Chapter 55

1.8K 107 3
                                    

Ranz's POV

Lunch time na ngayon mga bradd at papunta kami ngayon sa Canteen kasama sina Mike, Herbie, Dave at Klyde at wala pa sila Alex dahil mukhang strict na prof ang humawak sa kanila ngayon at magoover time na naman siguro ang mga yun bago makapaglunch

Pagpasok palang namin sa Canteen ay imbes na tilian ang maririnig namin ay bulong bulungan at kalabog, may mga estudyante ring nagkukumpulan sa loob ng Canteen na para bang may pinapanood ito

Nagkatinginan kaming magkakaibigan at nakisingit din doon sa mga estudyante at may narinig pa akong napatili ng makita kami pero di na namin yun pinansin maliban kay Klyde na nginitian nya ito sabay kindat para mas lali silang magtititili at kulang nalang ay himatayin na

Nagulat kami nang makita si Krist na nahinto sa pagkain at puno sya ng harina at itlog na may juice na nakakalat sa ulo mukha pababa sa damit nya, nakita ko rin na nakatayo si Nickie kasama si Gabriella na tinulungan noon ni Krist.

Sa sitwasyon ngayon paniguradong pakana na naman nila Cindy ito "Cindy ano ba?! Kailan mo ba titigilan si Krist ha?" inis na sabi ni Gabriella dahilan para sarkastikong lang tumawa sila Cindy at mga kagrupo nito.

"Really Gab? Ganyan ka na ba katraydor para ipagtanggol mo ang basurang yan? Sumama ka sa kanya so ibig sabihin ay you're a trash too?" nangaasar pang sabi ni Cindy at tumawa na naman sila

"Cindy enough!" galit na sabi ni Dave sa kanila dahilan para matigil ito at ngayon ko lang napansin na nakalapit na pala sya kay Krist at pinupunasan nya gamit ang tissue

"Omy don't say na type mo 'to kaya mo pinagtatanggol?"

"ang hirap talaga makisawsaw sa away babae" bulong pa ni Herbie at napatingin naman ako dito.

"Edi magpakababae ka para makasawsaw ka—————" balik kong bulong.

"Uy g*go anong akala mo sa'kin bakla?"

"I didn't say that" I smirked at Herbie, pinanlakihan niya ako ng mata.

Nakita si Mike na lumapit dahilan para magulat silang lahat at nakaramdam sila Cindy ng takot dahil usap usapan sa school na nakapatay ito at kasali sya sa isang Gang which is true.

"That's enough" cold na sabi ni Mike na nakapamulsa lang dahilan para mapaatras sila Cindy at dali daling umalis

"What's going on here?" rinig naming sabi ni Alex sa likuran namin at di na kami nagexplain kung anong nangyari dahil mas mabilis pa ata sya sa hangin kung makalapit sa gawi nila Krist at kumuha din ito ng tissue saka pinunasan ang mukha ni Krist.

"mukhang nagkaayos na nga sila" ani naman ni Klyde.

"Are you ok?" tanong pa ni Alex sa kanya pero tinignan nya lang sila Dave na wala man lang kaemosyon pero sa ipinapakita nya ay mukhang nagtataka ito sa pinaggagawa ng mga kaibigan ko

"what happened?" nakalapit narin pala si Calix "Are you ok?" tanong nya rin dito

'nawiweirduhan na talaga ako sa mga to'

Nakita ko rin na naglipat lipat ang tingin nila Nickie at Gabriella sa mga kaibigan ko na mukhang nalilito na sa ipinapakita nila ngayong pagaalala kay Krist

"May masakit ba sa'yo?" tanong pa ni Alex sa kanya pero tinignan nya lang ito na mukhang naguguluhan na rin sa ipinapakita ng mga kaibigan ko.

"Are you crying?" tanong ko naman at di ko alam na dinala na pala ako ng mga paa ko sa gawi nila at umiling lang si Krist sakin bilang sagot

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now