Chapter 18

2.1K 105 15
                                    


Krist's POV

"Krist grabe ang cool mo kanina na may pagkascary! Yung ginawa mo kay Cindy, bagay lang yun sa kaniya.. Pero ang astig mo teh!" ani ng mala mikroponong bunganga ni Nickie.

Pinapatuyo ang bagong banlaw kong buhok gamit ang blower kuno n'ya, ang dami kaseng arte ni Nick sa katawan, kaya pati hair dryer daw ang tawag don ay dala n'ya dito sa school na nakalagay lang sa locker n'ya.

Nandito kami ngayon sa CR at nakapagpalit narin ako ng damit, kami lang dalawa dito dahil oras na ng klase ngayon.

Di ako nagsalita, it's normal.

"Bakit ganyan mukha mo day?" tanong niya.

Sa tono ng pananalita niya ay masasabi kong 'di siya purong tagalog.

"Tss. May natira pa kanina, sayang 'yon" malamig kong ani sa kan'ya na ikinatigil nitong saglit napatitig sakin mula sa salamin.

Nagawa pa niyang magpamewang na inihinto ang pagpapatuyo ng buhok ko. Nakapatong pa siya sa kung saan dahil di niya abot ang ulo ko sa liit niyang 'yan.

"Edi waw nimo day uy. Ikaw na gani tong tinutulungan, iniintindi mo pa yung pagkain mong konti nalang pala ang natitira" taas kilay pa n'yang sabi nanakapamewang pa rin at napabuntong hininga na lang ako sa kamalditahan nitong unano na 'to. Baka lumipad pa ito kung pipitikin ko.

"Bat mo nga pala ako pinagtanggol?" tanong ko, walang emosyon.

"Jusko day natural ipagtatanggol kita kase kaibigan kita" sabi nya na kunware pang nagulat saka n'ya ako sinuklayan na.

"hindi kita kaibigan" sabi ko sa harap ng salamin, muli s'yang nahinto sa pagaayos ng buhok ko at napangiwi rin na tinignan ako mula sa salamin.

"Edi, hindi! Basta kaibigan kita" seryoso pa n'ya pangungulit at ipinagpatuloy muli ang ginagawa niya.

Medyo nakakaramdam ako nang pagka-ilang dahil di ako sanay na may gumagawa sakin nito at ayusan ako. Di rin ako sanay na basta basta hawakan.

"Hindi ko kailangan ng kaibigan" mahaba ko pangsabi sa kan'ya.

Tinaasan lang ako ng kilay nito na napapangiwi sakin. Ganon na lang ako nagtataka sa bubwit na to kung bakit di man lang s'ya natatakot sa akin pagkatapos kong manakit kanina dahil sa pagkain.

Hindi ko alam kung ano bang nakain ng babaeng to at kung bakit gusto n'yang makipagkaibigan sakin gayong di naman ako itsurang palakaibigan. Hindi ko rin siya maintindihan kung bakit gusto niya pang mapalapit sakin matapos makita ang pinakatatago kong sekreto sa loob ng hoodie jacket ko.

"Whatever Krist, basta kaibigan na kita at ang itatawag ko sayo ay Beshie, pwede ba?" sabi pa nya na inaahos na ang buhok ko.

Saglit akong napatitig sa kaniya, di ako makapaniwalang may gustong makipagkaibigan sakin ng hindi ko nakikitang may pinaplano siyang siraan o saktan ako.

Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan nya at napilitang napatango bilang sagot.

"ok Beshie!" masigla pa niyang tawag.

"oh ayan ang ganda mo pala pag-inayos 'yung buhok mong palaging buhaghag, mukha kang bruha tignan kapag ganon ang ayos mo day." di ko alam kung pagpupuri yun o insulto.

"Alam mo beshie mas maganda ka lalo pag nawala yang mga pasa mo sa mukha. Mga wala kaseng magawang tao ang gumawa sayo n'yan! Nakakainis! Kung kagaya lang kita, malamang ipapasok ko sa sako ang mga 'yon" hindi ko alam kung anong irereak ko sa sinabi niya.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now