Chapter 73

1.6K 84 9
                                    

Ken's POV

Volleyball na ang game ngayon, ayoko sana manood kase di ko naman gusto ang sport na to kaso ang mga kaibigan ko gusto nila manood siguro dahil kay Krist

Nakakaramdam na ako ng kakaiba sa mga to pagdating kay Krist at mukhang magkakaroon din ng malaking gulo kapag nangyari ang naiisip kong may gusto sila kay Krist.

Mabuti ay nagkasundo na sila na di katulad dati ay nagkakasakitan pero di ko naman inaasahan na halos silang lahat may gusto kay Krist pwera nalang kay Herbie dahil pansin ko na may kakaiba sa kilos niya at di tugma sa aming mga lalaki pero ayaw kong pagisipan ng ganon kaya binalewala ko na lang.

Mayamaya pa ay pumasok na ang mga player ng volleyball girls version sa ibang school dahil katatapos lang maglaro ng sa mga lalake

Maingay na naman dito sa loob kasabay ng ingay ng music at kanya kanya din sila ng cheer.

Hapit na hapit ang mga t shirt nila at ang iikli ng mga short, sunod na pumasok ang representatives ng school namin agad na nahagip ng paningin ko si Nickie na mukhang tulala pero kinalabit siya ng kasamahan niya at pilit na ngumiti saka kumaway sa mga tao

Maganda ang hubog ng katawan ni Nickie, maputi siya mahaba ang buhok na kulay itim na nakatali ngayon, walang pinagkaiba ang suot niya sa ibang mga babae na hapit na hapit at maiikli

'maganda pala siya bat ngayon ko lang napansin?'

Sunod na nahagip ng mga mata ko si Krist na ayun iba na naman ang size ng damit niya, naka loose t shirt sya pero uniform ng volleyball team nila, maikli ang short niya dahil normal lang sa volleyball ang maikling short

Karamihan ay mga lalake ang sumisigaw sa pangalan ni Krist na mukhang mga Fans niya na ngayon

'Wag niyang sabihin magaling din sya pagdating sa Volleyball? Ano pa ba ang kaya niyang gawin? Ay mali the question is ano kaya ang di niya kayang gawin?Sinali sya sa lahat ng events na mangyayari ni Alex, wag niyang sabihin na pumayag talaga siya? Pero ang tanong nasan siya nung time na nadisqualified siya?Pagkatapos kase ang mangyari sa pagitan nila Alex ay di ko na sya makita nun'

Nagapir ang mga kalaban at player namin para sa batian bago magumpisa ang game saka sila pumesto

Pansin ko na hindi nagpapansinan sila Krist at Nickie na di katulad dati ay parang buntot si Nickie kay Krist dahil lagi itong nakasunod sa kanya at para ding nakalunok ng mikropono dahil parang ang kausap niya ay nasa kabilang bundok

Pansin ko rin na ang lamya kumilos ni Nickie at pilit ang kanyang ngiti, si Nickie ang magsi-serve ng bola at dinribble dibble niya muna ito bago inihagis at patalong inihampas ng malakas ang bola dahilan para pumunta sa kabilang side ang bola

Nasalo ang kalaban iyon at nagtoss naman ang kateam nila bago tinira pabalik sa side nila Nickie pero di pa man nakakalipat ang bola ay nagspike si Krist at napakalakas nun pero pilit paring hinabol ng kalaban ang bola kahit magkandarapa na sila at nasalo iyon pero sa bumagsak na ang bola dahilan para magkapuntos sila Krist

'Wow magaling karin pala dito, napakadami mo namang talent'

Ang kalaban na ngayon ang nagserve saka ito malakas na hinampas ang bola at nasalo ng kateam nila Krist iyon nagtoss ang ka team nila at tinira naman yun ni Nickie at eksaktong nagspike na naman ng malakas si Krist dahilan para magkandarapa na naman ang kalaban sa paghahabol ng bola at nagkapuntos na naman sila Krist

Kada tira ni Krist ay kalmado lang ang mga kaibigan ko pero todo naman sila makangiti kahit pa kalaban ang nagugustuhan nila ngayon at todo mangha din sila dito lalo na si Klyde na walang tigil ang bibig sa pagsasabi ng mga magaganda kay Krist habang kinokontra naman ito ni Ranz dahil mukhang galit talaga sya kay Krist

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now