chapter 138

111 11 9
                                    


Continuation...

"See you tomorrow class, bye!" Pag papaalam ng huling teacher sa pang hapong subject.

Agad inasikaso ni sakuragi ang kanyang mga gamit niya at agad na inilagay sa bag nito. Hindi ugali ni sakuragi na mag aral at magsulat habang nakikinig sa teacher na nagtuturo dahil noon naman ay tanging pag tulog lang ang ginagawa niya kaya karamihan ng mga teacher niya noon ay nagagalit sakanya.

Pero ngayon, ibang iba na ang sakuragi'ng makikilala ng mga taong nakakakilala sakanya dahil hindi na siya tulad ng dati. Mas naging responsible na siya sa kanyang sarili at desisyon sa buhay.


Nang kumunti ang mga tao sa loob ng classroom napag pasyahan ni sakuragi na lumabas na at dumaan saglit sa library upang humiram ng libro kung saan kailangan niya sa kanyang assignment sa history class niya.


Mula sa dulo ng hallway may tatlong magkakaklase na nag tutulakan pauna sa nilalakaran upang sundan si sakuragi sa pupuntahan nito. Abot abot ang kaba ng mga ito dahil sa takot na baka hindi sila kausapin ni sakuragi.

"Pre, tutal suhestiyon mo naman ito, ikaw na ang maunang mag lakad.. susunod nalang kaming dalawa." Saad ni kaito na tinulak pa ng bahagya si riku, napaatras naman ito sa ginawa ni kaito sakanya.


"Baliw kaba? Paano kung bigla nalang tayong suntukin non, alam mo namang palagi tayong kasama ni ace kaya sure akong iisipin non na pagtitripan natin siya." Laban namang sabi ni riku pabalik, napakunot noo naman si kaito at kaoru dahil sa sinabi ni riku


"Pambihira ka naman pre, kung kanina mo pa sinabi iyan edi sana wala tayo ngayon dito. Alam mo namang pala na alam na ni sakuragi na kaibigan natin si ace, edi anong halaga pa ng pagpunta natin dito?" Inis na sabi naman ni kaoru



"Aba malay ko namang aagree din kayo sa naging suhestiyon ko kanina, sa katunayan ginagawa lang naman natin ito para kay ace hindi para kay sakuragi." Saad naman ni riku na ikinatigil ng pagrereklamo ng dalawa.


Ngunit hindi nila alam na kanina pa pala nakikinig si sakuragi sa kanila, nakita kasi sila ni sakuragi na nagtatalo sa di kalayuan mula sa library. Iisa lang naman ang daan patungong main gate ng campus nila kaya minabuti ni sakuragi na huminto muna at hintayin ang mga itong makadaan. Subalit mas kainte' interesadong pinakinggan ni sakuragi ang pinag uusapan ng mga ito ng marinig niya ang sariling pangalan.



"Narinig ko na naman ang pangalan ko?" Paginterrupt  ni sakuragi sa usapan ng tatlo, nagulat pa ang mga ito.


"S-sakuragi!? Ikaw pala iyan, kanina ka pa ba dyan?" Tanong ni kaito, tumayo naman mula sa pagkakasandal si sakuragi mula sa poste


Kumibit balikat nalang si sakuragi bilang sagot sa tinanong ni kaito sakanya, nakapamulsa niya itong tinignan isa isa bago bumuntong hininga.


"Ano na naman problema niyo sakin at narinig ko na naman pangalan ko?" Tanong ni sakuragi sa mga ito


Dinanggil naman ni kaoru sa balikat si riku upang simulan na ang pag sasalita. Tumikhim naman si riku at pilit na pinatapang ang sarili.


"It's about ace," paunang saad ni riku, pinag taasan naman sila ni sakuragi ng kilay.


"What about him?" Balik tanong ni sakuragi sakanila.


"Sinasabi namin ito dahil nagmamalasakit kami sa kaibigan namin at ayaw naming mapahamak siya sa gagawin niyang desisyon. Kaya wag mong pakaisipin na ikaw ang inaalala namin kung bakit namin sinasabi ito sayo ngayon."



"Okay." Tanging nasabi ni sakuragi bago ito hinintay na mag salita na.


"Si ace.. may plano siya sayo mamaya, gusto ka niyang bawian dahil sa ginawa mong pag papahiya sakanya. Ayaw naming mapahamak siya kaya naisipan naming sabihin ito sayo para malaman mo na hindi naman masamang tao si ace, may pinag daraanan lang siya na mabigat kaya ganon ang ugali niya." Saad ni riku na tinugunan naman ng dalawang kaibigan nito.


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu