chapter 116

86 6 0
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

(Author note: Ito na po iyong pinaka highlight sa story na ito, tumanda na sila at natuloy nga po si aki na makaalis ng bansa. Si sakuragi ay bigla nalang nawala na parang bula sa kanagawa. *Ibubuod ko nalang dito para mas maunawaan niyo. Salamat*

Meron din po ditong bagay na ikagugulat niyo ng husto, hehe! May flashback naman kaya hindi kayo maiinis sa akin. HAHA! Uutay utayin ko po🥰

Chapter 116:

*****Five years later*****

"Anak? Sigurado ka bang uuwi ka na sa pilipinas?" Malungkot ang tono ng boses ng ina ng itanong iyon sa anak na si aki.

"Mom, It's been 5 years na po ang nakakalipas kailangan ko rin naman pong bumisita sa bansang kinalakihan ko. And... Si daddy din, gusto ko siyang makita," sumimangot ng husto ang mukha ng ina ni aki dahil narinig na naman nito ang tungkol sa ama.

"Anak naman, ilang beses ko rin bang sasabihin sayo na wag mong banggitin sa harapan ko ang magaling mong tatay, siya ang may kasalanan kong bakit nagkahiwalay tayong dalawa." Giit ng ina kay aki, tinigil naman ni aki ang paglalagay ng gamit sa kanyang bag bago nilapitan ang ina nitong hindi maipinta ang mukha dahil sa inis.

"Mom, I'm sorry okay? Hindi ko na po ulit babanggitin si daddy, n-nag aalala lang naman po ako dahil sa nangyari 4  years ago." Natigilan ang ina ni aki nang makitang malungkot ang anak nito. Bumuntong hininga ito bago hinila ang anak at niyakap.

"Hush now, sweety. Galit parin talaga ako sa daddy mo dahil sa mga nangyari, nag aalala lang ako na baka anong gawin niya sayo sa oras na bumalik ka sa japan." Halata sa boses nito ang kaba habang iniimagine ang senaryo na imposible namang mangyari.

"Mom, hindi naman po iyon magagawan ni daddy sakin. Besides kasama ko rin naman si sa--." Naputol ang sinasabi ni aki ng biglang may tumama sakanyang hita ang bola, tinignan niya kung sino ang may gawa non.

Automatic na napangiti si aki at ang ina nitong si akira nang makita ang mag fi'five years old na batang lalaki.

"Saki.. baby, come here!" Tawag ni akira sa kanyang apo, tumayo naman ang bata habang hirap na hirap na tumakbo patungo sa kanyang mommy lola.

"Apo? Napakagwapo mo talaga, manang mana ka talaga sa iyong ama." Sabay hinalik halikan ito sa pisngi at leeg na ikinabungisngis ng batang paslit.

"Ma, thank you po!" Bulalas ni aki ng naluluha, natigil si akira sa pag lalaro sa apo niya ng makitang umiiyak na si aki.

"Ano ka ba naman anak, kailangan mo pa bang umiyak? Napag usapan na natin yan.. hindi isang pagkakamali ang magkaroon ng maagang anak, blessing si saki ng dumating siya sa buhay natin, sa buhay mo. Kaya kung ano man iyang iniisip mo? Itigil mo na yan dahil nandito naman ang baby saki para pasayahin tayo." Nakangiting saad ng ina kay aki, tinignan ni aki ang anak na masayang pinag lalaruan ang buhok ng kanyang ina.

"Tama ka mommy, kung hindi mo siguro ako nakita that time, marahil nakaalis na kami ni daddy at kailanman ay di na nakabalik. Salamat mommy, dahil itinakas niyo ako ni kuya rukawa, kung hindi niyo siguro ginawa iyon, hindi mabubuo si saki." May ngiting saad ni aki, bagamat napaka tamis ng ngiti nito, makikita mo parin na may bahid ng kalungkutan ang kanyang mga mata.

"Ma, miss na miss ko na ang tatay ni saki." Naluluhang saad ni aki, naiiling naman ang ina ni aki bago bumuntong hininga.

"Anak naman, ikaw na rin mismo ang nag sabi na itinakwil ka na niya diba? Kagustuhan man ninyo ang nangyari o hindi, ang mahalaga na buo niyo si saki. Kung talagang para kayo sa isa't isa, walang magagawa ang ibang tao na humahadlang sainyo kundi ang tanggapin kayo sa huli. Tsaka nagdesisyon ka para sainyong dalawa, kilala ko si sakuragi anak, hindi ka niya pababayaan at ang anak niyo. Pino'protektahan mo lang naman si saki." Anas ni akira sa anak, natahimik si aki at hindi na nag salita pa.

'sakuragi? Kamusta kana? Kung nasaan ka man, Sana nasa maayos ka lamang na kalagayan.' bulong na panalangin ni aki sa kanyang isipan.

=Ōsaka, japan=

"Jun, saan punta mo? Bakit parang galit na galit ka na naman? Kahapon ka pa ganyan." Natatawang saad ni hajime kay jun

"Hulaan ko? Nagkasagupaan na naman kayo ni saku no? Alam mo namang hindi ka mananalo doon e, batak na batak sa trabaho iyon e." Anas ni sokomo na kaibigan ni jun at hajime.

"Tsk! Alam ko naman iyon, tanggap ko naman na simula palang na mas magaling siya kesa sakin. Pero bakit kailangan lahat ng babae dito sa osaka, gustong gusto siya. Bakit? Dahil ba siya na ang pinakamayaman na tao sa buong city na to? Ahm." Singhal na saad ni jun, nagkatinginan ang dalawang kaibigan nito sa isa't isa bago sabay na tumawa.

"Bwesit ka pre, kaibigan natin ang kinaiinggitan mo, si saku bago siya naging mayaman dito sa city natin, marami na muna siyang pinag daanang hirap. Eh tayo? Wala naman tayong goal noon e, gusto lang natin mag bulakbol at mambabae, pero nang dahil sa kanya nag kabusiness tayo Diba? Lumakas loob natin dahil sa kanya. He inspired us to be a good man, always remember that jun." Ani sokomo kay jun na natahimik at hindi na nakaimik dahil sa pag seselos na nararamdaman para kay saku

"Pasensya na mga pre, naiinggit lang talaga ako sakanya. Napaka powerful niya na, sabagay kahit naman siguro magustuhan siya nang lahat ng babae dito sa osaka, wala parin naman siyang nagugustuhan ni isa." Nakangising saad ni jun, naiiling na lamang ang dalawa bago ito tinulak palakad

"Tara na nga, kailangan na nating pumunta sa meeting place natin. Sigurado ako na kanina niya pa tayo hinihintay, Ayoko namang masabihan ulit ni sachi na makupad dahil sa kakasama ko sainyo." Ngising pang aasar ni hajime sa mga kaibigan, sabay na umatungal ang dalawa kaya mas natawa si hajime sa reaction ng mga ito.

"Darn pre, ang layo pa natin pero kitang kita na ang nakakalulang kompanya ni sakuragi." Bulalas ni sokomo na tila nag nining ning ang mga mata

"Haynaku! Iwan ko sayo, sokomo. Bat di kaya ayain ulit natin si boss sakuragi na mag laro ng basketball ulit. Sure ako na hindi iyon marunong dahil never pa naman natin nakita siyang naglaro e." Ngising suhestiyon ni jun

"Oo nga no? Sige sige.. tanungin mo mamaya, tutal ikaw naka isip niyan." Ngiwing laban ni hajime pabalik kay jun na ikinatawa ni sokomo.

"Duwag!" Jun hissed

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now