Chapter 17

1.8K 110 17
                                    

Alex POV

Nandito kami ngayon sa Canteen ng mga kaibigan ko maliban kela Ken at Dave na sa ibang lugar kumain.

Habang kumakain kami ay napapasulyap ako kay Tomboy ng may matalas na tingin kahit di siya napapatingin man lang sa gawi namin.

I don't know but, every time I see her everywhere around, she can easily catch everyone's attention kahit di naman siya ganon, ka attractive tignan.

Di ko rin alam kung saan banda ang kaagaw agaw ng atensyon sa kaniya, siguro dahil nayayabangan ako sa paraan niya nang paglakad.

Akala mo kung anong pinagmamalaki maliban sa katawan nyang malaki kaya siguro laging naka hoodie jacket to kase ayaw nyang bumakat ang mga bilbil nya sa katawan, napakatakaw rin tignan. Ayaw pa isturbo kumain.

Isa sa kinaiinisan ko ay pakiramdam ko naaagawan ako ng trono sa pagiging cool.

Nakakaubos naman ng pasensya ko ang blanko niyang expresyon sa mukha. Yung bang tipong, you put so much effort para mapikon siya or to hurt her pero, nothings new... Ganon pa rin ang mukha, nakakainis.

Naguusap sila ni Nickie habang kumakain--ay mali si Nickie lang pala ang nagsasalita sa kanilang dalawa, biglang dumating ang groupo nila Cindy na may dalang tray ng pagkain.

"What do you want? " sabi ni Nickie pero inirapat lang sya ni Cindy

"Hindi ikaw ang sadya namin dito so shut up, get it?" nakataas ang isang kilay na ani Cindy kay Nickie dahilan para mapatayo si Nickie sa kinauupuan na nakataas rin ang kilay, crossing her arms while looking at Cindy.

Ibinalig ko pa ang tingin kay Tomboy na para bang siya lang ang tao dito dahil patuloy lang sa pagkain.

'Ganyan ba talaga siya? Di man lang aawat o tutulungan ang kaibigan niya? Seriously? Looks like she valued her f*cking food more than her friend'

" Hoy day, kung si Krist ang sadya mo at balak mo na naman syang ibully..... Ako na ang makakaharap mo!" sa sinabi ni Nickie, naging dahilan 'yon para mahinto si Tomboy at ngumunguyang doon pa lang napa angat ang tingin.

Saglit niya lang sinulyapan isa isa ang mga ito bago bahagyang umiling at nagpatuloy ulit kumain.

" What makes you think that I will bully her? Excuse me hindi ako pumapatol sa mga basurang katulad nya!" ani Cindy na ikinatawa ng ilang tao dito at ikinangisi ng mga kagrupo niya.

"Talaga lang ah! Kung siya mukhang basura, ikaw naman mukhang inggitera! " di namin inaasahan ang pagsagot ni Nickie sa kaniya kaya umugong ang mga ungol dito na para bang na-excite sa mangyayaring away.

"Mukha lang naman pala" my forehead creased because of what Tomboy mumbled all of a sudden.

Ako lang yata ang nakarinig. Di ko alam kung paa ko narinig yun, siguro dahil malalim ang boses niya.

Nangunot ang nuo ni Cindy sa kaniya, napabuga naman ng mararahas na hininga ang mga kasama niya at para bang di oras susugod kay Nickie.

Cindy cleared her throat. Mukhang wala muna siyang balak pumatol may ibang sadya.

"Excuse me? We're just here to apologize to this b*tch" turo nito kay Tomboy "and give this to her" pagtutukoy niya sa bitbit na pagkain, umugong ang tawanan dito dahil, sa lahat ng mahihingi ng tawad siya ang hindi sincere.

Ibinaling ni Cindy ang tingin nya sa kasama nya, kinuha ang isang spaghetti at susubukan nyang iabot kay Tomboy na seryoso paring kumakain ngayon.

I Just Want to be Happy [Completed] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن