Chapter 87

1.5K 88 3
                                    

Alex's POV

Lunes ngayon, dahil sa nangyari ay walang pasok ng isang linggo, sa next week na rin ang awarding sa intramurals para sa mga nanalo, di ako mapakali sa hinihigaan ko simula kase ng mapunta kami sa bahay ni tomboy ay hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na ganon sya kayaman lalo na ng makita kung gaano karami ang mga sasakyan at kung gaano kamamahal ang mga yun!

Iniisip ko rin na 'paano kung atakihin na naman sya ng sakit niya?, may magaalaga ba sa kaniya? Nakatira ba sya ngayon sa munting bahay na yun na kung saan sya inaabuso ng stepfather niya? Kumakain ba sya ng maayos? Natutulog ba sya sa tamang oras? Nakainom na ba sya ng gamot niya? Kumusta na kaya sya? '

Ang huli naming pagkikita ay yung nasa limousine kami na sasakyan at hinatid niya nga kami, natanong namin sa kaniya na kung nagpapanggap ba sya ng mahirap pero hindi daw dahil ganon na talaga sya, ganon sya manamit, ganon sya magayos, ganon sya sa kung ano sya, sa mga sinagot niya ay mas lalo akong humahanga sa kabutihang loob niya

Di sya katulad ng mga babaeng umaaligid sakin at mga anak mayaman ay puros kaartehan lang ang alam na kulang na lang pati pagkain ipapatest pa nila kung may germs ba

Dahil nga sa mas malayo ang bahay namin kaysa sa mga kaibigan ko ay ako ang huli niyang sinundo, hindi sya tumuloy samin pero nakapagusap pa kami sa sasakyan dahil di ako agad bumaba nun

Natanong ko na sa kaniya na kung di sya nagpapanggap ng mahirap bakit nakatira pa sya sa stepfather nya at hayaan lang na abusuhin sya, sinagot niya ako na 'hindi lahat kailangan alam mo' yun ang sinabi niya at minamadali na niya akong pinababa nun, sinabihan niya rin kaming magkakaibigan na layuan sya lalo na sa school at umakto na stranger lang ang turingan napilitan na lang kaming sumangayon kase daw para sa ikabubuti din namin yun

Bigla ko tuloy naisip na 'magiging magisa na lang ba sya parate? Sosolohin niya ba ang mga problema niya? Wala ba kaming ibang maiitutulong bukod sa pagiwas namin sa kaniya?'

Ang ikinagulat ko ay ng makapasok na ako sa bahay ay nandoon na ulit ang kotse ko na ginamit namin para makapunta sa bahay niya, napansin ko ang kotse ko na wala man lang ni isang gasgas sa bilis ng pagkakatakbo niya at isang brake lang ay nakaparada na, ang mas ipinagtataka ko pa ay tinanong ako ng mayordoma namin na kumusta daw ang bonding naming magbabarkada, nagtataka man ay sinabi ko na lang ayos lang

'Ano ba kase bonding ang tinutukoy niya? Di ba nila nabalitaan na may nangyari sa school lalo na at nabaril si Ranz na muntikan pang nalason at..... Baka ikamatay niya yun, ang ipinagtataka ko kay Ranz na mukhang pati sya ay nagtataka rin na bakit daw ang ayos ayos na ng pakiramdam niya? Na para bang walang nangyari sa kaniya at ilang buwan ang pahinga samantalang ilang oras lang naman yun?! '

Lahat ng makita ko kay tomboy na may kinalaman sa kaniya ay wirdo din, lalo na yung kakaibang doktor na kapareho ko na kulay ng mata ay di maalis sa isip ko ang paraan nya ng pagsulyap sakin para kaseng pamilyar sakin ang mga mata niya

Naalala ko na naman na nahalikan ko na naman si tomboy dahilan para bigla na lang akong napangiti na halos mapunit ang mga labi ko na abot tenga ang ngiti, naalala ko rin kung paano ko sya natitigan ng malapitan at maamoy ang hininga niya, ang nangyari sa library na dalawang beses kaming nagkahalikan at kung paano sya nakapaibabaw sakin nun, kung paano ko sya nahalikan sa pisngi nung intramurals at makita ang cute niyang reaksyon kahit hindi halata, kung paano ko sya mainit na yakapin at diretso kaming napahiga sa kama na ako ang nasa ibabaw niya, kung paano ako makakuha ng tyempo na mahalikan ulit sya at matitigan ulit sa malapitan na kulang na lang ay magdamag ko syang panoorin at walang sawang tititigan

Sa bawat halik na nangyari samin ay di ko alam kung paano ko makita ang reaksyon niyang magulat, mamula ang pisngi di makatingin sakin at higit sa lahat ang napakacute niyang pagsinok

I Just Want to be Happy [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon