Chapter 92

1.6K 89 13
                                    

Alex's POV

Simula pa kaninang umaga di ko nakikita si tomboy, tinatanong ko sina Gabriella at Nickie pero pumasok daw sya, nakadischarged na kami agad agad sa hospital at nakita ang sarili na ikinagulat ko nun kung bakit wala na akong bakas ng pasa o sugat sa mukha at mabilis na um-ok ang pakiramdam ko

Alam ko naman na kailangan namin syang iwasan lalo na dahil kay LIVE pero kahit makita ko lang sya wala maski anino niya

'iniiwasan niya ba ako? Psshh pagkatapos niya kong di replyan?! Psshh mabuti na lang cute ka baka matiris kita ng di oras sa ka-cute-an mong tomboy ka'

Mamayang uwian na ang Awarding para sa mga nanalo sa mga Contest sa intramurals, breaktime ngayon, sabay sabay kaming kumain magkakabarkada kasama sila Gabriella at Nickie, si Gabriella ay todo asikaso kay Herbie na mukhang naiilang ito at gustong lumayo sa kaniya habang si Nickie at Ken naman ay kulang nalang makadiabetes ang nanonood sa kanila, paano ba naman kase kala mo sila lang ang tao na andito kung magusap at kung subuan ni Nickie si Ken may pa ayos ayos pa ng buhok na nilalagay sa likod ng tenga niya

"Huuyy!" nabalik ako sa wisyo at tumalsik sa pinggan ko ang pagkain sa pagkagulat saka kunot nuong napatingin sa sumigaw sa may tenga ko

"What?" kunot nuo kong sabi kay Ranz at nginisihan niya naman ako ng pagkatodo todo sabay peace sign

"You're spacing out dude" ani pa ni Mike at napatingin naman ako sa natapon kong pagkain

"Are you ok?" pagtatanong pa ni Dave at bumuntong hininga naman ako saka tumayo

"Hey dude! where are you going?" rinig kong ani Klyde pero di ko sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad

"Napano yun?" rinig kong pagtatanong ni Ken

"Baka may regla?" rinig ko pang ani Herbie at nagtawanan sila tuloy ay napatingin ang mga tao sa kanipa

Naglakad lang ako kung saan basta makita ko lang si tomboy at makausap kung iniiwasan ba niya ako dahil sa mga sinabi ko sa kaniya

"Can we talk?" ani Cindy na hinarangan sa dinadaanan ko

'Not now Cindy baka masaktan kita sa nagawa mo sakin'

Humakbang ako sa kabilang side niya at akma na syang lalagpasan ng harangan niya ulit ako

"What?" inis kong sabi sa kaniya

"Please?" pagmamakaawa niya pa

"No" pagmamatigas ko saka ko sya nilagpasan na nabunggo pa sa balikat dahilan para mapaatras sya

"Look, i wanted to apologize to you ok?" dagdag pa niya dahilan para mapahinto ako at kunot nuong hinarap sya

"For what?" maangmaangan kong sabi

"For..... for what I did to you.... you know.... that thingy" pahina ng pahina na sabi niya, sa mga oras na to ibang Cindy ang nakikita ko dahil kung dati ay nilalandi niya ko ngayon naman ay mukha syang despirada

Huminga ako ng malalim "Fine" may diin kong sabi at seryoso ang tingin sa kaniya dahilan para kabahan sya

Nanguna syang maglakad "I thought na maguusap tayo? Where are you think you're going?" inis ko pang sabi

"Oh my dito talaga tayo maguusap? Hello? Alam mo ba ang salitang privacy? Eh kung may makarinig satin?" maarte niya pang sabi na nakapamewang pa dahilan para mapabuga ako ng marahas at masama syang tinignan

"Eh ano ngayon kung may makarinig satin? Mabuti na yun para malaman nila kung anong kahayupan ang ginawa mo sakin!" inis kong sabi na eksaktong may napadaan na estudyanteng mga babaeng na napatingin samin at nagbubulong bulongan

I Just Want to be Happy [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon