Krist's POV
Lunes ngayon at sa tingin ko ay si tukmol na ang susunod na makakasama ko ngayon, di ko alam sa sarili ko dahil para akong t*nga kakaisip kung ano bang paraan ng panliligaw niya sakin
Hindi kase ako makapaniwala, ang batang lalaking dahilan ng aksidenteng kapahangasan ko noon ay manliligaw ko na ngayon
Nagvibrate ang phone ko habang nagbabasa ako ng libro dito sa may sanga ng punto at kampante lang nakaupo, nakasandal ang likod sa puno,ang dalawang paa ko ay nakapatong din sa puno, higit sa lahat nakikinig din ako ng musika sa aking headset, break time kase ngayon
Tukmol Móguǐ
Oiy, where the f*ck are you? Did you already eat?
"Tss" napangiwi kong sinilid ulit sa bulsa ang phone ko ng mabasa ang message mula kay tukmol
'Bat kailangan niya pa akong itext araw araw?'
Magmula kase nung una syang nagmessage sakin ay nagtuloy tuloy na yun na puro pangungumusta lang naman, kung di ako magrereply babantaan niya ako kaya mahirap kapag walang load kailangan ko pang magpaload sa mga tauhan ko bago magsasabi si tukmol na matulog na daw ako lalo na kapag sinabihan kong busy ako
Napabuntong hininga akong kinuha ulit ang phone ng magvibrate ulit yun
Re-reply-an mo ko o madadag dagan ang utang mo?
Napasuklay na lang ako sa sarili kong buhok gamit ang mga daliri ko dahil sa inis na naputol ang binabasa ko, bwesit
Mabilis akong nagpipipindot sa phone ko
Puno, Oo
Tipid kong reply. Wala pang sampung segundo ng may natanggap ulit ako na message mula sa kanya
What the f*ck are you talking about?
(-_-)
Napakunot ang nuo ko
Answering your questions tukmol
Wala na namang ilang minuto ng makatanggap muli ako
Ayusin mo kase, parang nagtitipid ka sa pangtext mo tomboy
'T*nginang to, edi sya na maraming load'
Wag ka na magmessage kung marami kang reklamo tukmol, di ako tomboy
What if I don't want to? What will you do Jaspher? Kiss me? (- -,)
Nagsalubong ang kilay ko sa huling message niya habang inis akong nagpipindot sa phone dahil di ko na natuloy ang pagbabasa ko
T*ngina mo,tigilan mo na kakamessage sakin tukmol
I should include that in my list of your debts ;-)
Di ko alam ang nararamdaman ko ng biglang bumilis ang tibok ng puso at uminit ang mukha ko kasabay ng pagtunog ng relo ko
Napatingin ulit ako sa hawak kong phone ng magvibrate ulit yun, sabay lunok ng mabasa ang sunod kong natanggap na mensahe mula kay tukmol
One cursed, one kiss, Jaspher
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko kaya kinuha ko agad ang bag ko saka mabilis na nagkakalkal ng gamot doon, nagspray ng inhaler saka uminom ng gamot na dapat inumin
Inayos ko na ang mga gamit bago ulit sumandal sa puno at panay ang buntong hiningang napapikit pikit para pakalmahin ang puso ko
Mayamaya pa ay may naramdaman akong may taong nanonood sakin, di ko na natignan ang taong yun ng magvibrate ulit ang phone ko at medyo nabigla pa ng makita ang numero ni tukmol ang tumatawag sakin
![](https://img.wattpad.com/cover/220675395-288-k410642.jpg)
YOU ARE READING
I Just Want to be Happy [Completed]
Teen Fiction[Part 1] "Magkaiba man tayo ng pagkatao, handa naman kitang mahalin kung ano o sino ka ng buong puso" Isang babae na kung umasta ay daig pa ang lalaking cold, tahimik, matalino, pilosopo at higit sa lahat gwapo-este... maganda, siguro. Kristine J...