Chapter 42

1.7K 99 5
                                    

Dave's POV

Ilang araw na rin ang lumipas ay wala ni anino ni Krist ang nakita ko at wala din s'ya sa trabaho.

Nung araw na bumisita kami ni Alex at Calix sa hospital ay nakatanggap ako ng text mula kay Krist at sinubukan ko rin s'yang tawagan nun pero hindi s'ya sumasagot.

Boss, dalawang linggo akong mawawala sa trabaho dahil may kailangan lang akong asikasuhin

'Yan ang natanggap kong text mula sa kan'ya na ipinagtataka ko, dahil isang linggo lang s'yang uma-absent noon at 'di rin maalis sa isip ko kung bakit s'ya uma-abset kada dalawang buwan. Minsan ay nagiging isang buwan, at kung ano rin ang palagi nyang pinagkakaabalahan nya.

"Students! next month na ang intrams natin which is August 10 at magpapractice tayo every Friday pagkatapos ng klase" pag-anunsyo ng coach sa martial arts and music club na nakatayo sa stage. Naririto ang lahat ng students sa highschool level.

Parang kailan lang ay first day pa lang ng klase pero ngayon ay intramural na.

Ang sinalihan ko na club ay sa sport na basketball, ganon din si Alex at Mike habang si Calix ay sa Music club nangunguna sa banda. Si Ranz at Herbie naman ay sa Dance club, si Klyde naman ay sa swimming sports habang si Ken ay archery.

Sumali din sa martial arts club sina Alex at Mike dahil hilig talaga nila ang makipagbakbakan. Halos kaming lahat na magbabarkada ay may tinatatong sariling mga talents, hindi lang talaga halata sa pagiging lokoloko nila.

"Magkakaroon ng bagong sports sa martial arts club... ang Krav Maga na isa sa pinakadelikadong martial arts... Kaya isipin mabuti bago sumali"

"Madadagdagan rin ng Kung fu... Sa dalawang sports na iyon ay magkakaroon ng isang female version na representative sa bawat grade level at magpapakita sila ng kakayahan sa audition in next, next Monday wich is July 27, ganon din sa male version.. " dagdag ng nagsasalita.

Natigilan ako sa narinig.

'May girl version? And kung delikado pala ang martial art na 'yun.. bakit sinali pa?'

" Girl version? Where else can we find a woman who loves martial arts?... halos puro lalaki ang nasa martial arts club natin... Imposibleng may maka-interesado sa club namin na 'yon" pagmamaktol ni Mike, may punto siya. Karamihan sa mga babae dito ay walang kahilig-hilig doon. Hindi ko alam kung kaninong idea ang magkaroon ng female version.

Magkakatabi kami ngayon dito sa napakalaking Court na pataas at marami ang mga upuan dito kaya punong-puno din ng mga students dito sa loob dahil buong grade level ay nandito.

"right at kung meron mangsasali for sure... hindi tatagal" kumento pa ni Ranz. Tinapunan ko ng tingin si Alex na tahimik lang. Palihim akong napakunot ang nuo, pakiramdam ko kase may kinalaman siy dito.

Napatahimik ulit ang lahat nang may nagsalita muli sa mikropono at nagbigay na naman ng panibagong announcements.

"May nadagdag din na patimpalak na ang ang tawag dito ay Look a Like Voice.. Sa contest na ito kung saan manggagaya ang isang representative ng napiling n'yang famous artist.. Gagayahin din ang galaw sa pagkanta nito... kailangan ng costumes and of course make up kung mas magagaya ang mukha ng singer na iyon ay mas malaki ang chance na mataas ang points na matatanggap"

"Ganon pa rin ang mga Clubs natin at ang sinabi lang ni Coach Florentino ang nadagdagan sa contest na gaganapin" ani na ng announcer, ang Coach na tinutukoy nito sa ang Coach namin sa basketball na kaninang nagsalita.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now