Chapter 51

1.7K 97 3
                                    

Warning!

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng karahasan. Halos karamihan sa chapters dito ay maraming mangyayaring violence pero may mga paalala pa rin para aware ang mga mambabasa lalo na sa mga bata pa ang edad.

______________________________________

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat sa nakitang sitwasyon ngayon ni Tomboy. Nasa sahig siya ngayon at putok na rin ang labi niya. Hindi man lang siya lumalaban at hinahayaan lang ang sarili na nakasalampak sa sahig, animoy patay na walang awang ginugulpi.

'WHAT THE F*CK.. AM I SEEING!?'

Nahagip ko ang hininga ko matapos siyang tadyakan sa tiyan ng lalaki, gulat na gulat ako na hindi ko halos maihakbang ang mga paa ko habang napatitig kay Tomboy. Mukhang ako pa ang nagulat dahil walang karea-reaksyon pa rin ang makikita sa mukha niya.

'Who is this man? Why is he hurting her like this? Is he her uncle? But where is her cousin?.. Baka magka-iba lang ng bahay.. Ano bang nagawa ng Tomboy na 'to para saktan na lang siya ng ganito?'

"P*tangina ibigay mo na sabi!" sigaw ng lalaki na inilahad pa ang kamay niya, parang 'di makapag-antay sa kung anong hinihingi n'ya.

"Pa—————" 'di na natuloy ni Tomboy ang sasabihin nang matanggap ang isang malakas na sampal ng lalaking tinawag niyang Pa.

'What the————Pa? Does that mean this man is her father? Bakit ginaganyan siya?'

Nangunguyom ang mga kamao ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ko alam agad ang gagawin.

Kinwelyuhan siya at sapilitang pinatayo bago marahas na ibalibag si Tomboy kahit saan. Ngayon ko lang nakita ang mukha ng lalaki at doon ko lang rin napansing mukhang lasing ang lalaking 'to.

"Anong tawag mo sa akin?!!" mahihimigan ang galit sa pagkakasabi ng lalaki.

Sa pagkakataong ito, ibang Tomboy ang nakikita ko dahil makikita sa mga mata niya ang hirap at sakit na nararamdaman. Hindi ko na maiwasang makaramdam ng galit at tuluyang awa kay Tomboy sa nakikita.

Susugod na sana ako ng maalala ko na baka magalit sa akin si Tomboy at sabihin pa nilang trespassing ako lalo na't pasekreto lang akong sumunod dito. Wala akong nagawa kundi ang maistatwa sa kinatatayuan nang mapansing may bitbit na palang baril ang lalaki.

"S-sir. binigay ko na ang sahod ko sayo.." ikinagulat ko ang sinabi ni Tomboy.

'What?! Ibigsabihin.. Kinuha ng lalaki ang pinaghirapan na pera ni Tomboy?! Bakit rin Sir na ang tawag ni Tomboy sa lalaki? For f*cking pete's sake! anak n'ya ang inaalipusta nya!'

"Ilabas mo na kung ayaw mong patayin na kita!" sigaw ng lalaki na ikinakabog lalo ng mabilis ng puso ko.

"p-pero pang bayad ko sa tuition fee ko sa school at baon k-ko na rin 'yon" hirap na sa pagsasalita si Tomboy at nahihirapan na ring makatayo.

"Ah ganon? baon? P*nyeta wala kang karapatang kumain g*go! HAHAHA! Hindi na rin naman magtatagal ang buhay mo, bakit ka pa nag-aaral!?" napatiim ang bagang ko sa pagbubulyaw ng lalaki kay Tomboy bago ito muling malakas na tinadyakan.

"Ibibigay mo o matitigok ka? " kunwari pang mahinahon na ang lalaki dahilan para kinutuban ako sa biglaang pagngisi nito.

Nadagdagan ang pagkakangisi niya nang tingin lang ang naging sagot ni Tomboy saka nito tinititigan ang baril na hawak. Umangat ng tingin ang lalaki saka pinalagutok ang leeg. Bumaba ulit ang tingin kay Tomboy.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now