Chapter 44

1.8K 102 2
                                    

Continuation of Mike's POV

Nagtititigan pa rin kaming dalawa at ako naman ay ilang beses ng napalunok sa sobrang kaba. Pinagpapawisan na rin ako habang napapasulyap sa mga bata ni Dile. Hindi pa rin gumagalaw ang mga ito pero may iilang hindi na makatayo sa sakit ng katawan na para bang naparalisa. Nakaka-trauma ang ginawa niya kela Dile.

Akala ko ay isusunod niya na ako pero nagtaka at nakahinga ako ng maluwag nang umiwas na s'ya ng tingin at kalamado na ulit naglakad paalis, nilampasan ako. Kaya pala naglakad sa gawi ko dahil doon talaga siya dadaan mula pa kanina.

'Wait. Iiwan niya ako dito!?'

Nakakailang hakbang palang s'ya pero nahinto siya nang magsalita ako.

"s-sandali!" tawag ko sa kan'ya pero parang wala s'yang naririnig at nakita ko na isinuot nya ulit ang headset n'ya na para bang ayaw n'ya ako pakinggan.

"Hoy abno!" sigaw ko sa kan'ya at pinilit kong tumayo para habulin s'ya, ngunit, ilang beses din akong natutumba dahil 'di na kaya ng katawan ko at nakakaramdam na naman ako ng hilo. Kanina ko pa ito nilalabanan.

"Yo! ano ba! Abnormal!!" halos mamilipit ang leeg ko sa buong lakas kong pagsigaw ulit dahil patuloy pa rin s'ya sa paglalakad, ang mabilis niya maglakad. Malalaki kase ang mga biyas.

"Kristine Jaspher Corpuz!!" buong lakas kong sigaw ulit sa kanya ng buong pangalan niya.

Naging dahilan para huminto siya sa paglalakad. Natigilan ito bago ko nakita ang mga balikat niyang nagtaas baba, bumuntong hininga siya.

Nilingon niya na ako, ayan na naman ang nakatabinging ulo niya. Binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin.

"W-where are you going?" kabado ko ng tanong sa kan'ya kase baka mamaya atakihin n'ya ako bigla.

"Tss, sa impyerno" hindi na siguro mawawala ang ganitong ugali niya, akma na s'yang maglalakad ulit ng tawagin ko s'ya ulit.

"Wait!" pagtawag ko ng atensyon ulit sa kan'ya.

Narinig ko muli ang pagbuga niya ng malalim na hininga at nakakunot nuong humarap sa akin.

"S-salamat" mahina ko pang nasabi, nakakahiya sa side ko na nagpapasalamat ako sa nakaaway at inaapi ko noon.

Napaiwas ako ng tingin sa kan'ya matapos makitang umayos siya ng pagkakaharap sa akin bago dahan-dahang napatabingi na naman ang ulong nakatingin ng diretso sa akin. Sinubukan ko ulit tumayo pero hindi ko na talaga kaya at kanina ko pa pinipigilan na 'wag mahilo.

"Hina" narinig ko pang tipid niyang pang-iinsulto.

Hindi na ako nakapagreak nang dumoble na naman ang paningin ko. Habol ko ang hininga kong napailing-iling, nilalabanan ang hilo habang pilit minumula ang mga mata. Wala rin akong halos marinig at puro nakakarinding ingay sa tenga ko ang bumibingi sa akin.

Sinubukan ko pang tumayo ulit pero sa pagkakataong ito ay bigla na lang nanlabo ng tuluyan ang paningin ko. Pilit ko pang inangat ang tingin ko sa gawi ni abno hanggang sa nakita ko itong walang kasing bilis na napa takbo papalapit sa akin, pagkatapos nun ay bigla ng nandilim ang paningin ko.
.
.
.

Ranz' POV

Mga bradd papunta ako ngayon sa practice room namin para sa Dance Club. 

"Dude!" narinig ko tawag ni Dave sa akin. Nahinto ako sa paglalakad at nakangiti naman akong nilingon s'ya.

I Just Want to be Happy [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon