Chapter 71

153 18 3
                                    


Pagkalapit ni sakuragi sa pwesto ni rukawa automatic na napakunot ang noo nito sa kaibigan, kapansin pansin kasi ang pagngiti nito ng kakaiba hindi katulad kanina na wala sa mood at masama na ang titig sa kabila.

"Anong sinabi mo kay fujima?" Curious na tanong ni rukawa kay sakuragi, napatingin si sakuragi kay rukawa ng nakakunot noo.

"bat gusto mong malaman?" Takang tanong ni sakuragi pabalik kay rukawa


"Syempre kaibigan mo ko, gusto ko malaman kung ano gagawin mong plano!" Sagot nito pabalik kay sakuragi


"Ako na bahala sa bagay na yan, ang gusto ko lang pag nagkaseryosohan na dapat nasa paligid ka lang, ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko kahit wala akong masyadong sinasabi sayo." Anas ni sakuragi na ikigulat ni rukawa

"Tsk. Ayusin mo nakailang pagbabanta na ang ginawa niyo sa isat isa, tss." Anas ni rukawa

"tss oo na, hayaan na muna natin sila." Sagot ni sakuragi bago tinap si rukawa sa likod at tinulak ito para maglakad pasabay sakanya.

nasa okaido team na ang bola at hawak ito ni takasugi alam nilang si fujima ang mag babantay dito para ma steal na naman ang bola kaya agad na iniscreenan ni rukawa ito na kinagulat naman ng husto ni fujima, napangisi si sakuragi sabay senyas kay takasugi na ipasa ang bola sa gawi niya. Tumango si takasugi bago pinasa sa kanya ang bola, nang mahawakan niya palang ang bola mula sa three point line ay agad siyang binantayan ni ezekiel na seryoso na din.

napansin ni sakuragi ang binabalik nitong pag atake sa kanya kaya bago pa nito mahawi ang bola sa pagkakadribble niya ay nag step back agad siya kasabay ng pag taas ng bola para sa pag tira mula sa three point line. Nagulat si ezekiel sa ginawang pag step back ni sakuragi kaya huli na para maabutan ang pag release nito, ngunit ng marelease ni sakuragi ang bola ay laking gulat din nito na may biglang tumalon mula sa likod ni ezekiel at si hanagata iyon. Nasupalpal nito ang bola kaya tumilapon ito palayo, kaya sobrang laki ng tuwa ng shoyo dahil sa ginawang pag supalpal ni hanagata kay sakuragi, napangisi si sakuragi sa nakitang reaksyon ng mga ito bago.


niya narinig ang mga singhapan ng mga manunuod dahil mataas din na tumalon si rukawa para lamang maabot ang bola mula sa direksyon kung saan ito babagsak ang bola.

napatalon ang team okaido sa tuwa at ang mga taong nanunuod ay napanganga sa nangyari at halos hindi makapaniwa sa nakita, maging si hanagata at ezekiel ay hindi na nakaumang pa dahil sa nasaksihan.


Napansin ni ezekiel ang pag ngisi ni sakuragi bago tumalikod at tumakbo na patungo sa ilalim ng basket, sinundan siya ni hanagata para pigilan sa binabalak. Dinidribble na ni rukawa ang bola at mabilis lang para ditong maiwasan si minato at ang pagbabalak na pag bantay ni eichi sakanya. Nang makalagpas si rukawa sa pagbabantay ng mga ito ay agad siyang prumeno sa pag takbo kasabay ng pag taas ng kamay upang gumawa ng fade away shot ngunit sa kakaibang pag release iyon.

"Anong ginagawa niya? Bakit ang taas at ang lakas ng pagkaka release niya? Ang lapit niya na sa ring nila ah!" Gulat na puna ng manunuod sa nasaksihan sa ginawa ni rukawa, blangko lamang na tumayo si rukawa ng magawa niya iyon na tila hindi na babahala sa nangyari.


"Heh! AKO NAMAN!" malakas na sigaw ni sakuragi sabay na mabilis na inikutan si hanagata pakanan to pakaliwa upang makaalis lamang sa pag dedepensa nito. Halos malito si hanagata sa pagiging agresibo ni sakuragi sa opensa nito kaya nang makatalon si sakuragi at maabot ang bola ay napanganga nalang siya ng isahang kamay nitong buong pwersahang idinunk ang bola!

