Wala namang sinayang na pagkakataon si hanagata ng makitang tumakbo na si fujima ng mabilis patungo sa kabilang ring nila.



"FAST BREAK!!" Malakas na sigaw ni sakuragi at aki na nakatayo na mula sa kinauupuan..puno ng intense ang laban mas lalo na ang oras na natitira dahil na 20 seconds na lamang ito hinahabol pa nila ang bola.



Nang maabot ito ni fujima agad nitong drinibble ang bola at hindi na nag aksaya pa ng oras at agad na nag aim ng pagtira ngunit nagulat siya ng malakas at mabilis na isinupalpal sa kanyang harapan ni takasugi ang bola.



"Binabalik ko lang ang kahihiyang ibinigay mo sakin. Sana magustuhan mo." Anas ni takasugi bago mabilis na nilagpasan ito at kuha sa bola.



"RUKAWA! FAST BREAK!" puno ng hiyawan ng mga tao ang naririnig maging ang malalakas na yabag ng mga paa nito ay naririnig na sa gym.


Mabilis na tumakbo si rukawa at wala ng sinayang na pagkakataon ng mabilis na inihagis ni takasugi ang bola palobo, napasinghap lahat sa nakita ng maisip nilang gagawa ng isang alley oop dunk si rukawa.


"GO RUKAWA!" sigaw ng team shohoku na napapatayo pa mula sa kinakatayuan.



Tumalon ng pagkataas taas si rukawa ng makitang malapit na sakanya ang bola. Nahawakan niya na ito at ititira na sana papasok ng may biglang pumigil doon at buong pwersahang nakipag tagisan ng lakas kay rukawa. Parihas silang naihampas ng pwersahan ang bola kaya imbes na maishoot ang bola ay tumilapon lang ito palayo. Sabay din na bumagsak sa sahig si rukawa at hanagata dahil sa nangyari, narinig na din nila ang bell hudyat na tapos na ang first quarter.




Hindi na dagdagan ang score ng okaido kaya ang score ay 26 samantalang ang shoyo ay 23.








The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Onde histórias criam vida. Descubra agora