Chapter 144

1K 55 5
                                    

Alex's POV

WARNING!

This Chapter contains VIOLENCE, please read at your own risk

______________________________________

Halos marinig ko na ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang nakatingin sa gawi nila Pieris. Ako ang nakakaramdam ng takot sa kung anong pwedeng mangyari

Ang musikang tumutugtog sa buong paligid imbes na magpakalma ay nakakakilabot ang binibigay nito

Wala paring nag babago sa pwesto o posisyon niya habang nakapabilog at handang sumugod sa kanya ang napakaraming tauhan na to, lampas bente siguro at pare pareho ang mga suot habang sa kabilang banda ay nakabantay parin sakin ang lalaking nasa harapan ko at nanonood lang kela Pieris

'Ang wiwirdo nila'

Wala pang umaatake, parang nagaantay sila sa kaonting galaw ng isa't isa para maging senyales ng pagsugod.

'Are they gonna kill each other? May dadanak ba na dugo dito? Bakit kasr wala man lang syang dinala na kahit anong armas at————'

Natigil ako kakaisip ng...... Sa isang kurap ay nakatumba na ang isa sa kanila at wala na itong malay!

'Sh*t! H-how the f*ck.... d-did that happened?! Ni hindi ko nakitang kumilos ang isa sa kanila! Di ko rin nakitang gumalaw si Pieris para umataki! F*ck! Anong nangyayari! Namamalikmata ba ako?!'

Napaawang na lang ang labi ko at di makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Nang makita ng kasamahan ng lalaking natumba ay walang pasabing sabay sabay na nagsigalawan ang lima sa kanila na tahimik na umataki, di tulad ng nakikita ko sa palabas ay kailangan pang sumigaw para umataki pero sa kanila ay daig pa nila ang nagpapatayan na pipe

Di ko alam ang mararamdaman ko ngayon kung mamamangha ba ako o makakaramdam lalo ng takot at kaba sa biglaang pagataki ng lima

Di ko na halos masundan ang mga galaw ni Pieris ng mabilis nitong nahablot ang isang pasugot at walang kahirap hirap na naagaw niya ang espadang hawak nito kasabay ng paglagutok ng mga buto nito sa kamay dahilan para humiyaw ito sa pagkakabali ng buto niya

Di pa nakuntento si Pieris ng gamit ang espadang naagaw niya sa lalaki ay mabilis nitong hiniwa ang binti nito dahilan para matumba agad ito at naghuhumiyaw sa sakit, rinig ko rin ang pagtili ng mga babae dito sa nakikita at napapapikit na nanginginig habang umiiyak na lang sa kawalang magawa

I'm speechless. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng tao. Ganito kabilis. Ganito kagaling sa pakikipaglaban. Ni hindi masundan ang mga galawan niya. Ganito rin sya kawalang puso kung umataki dahil sisiguraduhin nyang may dadanak na dugo bago matumba.

Pasugod palang ang apat pero sa apat na yun ay dalawa na ang natumba. Halos walang kurap akong nanonood sa patayan na to. Nananakit ako ng tao noon pero hindi ganito kalala. Yung tipong sa isang ataki di na kailanman makakabangon.

Lumaki ang pagkakaawang ng labi ko ng sa isang kurap ay kalahati na agad ang natumba sa mga tauhan na ang ilan sa kanila ay di gumagalaw.

'Are they.... dead?'

Napatulala ako kay Pieris.

'Sino ka ba talaga? Pinoprotektahan mo ba kami? Mabait ka ba o..... Isa ring walang kasing sama? Paano mo nagagawang umataki ng ganyan kalala ng di nagdadalawang isip?.... Mamamatay..... tao ka ba?'

Parang nag slow motion pa ng pumaikot si Pieris sa ere na may dalawang espada na ngayong bitbit kasabay ng pagsipa niya sa isang kalaban bago swabeng naglanding kasabay ng pagwasiwas nya ng dalawang espada at sa isang kurap.....

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now