Chapter 59

1.7K 106 10
                                    

Krist's POV

"Krist! Wait!" humahabol nyang sigaw ng nasa parkinganan na kami at huminto naman ako sabay tingin sa kanya "Anong meaning ng nangyari kanina?" hinihingal nyang sabi pero mukhang di parin sya makapaniwala, mabilis na ako maglakad ngayon at paika ika narin

"nangyari kanina?" maangmaangan ko pang sabi at tumango tango naman ito. Napaangat ako ng tingin kunwari iniisip ang nangyari kanina.

"ahm diba nagalit sa akin ang girlfriend mo? Tapos.. hinalikan mo sya, tapos dumating ang isa mong girlfriend edi ayun nagsabunutan sila tapos may isa mo pang girlfriend mo tapos sinabuyan ako ng iced tea mo, and then ayun tapos" pagkikwento ko pa

"Hindi 'yun, I don't care about them... don't mind them.. and I'm sorry sa nagawa nila sa'yo, ang tinatanong ko yung————" di nya na naituloy ang sasabihin nya ng may mga humarurot na sunod-sunod na mga kotse papunta sa gawi namin at pamilyar ang mga ito sakin.

"Stop this bullsh*t Klyde" makikita sa mukha ni Tukmol ang galit na papalapit samin.

'anyare?'

"Klyde pwede bang 'wag mong idadamay si Krist sa mga naging gf mo?... Please.. not her" may diin sa salitang sabi ni Dave.

Napataas ang parehong mga kilay ko sa kanila.

"Akala ko ba huminto na tayo at napagusapan na 'to?" ani Mike na salubong din ang mga kilay.

"Klyde 'wag mo ng dagdagan ang pananakit kay Krist please" ani naman ni Calix.

"dude marami ka ng babae wag mo ng idagdag si Krist" ani naman ni Ranz at pareho kami ni Klyde na napalipat lipat ang tingin namin sa kanila, at pansin ko na di na kasama sila Ken at Herbie

'Pinagsasabi ng mga 'to? Nakasinghot ba sila ng katol?'

Ilang beses pang napakurap si Klyde bago nagtataka silang tinignan " What are you guys talking about?" ani Klyde

"Tss" yan lang ang nasabi ko ng magets ko ang pinagsasabi nila at kung saan nila nakuha ang idea na yan.

Akma na akong aalis ng hawakan ako sa wrist ni tukmol at tinignan ko ang pagkakahawak nya"Come with me"ani nya at akma na akong hihilain ng may humawak sa kabila kong wrist at si Mike naman yun

"bakit sya sasama sayo? Baka kung ano pang gawin mo sakanya" seryosong ani Mike at hinila naman ako papalapit ni tukmol sa kanya pero di parin binibitawan ni Mike ang pagkakahawak nya sakin

"Wow look who's talking, bakit di mo pa ba nasaktan sya noon?" sarcastic namang sabi ni Tukmol at hinila naman ako ni Mike papalapit sakanya pero di rin ako binitawan ni tukmol at nagpalit palit lang ang paningin ko sa kanila

"Dude sakin sya sasama dahil siguradong di ko sya sasaktan" ani naman ni Dave sabay hapit sa bewang ko mula sa likuran at ang lapit namin dahilan para mas lalong magsalubong ang kilay ng dalawang napatingin kay Dave

"Dude mas mabuti siguro kung sakin sya sasama at mageenjoy pa sya pagkasama ako siguradong puro tawanan lang kami nyan" ani naman ni Ranz sabay hapit sa kabila kong bewang mula sa harapan ko dahilan para kaharap ko na ngayon ang dibdib nya at amoy na amoy ko ang iba't ibang pabango nila

"sumama ka sakin" ani Calix na hinawakan ako sa braso ko at pinalapit sa kanya

"Hey hey hey guys ako ang nagdala sa kanya dito so ako din ang maghahatid sa kanya pauwi, at isa pa may paguusapan pa kami" ani Klyde sabay hawak sa kabila kong braso

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now