Chapter 111

1.3K 71 4
                                    

Alex's POV

Katatapos lang naming magalmusal kasama ang dalawang babae maliban kay tomboy na nauna na daw syang kumain at nagkulong na naman sa room niya na mukhang nagbabasa na naman at mukhang walang balak sumali sa games na mangyayari mamaya

"Lagi bang ganon si Krist may sariling world?" ani Herbie na ikinatawa ng ilan

"Ganon talaga yun" si Dave ang sumagot na nakakakilala ng matagal sakanya

"I guess, kase minsan sa tuwing aayain namin syang sabay kumain ayaw niya minsan naman kung magaaya kami ni Nickie magshopping ayaw niya rin, naiisip ko tuloy na may pagkakuripot ang isang yun" tugon pa ni Gabriella na ikinangiwi ko dahil naiirita parin ako sa tuwing makikita ko ang pagmumukha niya o kung magsasalita sya

Mukhang wala pang alam si Nickie ang nagawa ni Gabriella kay tomboy dahil di namin silang nakitang nagtatampuhan o di nagpapansinan maliban kay Ken dahil nasabi na namin sa kanya ang nagawa nila Stephanie at Gabriella kay tomboy, naririnig nya daw ang mga gossips na mga yun sa buong Campus lalo na dahil daig pa ang bentekwatro oras ang mga balibalitang kumakalat sa Campus na yun, ayaw niyang maniwala sa una lalo pa at nakikita niyang maayos naman ang tratuhan ng magkakaibigan sa isa't isa

Natawa naman ang ilan habang tumango tango naman si Herbie  "I think she'll never gonna join you unless nasa mood sya or libre" kumento pa ni Klyde na natawa na naman sila ganon din ako ng maisip kung ilang beses na namin syang nilibre mapasabay lang namin syang kumain

"Mukhang close na talaga kayo ah" ani Nickie na mahihimigan ang pangaasar saming anim dahilan para magkatinginan kaming magkakaibigan habang ang dalawang babae ay mukhang nagkakasundo ng sabay silang ngumisi na may pangaasar, nangunot ang nuo naming lima ng tignan nila si Klyde na nakangisi samin na mukhang mas inaasar silang dalawa ni tomboy

Saglit kaming natahimik "Nga pala Dave paano pala kayo nagkakilala noon pa ni Krist?" mayamaya ay ani Ken na ikinatigil nito habang nagaantay naman kami ng isasagot niya

'Let see kung kaya pa nyang itago na nagtatrabaho si Jaspher sa bar nila bilang Krizelle na vocalist sa banda, pero bakit ba kailangan pang umiwas na sabihin yun samin? May tinatago ba silang dalawa?'

Medyo nakaramdam ako ng inis ng isipin ang huling naisip ko "Ahm..." yun palang ang salitang lumalabas sa bibig ni Dave bago uminom ng tubig

Akma ng magsasalita sya ng may nagsalita "Excuse me everyone, Mr. Reyes told me na maguumpisa na daw ang mga games, may isang game na magbubunutan ng partner which is ang last game malalaman nyo kung anong klaseng game yun mamaya, Mr. Reyes also told me na kailangan dapat kasali, lastly syempre may mga premyo pero malalaman niyo rin kung ano yun kapag kayo ang winner, that's all thank you " pagaanunsyo ni Ms. President na pagtutukoy sa prof namin sa history

Ayoko talagang sumali at di ako mahilig sa mga games lalo na dahil childish pakinggan pero ng malaman ko na dapat kasali ang lahat lalo na ng maisip na sana mabunot ko si tomboy para magkasama na naman kami

Nagpuntahan na ang ilan sa pwesto namin kung saan gaganapin ang mga games, nagpresinta naman ang dalawang babae na sila na ang tatawag kay tomboy habang hinaantay namin sila dito sa pwesto namin

"Dudes..... Umamin nga kayo.... May gusto ba kayong lahat kay Krist? Halata kase kayo masyado di naman kayo ganyan sa mga babae lalo ka na Klyde at Ranz na kahit matakaw sa mga babae ay pansin ko na iba talaga ang trato niyo sakanya" Napatingin kami kay Ken ng sabihin yun sa mahina lang na tono para walang ibang makarinig bukod saming magkakaibigan

Napaiwas lang kami ng mga tingin sa kanya "Dude wag mo kong isama dyan hanggang friends lang kami ni Krist" nakangiwing ani Herbie dahilan para bahagyang natawa si Ken sa reaksyon nito

I Just Want to be Happy [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon