Chapter 76

1.7K 99 20
                                    

Dave's POV

Break time ngayon at mamaya itutuloy ang last na sports para sa araw na ito

Nasa Canteen kami ngayon kasama si Nickie dahil may paguusapan kaming lahat mamaya, di namin pinapansin si Alex dahilan para magtaka si Ken at Nickie hapang napapakamot nalang sa ulo si Herbie dahil pati siya mukhang di makapagpaliwanag sa ginawa ni Alex kay Krist

'nakakainis bakit niya kase ginawa yun?! Di nga ako nagkakamali na may gusto siya kay Krist! Di niya pwedeng maagaw sa kin ang unang babae nagustuhan ko at higit sa lahat ako ang naunang makilala siya ako rin dapat ang maunang makuha siya, teka.... Sila na ba? Kaya niya siguro ginawa yun kase sila na... Mukhang wala na akong pagasa..... Pero.... Bakit... Pakiramdam ko ay parang napaka imposible naman ata nun, imposibleng magkagusto si Krist sa taong sinasaktan siya noon'

"Tawagan mo si Gabriella baka makatulong din siya mamaya sa paguusapan natin" ani Ken kay Nickie at kinuha naman ni Nickie ang phone niya saka nagdial dito

'bakit ano ba talaga ang paguusapan? Tunggkol na naman ba ito sa death threats na yan? Wag niyang sabihin malakas ang proweba na masamang tao talaga si Krist? Hindi! Naniniwala ako kay Krist na may rason kung bakit niya ginagawa o pinapakita ang lahat ng to'

Pinabalot namin ang inorder namin dahil sa dami ng tao dito sa Canteen ay wala na kaming mauupuan, isa pa ay pinagtitinginan kami ng mga babae dito ang iba ay impit na tumitili ang iba naman ay inaabutan kami ng kung ano anong regalo, ayoko namang maging bastos kaya pilit ko na lang tinanggap ang mga yun habang ang mga kaibigan ko ay ganon din maliban kay Ken, Mike at Alex dahil masama kung makatingin si Alex sa mga babaeng lumalapit sa kanya kaya di na lang nila tinuloy ang pagbibigay nila ng kung ano ano, si Mike naman ay sobrang seryoso na halos katakutan na ng lumalapit sa kanya habang si Ken naman ay nakikita kong pasimpleng tinatarayan at tinataasan ng kilay ni Nickie ang mga babaeng lumalapit kay Ken

'hahaha sinasabi ko na nga ba' t inlove ang babaeng to sa kaibigan ko, tsaka parang magkaka diabetes ata ako sa mga bitbit ko.... Ahh alam ko na, pwede ko naman siguro itong ipamigay na lang kahit kanino'

"Beshie" rinig kong ani Gabriella na malamya ang tono sabay yakap kay Nickie na mukhang malamya din at malalim ang mga iniisip

'mukhang dahil nga ito sa death threats na yan'

Napapansin ko rin na kanina pa balisa si Herbie na parang may gustong puntahan pero naiisip niya na mamaya na lang

Naglalakad na kami ngayon sa meeting room dahil doon namin balak kumain habang maguusap kami, nakapagpaalam rin si Alex kay Dean at kahit nagtataka sa madalas naming paggamit ng meeting room ay pumayag na lang ito lalo pa at sila Alex ang nagmamay ari ng school na to

"Guys wait lang may kukunin lang ako sa locker ko mauna na kayo" ani Herbie at tumango naman kami sa kanya saka nagumpisang maglakad

Nasa meeting room na kami at nagkanya kanyang upo, nakita ko pa na inaasikaso ni Ken si Nickie na mukhang di naman makapaniwala si Nickie at palihim na napapangiti dahil sa pagasikaso sa kanya ni Ken habang nakita ko na rin na parang kinikilig si Gabriella sa dalawa pero pansin ko rin na parang may inaantay siyang dumating

Maya maya pa ay dumating na si Herbie na mukhang tulala at wala naman siyang dala maliban sa bag niya

'baka naman nasa loob ng bag'

Mayamaya pa ay nagtaka kami ng isarado lahat ni Herbie ang mga bintana at kurnita dito dahilan para medyo madilim dito pero may liwanag pa rin na nagmumula sa salamin na bintana na natatakpan ng kurtina

"Ahm what are you doing? Kakain tayo kaya kailangan natin ng liwanag" ani Klyde pero di siya pinapansin ni Herbie at patuloy lang sa ginagawa niya

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now