Chapter 104

1.2K 68 1
                                    

Warning

Ang kabanatang ito ay napapatungkol sa isang seksywal na eksena. Mangyaring magsilbi po itong gabay para sa mga batang mambabasa.

Gabriella's POV

1st Day ng suspension ko ngayon at nakahiga lang ako sa kama na paiba iba ang posisyon, katatapos ko lang pagalitan nila mommy dahil sa nagawa ko at may record na ako sa suspension kaya ayun nagkulong ako dito sa kwarto ko

"Senyorita dinner is ready" rinig kong ani yaya sa labas ng kwarto ko at di ko napansin na inabot na pala ako ng gabi

Napatingin ako sa relo ko sa maliit kong lamesa sa gilid ng kama ko at nakitang 6:44 pm palang pero maaga kami nagdi-dinner dahil sa work nila para daw sabay kami kumain na kahit minsan ay di ako nakikisabay sa kanila dahil diet ako minsan, hindi ako sumagot dahil wala akong gana kumain

"Senyorita? Nandyan po ba kayo?" pagtawag niya pa sakin kaya inis akong napabangon sa kama ko

"I'm not gonna eat, just shut up and leave! " tugon ko saka inis na  tumayo at kuniha ang tuwalya bago pumasok sa banyo 

Aalis ako at magpapakasaya dahil masyadong busy ang parents ko at lagi silang umaalis para sa work nila kaya di nila malalaman na umalis ako maliban na lang kung may magsumbong

Tapos na akong maligo pero nasa banyo parin ako na nakabath robe habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya bago gumamit ng hair dryer

Namili na ako ng susuotin ko sa wardrobe closet ko, natagalan pa ako dahil nababagay lahat sakin ang mga damit ko hanggang sa makapili ako ng navy blue scoop neck cross strap short dress

Maikli ang suot ko at doon ako sanay, I put on some make up bago ko chineck ang phone ko at nakitang nagmessage si mommy

Darling aalis na kami ng daddy mo, kumain ka kahit konti lang ok? Take care my darling

'pagkatapos nila akong pagalitan at ipahiya sa harap ng mga maids namin tapos sasabihin take care? At kumain? Duh i lost my appetite na, take care your face mommy and daddy!'

Napairap na lang ako bago inis na nilagay sa maliit kong sling bag ang phone ko, nagsuot ako ng white heels sabay sabit sa balikat ko ng sling bag ko

Mayamaya pa ay narinig ko na ang pagalis ng kotse nila daddy kaya napasilip ako sa bintana at nakita ko pa ang pagalis nito bago sinara ng guard ang gate namin

Nakita ko sa orasan na 7:15 na at naisipan ko ng lumabas sa kwarto "Senyorita asan po kayo pupunta?" nagmamadaling sumunod sakin si yaya na nagaalala

"It's none of your business yaya" pagtataray ko pang ani saka sya inirapan

"Pero Senyorita mapapagalitan po ako nina Senyor at Senyora, gabi na po Senyorita baka kung mapano ka at——" nagaalala niyang sabi pero natigilan sya ng inis ko syang tinignan at tinaasan ng kilay

"Will you just shut your mouth up? You're so annoying yaya" inis kong sabi at magsasalita pa sana sya ng lampasan ko na sya

"Senyorita bumalik po kayo dito..... naku po napakatigas ng ulo ng batang ere" rinig ko pang aniya habang sinusundan ako pero di ko sya pinakinggan at sumakay na sa kotse, pabigla kong kinuha ang susi sa isa pang sasakyan ni mommy sa lalagyanan nito bako sinalpak iyon at binuhay ang makina

"Senyorita wala pa po kayong lisensya para magmaneho——Senyorita!" natigilan sya ulit habang kinakatok ang salamin ng kotse ng pinaandar ko na ang sasakyan na tinawag pa ulit ako at nakita ko pa sya na nagpipipindot sa phone niya na mukhang may tinatawagan na parang isa kela mommy o daddy ang tinatawagan niya but i don't care

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now