Chapter 2

3.5K 184 22
                                    

Krist's POV

Kristine Jaspher Corpuz, Krist for short. My age is like an atomic number of Argon, yun lang kase kahit ako di ko kilala sarili ko.

(-.-)

Papunta na ako ngayon sa girls restroom. Mabuti na lang bitbit ko ang bag ko para sa pangangailangan ko ngayon, first day ng klase sira agad yung araw ko at ang mas ikinaiinis ko don sumasakit lalo ang buo kong katawan lalo na sa braso at likod ko.

Tumama kase ang likuran ko sa mga padlocks ng mga locker at sa dulo ng lababo. T*ngina ang sakit

Ang dibdib ko na hanggang ngayon ay 'di parin ako makahinga ng maayos.

'Walangya kang lalaki ka, magtutuos tayo ngayon'

Kaagad akong pumasok sa cubicle dito sa girls' rest room at nilabas ang inhaler ko sa bag, huminga doon, mabuti na lang bago ako pumasok sa CR ay ako lang ang tao, dahil siguro ay nasa klase na ang mga estudyante sa mga oras na ito o baka naman nandoon nakikiusyoso sa banyo ng panlalaki.

Nakaupo lang ako sa may inidoro na may takip at nagpahinga saglit, ang hapdi ng mga sugat ko sa katawan, sa sobrang sakit ay namamanhid na kaya wala na akong ganang gamutin ang sarili.

Pero t*ngina talaga. Ang sarap niyang patayin, l*tsi! 

Maya't maya pa ay lumabas na ako sa cubicle.

Papunta na ako sa klase ko kaya lang parang naliligaw yata ako, sino ba naman kase ang di maliligaw sa laki ng school nato pero buti na lang naaalala ko pa ang ibang pasikot sikot dito kung nagtataka kayo kung bakit ko alam?

Isa lang ang sagot dyan. S. E. C. R. E. T.

Nasa tapat na ako ng room habang ang dalawa kong kamay nakapasok sa bulsa ng hoodie ko.

Kumatok na ako sa pinto, may bumukas doon bumungad sa harap ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay na sa mga mid40's.

Nakakunot ang noo n'ya ng makita ako.

"Why are you late?"

'because I'm not early'

'Di ko s'ya sinagot at baka masira ang araw niya.

"Your a transferee?" tanong niya muli.

'Obvious ba?'

'Di ko na naman sya sinagot dahil nawala ang mood ko kani-kanina lang.

Tinaasan pa ako ng kilay nitong gurang na to "Come in"

'Tss. Nagtatanong pa, papasukin rin naman'

Pumasok na ako sa loob na diretso lang ang tingin sa kawalan, walang pakialam sa mga matang nakatingin. Napabuntong hininga ako ng mahina ng makarinig ako ng bulong bulungan, nakilala siguro ako sa nangyari lang kanina ng dahil sa lalaking Tukmol na 'yun.

Girl tignan mo yung suot nya ew

Yeah as in ew bakit may tinanggap ang school natin na katulad nya my gosh. Is this how cheap our school now?

OMG girls sya yung nakabanga ni Alex kanina kaya ngayon wala sa mood

Really ang kapal naman ng mukha nyang gawin yun, ke bago bago ganyan ang pinapakita niya, siguro na kick out yan sa dating school niya at lumipat lang dito

'Huli ka na sa balita, maraming beses na akong na kick out, babae'

Dapat d'yan di tinatanggap ng school natin kung ganyan ang ugali niya, napakapangit.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now