Chapter 9

2.2K 121 16
                                    

Krist's POV

"Oh Krist andyan ka na pala bakit late ka? How was your first day of————" sabi nya matapos kong makapasok habang natagpuan kong nagpupunas siya ng lamesa

Di nya na natapos ang sasabihin nya nangmakita ang itsura ko ngayon kahit matagal na akong nagtatrabaho sa kanya ay ngayon nya lang ako nakita sa ganitong itsura bilang lang kase sa daliri ang taong nakakaalam sa tinatago ko sa katawan ko pero di sya kasama sa iilang tao na iyon

"Holy moly what happen to you Krist?!" sigaw nya dahilan para mapatingin ang ilang mga tao ngayon samin

Di ako nagsalita at bumuntong hininga lang. Mukha kase akong nanggaling sa gera.

"I'm fine" tipid ko lang sabi

Nakapamulsa lang ang dalawa kong kamay na nakasuot ng hood at cap ko na may blankong mukha. Siguro di nya pa nakikita ang mga sugat ko sa mukha dahil medyo madilim dito pero may ilaw parin sa disco light nga lang, nakita nya lang siguro ang puro dumi kong suot di bali may extra naman akong hoodie jacket dito sa locker ko dito sa bar

"No. you're not ok look at yourself!" sabi nya bago lumapit sakin at inalalayan ako na para bang matutumba ng di oras habang ako.

Di na lang ako nagreklamo sa biglaan niyang paghawak sakin.

Ang totoo nyan nasasaktan ako sa simpleng paghawak nya sa kaliwang braso ko, ito kase ang pilay ko at ito rin ang pinangharang ko sa katawan ko kanina kaya bugbog sarado na talaga to

"How can I look at myself when there's no mirror here? " malamya kong pamimilosopo sa kanya

Nakita kong kumunot ang kanyang noo habang inalalayan akong maupo dito sa isang room ng bar na maliwanag sa parteng ito, tinignan ako saglit bago marahang bumuga ng hininga, mas lalong kumunot ang kanyang noo nang makita ang mga sugat ko sa mukha

"What happen to your face? " tanong nya na may gulat at nagaalala, ako naman ang napakunot ang nuo bago iniwas ang tingin sa kanya sabay yumuko pero kaagad niya namang hinawakan ang baba ko na ikinatigil ko

'Anong trip 'to?'

Tinignan nya lang akong mabuti at inilapit ang mukha nya sa mukha ko kung nasa likuran ka namin ay aakalain mong naghahalikan kami sa lapit niya sakin

Di ako nagpatalo sa pagtitig niya pero di ko maiwasang mabigla dahil ngayon lang sya naging ganito ka lapit sakin

"HAY KABAYONG BAKLA!" napalingon kaming dalawa sa sumigaw habang hawak nya parin ang baba ko, ang bakla ko lang pala na katrabaho ang pumasok sa loob na si Mario AKA Marie daw kuno

" a-ahh di ko po s-sinasadyan na ano... lam niyo na. Ma saw saw iyon.. Sir sorry po " nauutal nyang sabi na ipinagtaka nitong lalakeng nasa harap ko na nakitingin parin kay baklang Mario

Nagtataka kaming nagkatinginan ni boss, bahagya pang nanlaki ang mga mata niya bago inalis ang kamay niya sakin at sabay pa kaming napatingin kay Marie

" It's not what you think! "

Napangiwi si Bakla na nagpapalitan ang tingin saming dalawa "H-ha?"

"Hamburger" tipid kong pagiging lokoloko

"I just checked her face, nandyan ka kase sa likuran namin kaya..."sinulyapan niya pa ako pero agad ding umiwas ng tingin, napatingin muli sakin ang bakla na nabigla pabigla pa itong napalapit sa akin

"Hala! anong nangyari dyan sa feslak mo teh?"sabi nya na pa paupo sa tabi ko "na aksidente ka ba or nadapa ka lang?"

Pinagkunutan ko sya

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now