Tumunog ng malakas ang head board dahil sa lakas ng impact na nangyari. Napahiyaw ang mga tao sa nakita at buong lakas na isinigaw ang pangalan ni sakuragi at rukawa na nakapag bigay lamig sa buong katawan nila.

'Sakuragi'

'rukawa'

'sakuragi'


'rukawa'


samot saring sigawan ang naririnig nila bago nilapitan ni sakuragi si rukawa upang umapir sa isat isa. Napangisi si sakuragi samantalang blangkong expression naman ang ibinigay ni rukawa, napatingin sila sa direksyon ni fujima na wala na talagang mababakas na kahit na anong emosyon sa mukha nito.

Okaido 24
shoyo 15


lamang na lamang na ang okaido kaya sobrang laki ng tuwa nila aki at coach kotaro sa nakikitang sigla sa mga ito. Ngunit nababahala parin sila sa kakaibang pinapakita ni fujima, tila may pinaplano ito na tiyak na ikakagulat nila ng husto.



Hawak na ng team ni fujima ang bola, wala ng nagtangkang mag salita sa mga kakampi nito dahil sa nangyari, kakaiba na kasi ang nararamdaman nila sa captain nila tila nawalan na ito ng interes sa nangyayari sa paligid nito at iyon ang kinababahala ni hanagata.



"Okay team! Tayo naman!" Sigaw ni fujima na nakapag palingon ng lahat sa napakalakas nitong pag sigaw. Nangilabutan si hanagata at hindi nakatugon sa naging sigaw nito, dahil pagkapasang pagkapasa palang ng bola sakanya ay wala na itong sinayang na pagkakataon at agad na umatake sa depensa ni takasugi, na sinubukan naman ni kiyo ngunit mabilis lang siya na cross over ni fujima. Nasa harapan na nito si rukawa kaya napahinto si fujima, ngunit iyon ang akala nila na tatahimik lang ito sa ginagawang pag dribble ngunit mabilis lang pala itong nag step back kasabay ng pagtira ng fade away shot na ikinaawang ng labi ni rukawa ng bahagya.



Iyon kasi ang ginawa niya kanina ngunit kay fujima ay sigurado siyang maipapasok nito iyon. Hindi na sumubok si sakuragi na habulin ito at nakatayo lang siya sa harapan ni ezekiel na nanunuod sa nangyayari sa kanilang captain.



Nang mairelease nga nito ang bola ay agad itong tumalikod na tila siguradong sigurado na maishoshoot niya ito. Nagulat sila sa inasta nito ngunit mas nagulat sila ng swabeng pumasok ang bola na halos hindi man lang sumagi sa ring at deretso lamang nashoot doon.



"Woa! Nakakagulat, mukhang sa dalawang minutong natitira at sa susunod na quarter ay mas magiging kaabang abang ang mangyayari. Di ko akalain na may kakaibang galing pala itong si fujima." Anas ng isa sa mga manunuod na sumusuporta sa team okaido. Napatango ang kasamahan nito sa sinabi ng kaibigan.



"mukhang tama ka sa mga sinabi mo, akala ko kasi talaga kanina ay nag papabaya na ito sa nangyayari sa team nila at pansin ko rin na wala itong pakialam sa teammates niya, iyon naman pala ay mukhang may binabalak pala." Gatong na usal pa ng isa na ikinasang ayon din ng isa.


muling nabuhayan ang manunuod sa nakitang ginawa ni fujima at maging ang sumusuporta dito ay natuwa sa nakita kaya todo ingay at sigaw sa pangalan nito.




'FUJIMA'


'FUJIMA'


'FUJIMA'



sigawan ng mga tao, wala namang imik ang kabilang koponan dahil kahit sila ay nakaramdam ng kasabikan mas lalo na si sakuragi na nakatingin kay fujima na nakaduko at nagpupunas ng pawis sa sariling jersey shirt.




"mukhang magiging maganda na ang tapatan niyo ah!" Puna ni rukawa



"mukhang ganon na nga.. aasahan kita na nandyan ka palagi sa likod ko, my man." Nagulat si rukawa doon sa tinawag sakanya ni sakuragi kaya napasimangot siya.



"Tss." Singhal nito bago tumango



dalawang minuto at sampung segundo nalang ang natitira, may pakiramdam si sakuragi na maabutan pa sila nito kaya mas magiging maingat pa siya.



Okaido 24
Shoyo 17

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon