Chapter 146

2.1K 77 24
                                    

Warning!

Maghanda na kayo ng tissue o panyo. Ihanda nyo rin ang sarili niyo sa inyong mababasa (- -,)

______________________________________

Third Person's POV

Malakas na kalabog ang umalingawngaw sa buong paligid, sabay sabay silang napatingin sa gawi na yun na napahinto saglit sa iyakang naganap ng dahil sa pagpikit ni Pieris

Dumating ang kanya kanya nilang mga magulang na medyo ikinahinga nila ng maluwag dahil nabuhayan sila ng pag-asa maliban kay Alex na hanggang ngayon ay walang tigil sa paghagulgol at pagyakap kay Pieris at kalong kalong niya na ito, pilit iniisip na buhay pa ito

Kasama ng mga magulang nila ang sangkatutak na mga pulis, na gulat na gulat sa mga nakikita nila ngayong mga taong nakahilata sa sahig, duguan at di alam kung wala na bang buhay o nakatulog lang, lalo na sa mga naputulan ng mga kamay, maraming dugo ang nabawasan

Mabibilis na nagsikilos ang mga pulis at mga magulang nila papalapit sa kanila upang kalasan sila sa pagkakagapos, lalo na ang mga magulang ni Alex, pag dating sa tatay nito ay makikita ang puno ng galit sa kanyang mga mata lalo na ng mapatingin sa gawi ni Pieris mabilis syang lumapit dito

"Son" ani Xander kay Alex, sinulyapan lang sya ni Alex pero agad namang bumaba ang tingin nya sa yakap yakap nyang si Pieris

Mabilis kinuha ni Xander ang bag nya na dala saka nilabas doon ang gamit niya bilang doctor, stethoscope.

"Put her down" paguutos ni Xander sa anak niya pero para itong walang narinig at nanatili parin sya sa pagyakap niya kay Pieris habang humahagulgol sa pagiyak

Napatingin si Xander sa asawa na nakatingin sa gawi ng anak punong puno ng awa sa kanyang mukha habang nanunubig din ang mga mata
"Julie" pagtawg ni Xander sa asawa kaya nabalik ito sa wisyo at napatingin sa kanya

Sinenyasan ni Xander si Julie kaya otomatiko itong kumilos para alalayan ang anak na tumayo at pakawalan si Pieris

"Anak tahan na, Your Father is a Doctor remember? Titignan niya lang si Ms. Cor———si Krist" mahinahon pang ani Julie sa anak na si Alex

Parang wala na sa sarili si Alex dahil daig pa nya ang walang tenga ng di nya pinapansin maski ang Ina niya

"Chief" pagtawag ni Xander sa namumunong pulis, ang pulis na tumulong para makalabas si Pieris sa kulungan noon dahil may ugnayan nito kay Xander na kaibigan nya

Mabilis itong lumapit at sa isang senyas ni Xander ay tinawag ni Chief ang iba nya tauhan para awatin si Alex at alalayan sa paglayo kay Pieris

"No. No! Let me f*cking go!" pagpupumiglas pa ni Alex pero mas marami ang umaawat sa kanya ng tuluyan syang mapalayo kay Pieris

Mabilis ang kilos ni Xander sa pagcheck kay Pieris kung ano ano na ang ginamit nya pero di parin nagreresponse ang katawan nito na ikinaluhod na lang ni Alex sa sahig habang bagsak ang katawang nakatingin kay Pieris

Nagkakagulo ang lahat dito sa loob ng hospital nila Alex ngayong gabi. Ang mga tauhan ni LIVE ay dinala na rin sa hospital bago ito kakasuhan pero ang katawan ni LIVE na wala ng buhay ay biglang naglaho ng wala man lang nakapansin. Dahilan para magbigay kilabot sa mga kaibigan ni Alex na nasa matino pa ang pagiisip sa mga oras na to.

Sa dami ng mga tauhan ni LIVE ay napaka busy ng mga doktor at nurses dito.

Samantalang sa kabilang banda ay sa en grandeng emergency room nilagay ngayon si Pieris habang inaasikaso ng lima limang mga batikan na doktor dito kasama na ang tatay ni Alex na inaasikaso ngayon si Pieris sinusubukang isalba ang buhay kahit di pa alam kung may pag-asa pa nga bang mabuhay

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now