Chapter 102

1.2K 76 15
                                    

Mike's POV

"Bakit di ka kase magsalita Ms. Corpuz at aminin mo na nandaya ka sa exam? O kahit man lang dipensahan ang sarili mo? Lagi mo na lang dinadaan sa pagiging pilosopo at kayabangan mo ang sinasagot mo Ms. Corpuz" di pa man kami nakakapasok sa DO ay naririnig na namin ang boses ni Dean na parang galit ito, nagkatinginan kaming tatlo na mukhang nagulat din sila sa narinig

'Ano?! Nandaya sya? Impossible!'

"Tss" yun lang ang narinig naming naging tugon nya bago ko binuksan ang pinto ng di kumakatok

"What are you doing here Mr. Nakamura?...... Mr. Mariano..... Mr. Grey?" gulat na ani Dean at naguguluhan

"Andito kami para ipagtanggol si Krist" si Ranz na ang sumagot at napatingin naman si Krist samin

"Tss,knight and shining armor lang ang mga t*ngina" rinig pa naming sabi ni Krist sa mahinang boses dahilan para nangunot ang nuo naming napatingin sa kanya

'T*ngina? She called us t*ngina?!'

"Watch your mouth Ms. Corpuz, if you don't have a respect on me, respect my office then, Ms. Corpuz" seryosong ani Dean na may diin sa salita na at mukhang narinig ang pagmumura ni Krist na ikinakaba ko dahil iba talaga kung magalit si Dean

Napatingin kami kay Krist ng matunog niyang nginisihan si Dean dahilan para lalong magsalubong ang kilay ni Dean "I have a respect for you old man" ani Krist at di kami makapaniwala dahil tinawag niya na ganon si Dean

"You have a respect for me? Really?..... Ms. Corpuz I don't have a time for your joke! How can you say that you have a respect on me when you're calling me an..... old man? " may diin sa huling salita na ani Dean at mukha syang nagpapasyensya sa kung paano sumagot si Krist sa kanya

'Di ba sya nakakaramdam ng takot o kaba na kahit Dean na ang kinakausap niya? Ang tapang niya naman, kakaiba ka talaga'

"I have a respect on you and in your office...... specifically this school, you and some students here have no respect on me, Dean" pagsagot ni Krist na may diin sa salita na para bang ganon na lang walang karespeto sa kanya ang mga taong nakakasalamuha niya

Sinabi niya ang huling salita na para bang kailangan syang irespeto sa kung anong pagkatao niya na para bang may nakakataas syang katauhan na walang ibang nakakaalam samin at dinidiinan ang posisyon ni Dean dito sa school na para bang mag paggalang pero iba ang binibigay na kahulugan

"What do you mean na wala kaming respect sayo Ms. Corpuz?! Kung gusto mong respetuhin ka namin ay respetuhin mo rin kami na bilang Dean mo rin!" galit na ani Dean at nagulat pa kaming tatlo ng hampasin niya ang lamisa maliban kay Krist na nginisihan na naman sya

" Sobra sobra na ang respeto ko sayo.....Dean na kahit...... "ani Krist na napahinto saka bumuntong hininga" Na kahit ako na nga ang nagpapakabuting loob ako pa ang lumalabas na masama "sa sinabi pa lang na yun ni Krist ay napakalalim nun at napakamaraming kahulugan na ikinatigil namin lalo na si Dean na mukhang naguguluhan sa sinasabi niya

Naalala ko sa sinabi niya o sa ginawa niya na ilang beses niyang pinagtulakan o pinakita na masama sya maprotektahan lang kami, imbes na pasalamatan sya sa pagbaril niya sa kalaban ay binaligtad pa at pinagkamalang masamang tao, hinuhusgahan, nilalait ng kung ano anong masasamang salita at higit sa lahat ay sinasaktan habang ito sya nagpapasensya at nagpapatawad

'Ganyan ka ba talaga kabait?'

"Alam mo Ms. Corpuz --" di na natapos ang sasabihin ni Dean ng magsalita si Krist

I Just Want to be Happy [Completed] Où les histoires vivent. Découvrez maintenant