Chapter 82

1.8K 93 5
                                    

Warning!

Bakbakan na naman dude!

______________________________________

Dave's POV

Thursday ngayon, ngayon ang araw ng mga magpapaligsahan sa mga martial arts, kasama ko ang mga kaibigan ko sa pwesto namin habang sila Mike at Alex ay kasama ang iba pang mga representatives na nakaoutfit na sila sa sinalihan nila

Si Alex ang representatives sa Teakwondo habang si Mike ang representatives sa Karate sa boys version, di ko alam asan na ang mga representatives namin sa girls version pero for sure kasama na naman si Krist doon dahil sa paglista ni Alex sa kaniya

'Di ba siya nakakaramdam ng pagod? Nahahati ang oras niya sa trabaho, pagaaral at sa events na to lalo pa at halos lahat ay sinali siya ni Alex,pansin ko rin na meron pa siyang ibang pinagkakaabalahan bukod sa trabaho niya sa bar namin, pwede naman siyang di mag pakitang gilas para di siya matanggap sa mga Contest na yun'

Alam ko na laging may dahilan kung kumilos o magsalita si Krist kaya naisip ko na baka nga may dahilan na naman siya sa di pagtanggi sa mga Contest, sa una pa lang ay di ka niya papansinin kung di mo siya unang kakausapin pero iba ngayon ang pakikitungo niya sakin ngayon sa tuwing papasok siya sa trabaho, mas lalo siyang nagiging cold at sobrang tipid magsalita baka nga mas lamang ang iling at pagtango niya kaysa sa magsalita siya eh

Kanina pa ako nakakahalat sa mga ikinikilos ng mga kaibigan ko, tulala sila at parang ang lalalim ng mga iniisip kung kakausapin mo ay parepareho silang mga lutang at wala sa sarili

'Ano bang nangyari sa billiaran na napuntahan nila? Di ba dapat masaya sila ngayon dahil nagawa nila ang paborito nila palaging gawin bukod sa pagbabasketball?'

Madalang lang akong sumama sa kanila sa billiaran na yun dahil sa basketball lang ako palaging sumasama sa kanila kapag nagkakayayaan, pagnakita mo pala sa labas ang lugas na yun ay masasabi mong luxurious, elegant, en grande at napakaclassic nun

Ang na aalala ko sa huli kong pagpunta doon ay may nakaukit na Wu Erdoğan ang nakalagay na gawa sa mamahaling bato sa taas ng billiaran na yun kaya naisip ko na baka yun ang pangalan ng lugar na yun.

Napakastrict masyado at ang daming bantay na mukhang mga business man ang dating sa mga suot nila, halos para silang mga robot sa pagkakasabay ng mga kilos nila at disiplinado kung tumayo.

Pansin ko rin na mukhang Classic na Motel ang dating ng lugar na yun lalo na kapagnakapasok ka doon ay agad sasalubong sayo ang napakalaking chandelier na para bang nasa palasyo ka na

Napakataas ng lugar na yun na halos di ko ma tansya kung ilang floor ba yun, ang pinagtataka ko kahit ilang beses na akong nakapunta don ay wala akong makita kahit isa elevator o hagdanan man lang, bukod kase na mataas kapag nakapasok ka na ay sa palagay ko ay nasa 1st floor palang kami at meron pang mga floor na karugtong nun

Mabalik tayo sa mga kaibigan ko ayun, tulala parin at naninibago ako sa dalawa na sina Ranz at Herbie dahil ang tahimik nila ngayon

"Dude, can you tell me the truth?  Did something happen to you guys in that strange place?" tanong ko pero parang wala man lang nakarinig sa kanila kaya inulit ko yun ng mas malakas dahilan para mapatingin sa min ang mga lapit sa gawi namin pero ni isa sa mga kaibigan ko ay wala man lang lumingon o nakarinig

Tumikhim pa ako pero daig pa nila ang mga bingi kaya nilakasan ko nag pagtikhim na halos totoo na akong mapaubo sa sakit ng lalamunan ko

Wala man lang nagbago sa postura at kaniya kaniya nilang ginagawa si Klyde ay tulalang hinihimas ang pangibabang labi niya.

I Just Want to be Happy [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon