Chapter 16

1.9K 110 12
                                    

Ranz POV

Papunta na kami ngayon sa Canteen kasama ko sina Klyde at Herbie kaklase ko sila sa subject namin kaya sabay na kami magbebreak as usual mga braadd marami na namang nagtitilian na mga girls habang nadlalakad kami pagpasok namin ay mas lalong umingay lalo na sa loob ng Canteen.

Sa di kalayuan ay na tatanaw namin si Calix na kumakain sa table namin.

'bakit parang ang aga naman ata nila nagbreak?'

"Ako na magorder ng food, ano sa inyo?" Klyde said before we said our orders to him saka sya pumunta sa counter.

Kami naman ni Herbie ay papunta ngayon sa table namin kung saan si Calix na ngayon ay nakikita naming ngumingiti na parang tangang kumakain mag-isa sa table.

'Is he ok? Why is he smiling? He looks stupid'

Nagkatinginan kami ni Herbie at ibinaling ulit ang tingin kay Calix.

Sabay kaming napailing na lang bago naupo sa harap nya, pansin din namin ay may sinusulyapan si Calix sa di kalayuan sa may bandang gilid namin malapit sa bintana.

Tinignan din namin ni Herbie yung tinitignan ni Calix.

Napangiwi kami nang makita naming ang Tomboy na madaming pagkain sa lamesa nya, kumakain sa may bandang gilid namin dalawang lamesa lang ang pagitan namin sa table.

Nagtataka kaming dalawa ni Herbie ngayon, ibinaling ang tingin muli kay Calix kung bakit sya ganyan makatingin at makangiti kay tomboy mga bradd.

'Problema nito?.. hindi kaya may gusto tong baliw kong kaibigan sa tomboy nayun? Yuuckk! kapag nalaman to ni Alex siguradong gulo 'to hindi pa man din magkasundo ang dalawang 'yun'

"Dude.. Is it necessary to smile like that while eating?" napapangiwi kong tanong, kita ko ang pagkabigla ni Calix, di siguro kami napansing naki-upo na pala kami sa table.

Napamaang itong saglit na tinignan kaming dalawa ni Herbie. Wala kming nakuha na sagot.

"Dude bakit parang ang aga nyo ata nagbreak?" tanong ni Herbie.

"Nandyan na pala kayo di ko kayo napansin" sabi ni Calix at nakipagfist bump sa amin.

"Dude paano mo kami mapapansin kung wala samin ang paningin mo?" mapang-asar kong sabi na pasimpleng itinuro ang pwesto ni Krist.

Nagkatinginan kaming dalawa muli ni Herbie sa naging reaksyon ni Calix bago sabay na humalakhak dahil halata masyado si Calix.

"A-ah anong nakatitig ang sinasabi nyo dyan huy!" pautal utal pang sabi ni Calix na mas lalong lumakas ang tawanan naming dalawa kaya amg ilan sa mga tao dito ay napasulyap sa gawi namin.

"dude huli ka na namin wag kanang magdeny... Wala naman kaming sinabing naka titig, ikaw nagsabi niyan" natatawa pang ani Herbie na bahagyang ikinalaki ng mga mata ni Calix dahil mukhang nakuha niya na ang kung anong iniisip namin sa kaniya.

" A-anong sinasabi nyo wala naman a-akong gusto dyan kay Krist!" mahina niyang ani na inilapit ang mukha samin para walang ibang makarinig lalo na't nasa may gilid lang namin ang pinag-uusapan namin.

"Dude. wala naman kaming sinasabing pangalan, and mas lalong wala kaming sinabing may gusto ka hahaha!" ani ko naman na ngayon ay di na makatingin sa amin at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"At tsaka Calix kung magkagusto ka man dyan sa tomboy nayan ay di pwede, pare di ka pwedeng magkagusto sa kalaban" paghirit naman ni Herbie na ikinaseryoso bigla namin.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now