Chapter 89

1.3K 92 3
                                    

Dave's POV

Nanlaki ang mga mata naming napatingin sa nagwasak sa pintuan

'Bat nandito si Krist?! Dilekado tong lugar na to baka mapahamak sya! Ang lakas naman ng loob nyang sumugod dito at wasakin ang pintuan!'

Nakaitim sya lahat, simula sa black cap na may disenyong white butterfly sa harap na kapareho sa nakita naming design sa mga kotse nya, nakahoodie jacket na black at suot sa ulo ang hood, black jogger pants at malaking sapatos na kulay itim at may sintas na puti, walang emosyon ang mukha at higit sa lahat nakapamulsa lang

Hindi ko na halos magalaw ang katawan ko at namamanhid na sa sobrang pagkabugbog na halos di ko na madilat ang mga mata ko pero naidilat ko lang to ng maayos ng makita ang presensya ni Krist

Nagtaka at mas lalo kaming nagulat ng kasama niya ang doktor na gumamot kay Ranz ang wirdong doktor na itim lahat ang suot na may kapa at may telang puti na nakatali sa braso nito at mask na kulay itim, may isa pa silang kasama na di nalalayo sa suot ng wirdong doktor at nagtama ang paningin namin

'Brown eyes, bakit bigla akong kinutuban sa tingin niya sakin? Bakit parang ang gaan sa pakiramdam kung paano niya ako tignan? Pamilyar din ang mga mata niya'

Napatingin ako sa doktor na may green eyes at diretso syang napatingin kay Alex, humakbang pa lang sya ng isang beses ng mapahinto ito saka tumingin kay Krist na para bang nanghihingi ng permiso, tinignan ni Krist si Alex ng blankong tingin na di na siguro magbabago ang tingin niya na yun saka tumingin sa lalake at tinanguan ito saka tumakbo ang doktor kay Alex at mabilis itong inasikaso

'Bakit parang alalang alala sya kay Alex? Sabi niya kilala daw namin sya? Sino ba talaga sya? Di pa nga namin to nakikilala may bago na namang misteryosong kasama si Krist at ngayon di nya maalis ang tingin sakin!'

Tumingin ito kay Krist na tulad sa doktor ay para rin itong nanghihingi ng permiso at tinanguan naman sya ni Krist saka patakbong lumapit sakin, kita ko na sinundan lang nila ito ng mga tingin at pipigilan sana ito ng mga tauhan ni Jacinto ng senyasan ni Jacinto ang mga to kaya nakalapit na lang sila basta basta samin na agad kaming binitawan

Sa paghawak pa lang sakin ng misteryosong lalake na nakalapit na sakin ay parang comfortable ang init ng mga kamay niya sakin na sa tingin ko ay luksong dugo kung baga ang tawag doon, para ko na ring naramdaman ang paghawak niya sakin habang mabilis akong inasikaso

"Ahh the youngest Centillionaire, napadalaw po kayo?" ani Jacinto na masyadong magalang na ngayon sa pananalita at mukhang mabait kung makangiti na ngayon habang si Cindy naman ay gulat na gulat sa presensya ni Krist at lalo na sa sinabi ni Jacinto

'Youngest what?!! Anong meron bakit naging tuta na lang bigla ang parang mabangis na aso kanina? Bakit parang takot sya kay Krist?! Sino ka ba talaga Krist?! Bakit ang napakayaman mo na't nagawa mo pang magtrabaho sa bar namin?! At higit sa lahat sino ang mga wirdong taong kasama niya'

Tinignan lang sya ni Krist saka tumingin sa likod niya at doon namin nakita na may iba pa pala syang kasama na di nalalayo ang mga suot nito sa lalakeng nagaasikaso saming dalawa ni Alex pero ang kaibahan lang ay wala silang kapa na suot, tinanguan ito ni Krist saka ito parang mga sundalong naglakad papunta sa mga kaibigan namin at napaatras pa ang mga to na sapagaakalang may masama itong gagawin pero sila din ang napahinto sa pagatras ng makaramdam ito ng sakit sa katawan

Lumuhod ito sa harapan nila ng isang tuhod at halos magkasabay na inilapag ang daladala nilang itim na black leather bag na maraming bulsa na katulad sa lalakeng kaharap ko ngayon na ang laman ay puro mga gamot at gamit sa panggamot, may mga mahahaba din itong baril na suot at may patalim sa dulo

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now