Chapter 53

1.8K 112 8
                                    

Alex's POV

Kanina ko pa nakikita sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin habang ginagamot ko siya kaya nakaramdam din ako ng pagkailang pero hindi ko pinahalata. When I finished what I was doing, I first put away the medicine kit and leaned back in the chair I was sitting on, I also looked straight at him but in the end, ako lang din ang napaiwas ng tingin.

Nagulat din kase ako sa mga nagagawa ko ngayon simula nung makita ko kung ano ang nangyari sa loob ng bahay nila. Hindi ko rin malilimutan ang biglaan kong pagyakap sa kan'ya kagabi, siguro dahil nadala lang ako.

Walang nagsasalita sa amin. Tumukhim ako para sana basagin ang katahimikan pero gulat kaming napatingin sa isa't isa ng sabay kaming napatikhim. Nagkatinginan saglit bago sabay rin mahinang natawa.

"Do you feel much better now?" tanong ko sa kanya at ineexpect ko na sabihin nya na hindi pa dahil may nararamdaman parin syang sakit sa katawan pero nahinto naman ako nang tumango lang sya.

"Pero.." pambibitin niya dahilan para makuha ang atensyon ko.

"What?" I asked.

"I feel weird"

"What do you mean?... Masakit pa ba?" naguguluhan kong sabi bago napaayos ng upo, inilingan niya ako.

"Nawiwirduhan ako sa'yo" prankahan niyang sabi na ikinatikom ng bibig ko. Lalo tuloy akong nakaramdam ng awkward.

A moment of silence.

"Is that your father?" pag-iiba ko na lang na tanong, tinutukoy ang lalaking nanakit sa kanya, nagtaka naman ako ng umiling sya.

"ahm.. then who is he?" I confusedly asked again.

"stepfather" tipid n'yang sagot at tumango-tango lang ako. Kahit nag-uusap na kami, mahahalatang tahimik talaga siyang tao, ang tipid kase magsalita kahit nambabara minsan.

"Why the f*ck is he doing this to you?" tanong ko pa at saglit pang natahimik habang nakatingin sa kawalan.

"magmula noong mawala si mama" sagot n'ya naman na para bang kapag tinanong mo ng isang tanong ay isang sagot din ang ibibigay.

"I... I'm sorry.. is it okay if I ask you these kind of questions?.. Baka kase masyadong private.." pahina ng pahina kong sabi habang napapahimas sa batok.

"Inumpisahan mo na ngang itanong, ngayon ka pa nagpapaalam" iyon na naman ang ugali niyang napakatino sumagot.

I cleared my throat again "I'm sorry for that" pagpapakumbaba ko na lang, alangan naman awayin ko baka bukas pa kami matapos magbabangayan. Napatitig siya sa akin.

"Lumapit ka ba sa albularyo? Bait mo kase ngayon. 'Di ako sanay"

'What the f*ck does albularyo mean?'

"Oiy, Tomboy mabait naman ako—————"

"Hindi halata"

"Pshh. Are we going to argue again? Nagkaroon nga ako ng mga kaibigan it means marunong akong makisama.. eh ikaw.."

"Ano? Wala akong kaibigan?" siya ang tumuloy sa hindi ko maidugtong nang mapaisip akong baka mainsulto siya "Hindi marunong makisama? Masama ang ugali kase... ang tino ko palagi kausap? Tss... Edi ikaw na" dagdag pa niya.

"No.. That's not what I meant... Nandyan si Nickie... your microphone friend.. We can be.. friends too.. if.. you.. want.. you know" pagpapaliwanag ko pa na iniwasiwas ang mga kamay.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now