Chapter 124

1.2K 64 11
                                    

Nickie's POV

Masigla akong naglalakad dito sa may hallway, marami ng mga estudyante ang nandito, andito na ako sa may locker ko, binuksan ko yun at kinuha ang mga books na kailangan ngayong araw

"Ay jusko day!" nagulat pa ako na napahawak sa dibdib ko ng makuha ko na ang mga libro at ng isara iyon ay mukha na ni Ken ang sumalubong sakin sa may gilid ko

Napatulala ako saglit sa pagtawa niya sa naging reaksyon ko ng makita sya "Good morning NikNik" nakangiti nya pang pagbati sakin, enebe he keeps calling me like that, sabi niya NikNik na daw ang tawag niya sakin, ako naman tong si marupok pumayag din

"Good morning din KenKen" masigla ko ring bati at natawa na naman sya na sinabayan ko rin

Nilahad niya ang isang kamay niya sa harap ko at alam ko na ang ibig sabihin nun, tutulungan niya ako, binigay ko na sa kanya ang mga hawak kong libro kanina. Tinanggap niya yun

"How are you, NikNik?" ani pa niya habang naglalakad kami ng mabagal at magkasabay, nakikita kong napapatingin ang ibang tao dito na mukhang maguusap usap na naman at gagawa ng mga kwento para maging issues

"Like before, always pretty!" masigla ko pang sabi na nakapamewang pa at tinapat ang kamay ko sa baba ng feslak ko

Rinig ko ang tawa niya kaya pinagkunutan ko sya na ikinatigil niya "Why are you laughing? Pinagtatawanan mo ba ko sa sinabi kong pretty ako ha?" pagpoprotesta ko pa at huminto kami sa paglalakad

He cleared his throat "Of course not... You're..." di niya tinapos ang sasabihin niya na tinignan ako sa mga mata, nakasimangot na ako sabay taas ng isang kilay

"You're beautiful" ako naman ang natigilan sa sinabi nya habang diretso syang nakatingin sakin at sa tingin ko ngayon ay nagblush ako!

Nagkatitigan pa kami ng "What's up dude" napatingin kami sa bagong dating na Herbie, nagbatian sila saka nagfist bump, binati nya rin ako

"Tara sabay na tayo, anong subject niyo ngayon?" ani Herbie na doon palang kami nagpatuloy sa paglalakad

"English" ani KenKen

"Same dude" sabi ni Herbie

"What's yours?" pagtatanong sakin ni Herbie

Akma na sana akong magsasalita ng "Good morning Beshie!" rinig ko ang pamilyar na boses ni Gab, binati ko rin sya ng masigla

Ng magtama ang paningin nilang dalawa ni Herbie ay sabay silang napaiwas ng tingin sa isa't isa, si Herbie ay tumingin kung saan habang naghihimas ng batok niya si Gab naman napayuko na sinilip ko pa at nakitang nagba-blush sya, napapakagat sya sa ibabang labi

Nagkatinginan kami ni Ken na mukhang nagtataka sya ngayon habang ako iniisip kung anong meron

"Is there a problem?" pagtatanong pa ni Ken sa kanilang dalawa

Sabay silang napatingin sa isa't isa pero sabay ding napaiwas ng tingin na tumingin kay Ken "Wala!/Nothing!" sabay nilang sabi habang nagkatinginan ulit kaming dalawa ni Ken at sabay na napangiwi sa kanilang dalawa

Nabigla pa ako ng dahan dahang hawakan ni Ken ang kamay ko kaya gulat akong napatingala ng tingin sa kanya "Ah.... Alis muna kami" yun lang ang sabi niya sa dalawa sabay hila sakin at napatianod ako

"Dude where are you going?" pagpipigil pa ni Herbie kay Ken

Tumingin si Ken sakin "Ah.... Magpapasama lang ako sa kanya, di ba NikNik?" aniya sakin sabay ngiti at sa tingin ko ay nagblush na naman ako ng kindatan niya ako

I Just Want to be Happy [Completed] Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt