Chapter 137

800 48 14
                                    

Alex's POV

It's Sunday November 1, yup I now, kahapon lang ng may nangyaring di namin inaasahan at sa mismong birthday pa niya

I don't know, and i don't even understand myself now, i don't want to mention her name anymore, i don't want her to be in my mind anymore, there's a time that..... I wanted to see her but sometimes.... I don't want to see her f*cking face anymore

Sobrang sakit, ang sakit sakit, parang ilang beses sinaksak ang puso ko habang paulit ulit na sumasagi sa aking isipan ang makita ang pangyayaring kahalikan niya ang bestfriend ko mismo na pinagkatiwalaan ko 

'It f*cking hurts so bad, i love her so bad but....how could she do this to me? I love her with all my heart but she wasted my love for her, i love her for what or who she is but..... What did i do para magawa niyang makipaghalikan sa iba?'

Tulala lang ako habang nakaharap sa salamin dito malapit sa walking closet ko, bagsak ang mga balikat ko, wala akong gana, kita parin ang pagkamugto ng aking mga mata dahil sa sobra sobrang pagbuhos ng aking luha ka gabi

Wala na akong natanggap na balita sa kanya magmula ng mangyari ang mga naganap ka gabi, sila Mom and Dad ay di na nagbanggit pa lalo na ang pangalan niya, inaaya nila akong kumain pero wala ni isa sa kanila ang kinakausap ko, nakakatanggap din ako ng mga messages and missed calls sa mga kaibigan ko pero ni isa doon ay di ko pinansin o binasa dahil baka sila din ay palihim na nagtatraydor sakin

Nagaayos ako ngayon dahil para bisitahin sila lolo, lola at iba ko pang mga kapamilyang namayapa na

Rinig ko ang pagkatok sa pintuan pero di ko man yun magawang lingunin at nakatulala lang ako dito sa salamin, pinagmamasadan ang sariling mukhang mahina

"Baby it's me Mommy, are ready na ba?" rinig ko ang malambing na boses ni Mommy mula sa labas

Walang nagbago sa kung saan ako nakatingin o maski sa posisyon ko, nanatili lang ako doon at di sumasagot na parang walang naririnig kaya rinig ko muli ang pagkatok niya

"Anak..... Can I come in?" mahinahong ani Mommy kaya dahan dahan akong napatingin sa pintuan at humugot ng malalim na hininga

Alam kong di dapat sila nadadamay sila Mommy at Dad sa problema ko lalo na si Mommy dahil di ko sya kayang makitang nalulungkot ng dahil sakin

Naglakad na ako papalapit sa pintuan saka hinawakan ang doorknob, pipihitin ko na sana yun ng marinig ko muling kumatok sya dahil di parin ako tumutugon"Anak————" natigilan sya ng tuluyan ko ng buksan ng bahagya ang pintuan

Walang emosyon ko lang syang tinignan, di ko na kase alam ang ipapakita kong emosyon sa mga kasama ko dito

Napabuntong hininga si Mommy ng may malambot na mukha at malamya akong tinigyan bago niya inabot ang pisngi ko na hinawakan yun pero mabilis kong inilag ang mukha ko sa kanya at napatingin sa kawalan

"Anak..." pagtawag pa nito sakin sa mahinahon na tono kaya napatingin muli ako sa kanya pero di ko kayang salubungin ang mga mata niya

"Are you guys ready?" ani ko lang sa malamig na paraan at pormal lang, di agad nakasagot si Mom at saglit pa niya akong tinignan ng may naawang tingin sakin

"Anak.... kumain ka muna kahit kaonti, malagyan lang ang tiyan mo————" di na niya natapos ang sasabihin nya ng magsalita na ako agad

"Let's go" tipid ko lang sabi bago tuluyang lumabas ng kwarto at sinara na ang pintuan bago nanguna ng di ko na sya nilingon

Di parin ako kumain kahit ilang beses na nila akong ayain nila Dad hanggang sa makasakay na kami sa sari sarili naming mga sasakyan habang kasama ni Mom ang ibang mga helpers namin at si Nay para tulungan kami sa pagasikaso mamaya

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now