Chapter 36

1.7K 92 3
                                    

Herbie's POV

What's up! My name is Herbie Manuel Arellano 18 years of age! The most beautiful and handsome among my abnormal friends! Mahilig din po ako sa mga computer at maghanap ng information ng mga tao, namana ko ito kay Papa na isang Homicide Detective.

"Krist, this is enough!" pag-aawat ni Dave, dahilan para mapareact agad sa pagkaseryoso niya. Para bang affected sa mga sinasabi ni Krist.

Since the day nung una namin s'yang nakita, I can only say that this Tomboy is so mysterious.

Never ever in my life akong nabigo sa paghahanap ng impormasyon sa mga tao. Daig niya pa ang taga pluto na bigla-biglang mawawala at susulpot rin bigla, o baka doon talaga siya nakatira. Pluto remain undiscovered for so long if I'm not mistaken. Alien ang p*tcha! Ang layo ng pinanggalingan.

Sa sobrang pagkakuryoso ko at pagkabigla kay Tomboy, kung anu-ano na lang tuloy ang pinag-iisip ko, umabot pa ako sa dwarf planet.

Nung time na binully namin at pinagtulungan s'ya, hindi ko pa rin maiwasang mawirduhan sa kilos niya, kung hindi man siya parang babae tignan, mas lalong mukhang hindi siya tao sa walang reaksyon niyang mukha. Hindi n'ya man lang pinagtanggol ang sarili n'ya sa amin at ganon din ang ginagawa nya ngayon!

Kalerki——————este nakakaloko.

Hindi pinansin ni Krist si Dave at tumayo na ito, magsasalita pa sana si Dean pero ikinagulat naming lahat sa ginawa ni Krist.

Papaano ba naman kase, ginawa n'ya talaga ang sinabi n'yang luluhod s'ya. Nakaluhod siyang nakapamulsa pa rin ang mga kamay sa hoodie niya habang may boring na itsura na nakatingin sa mga babae dito, sinundan ko pa kung saan siya mismo nakatingin, kay Cindy.

'What... the hell is going on?'

Sa simpleng salitang binibitawan niya, hindi ko alam kung paano niya nagagawang maagaw lahat ang atensyon. Kung iintindihin ang mga sinasabi niya, parang malalim at malaman. Kahit pa, napakapilosopo niya ay pakiramdam ko may sadya siya. Ang hirap niya lang talagang huliin o kung ano ang nasa isip niya.

Interesting.

Mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit balewala lang siya tignan habang pinapahiya at binababa ang sarili niya.

Sa nakikita ko ngayon sa mga mata niya, I think may point ang sinabi ni Calix, hindi pa namin kilala ang taong ito para pagtulungan namin. Baka rin may pinagdadaanan ito kaya ganoon na lang siguro ka blanko ang mukha n'ya, mukhang namanhid sa sobrang sakit. O baka rin naman abnormal na siya since birth.

Hindi ko rin naman kayang tumanggi sa plano at utos nila Alex, baka matulad ako ni Krist kahit matagal ko na silang kaibigan. Kayang gawin ni Alex ang hindi namin aasahan.

Nabalik lang ako sa wisyo nang magsalita si Cindy at mukhang galit na nakatingin kay Krist, nagalit pa rin kahit nakaluhod na si Krist sa harapan nila habang ang mga kasama nito ay nagulat lang.

"What should we do now? Do we need to feel sorry for you just because you knelt down in front of us? Do we need to forgive you just like that after what you've done?" pagmamatigas pa ni Cindy na ikinakunot ng nuo ni Dean.

Talagang pinanindigan ni Cindy na si Krist ang may kasalanan ng lahat, dahilan para mapatayo na si Nickie.

"Hoy murag bayot buang!——————" (Hoy mukhang baklang baliw!—————) pagpoprotesta pa sana ni Nickie na hindi ko na naman naiintindihan ang pinagsasabi pero natigil ito nang umawat na rin si Ken at kinausap na narito pa rin si Dean.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now