Chapter 100

1.4K 75 3
                                    

Krist's POV

Maaga akong bumangon naglinis, nagluto kasabay ng paghuhugas ng plato at nakaligo na rin, mayamaya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa kwarto niya at rinig ko ang mga yapak niya papunta dito sa kusina, kinabahan ako dahil di pa luto ang pagkain niya pero nakahinga ako ng maluwag ng iba ang sinabi niya at di yun pasigaw

"Bat ngayon ka lang?Ilang araw kang nawala, saan ka nagpunta?" pagtatanong niya at sa tingin ay nasa may pintuan lang sya dito sa may kusina

Nagtataka ako sa tanong niya dahil alam kong wala naman akong kwenta para sa kanya at pwede niya akong di pansinin kapag may mga babae na syang dala sa bahay

'Di ba sya nang babae nung wala ako sa bahay? Di ba lagi nya yung ginagawa? Pinapalayas pa nga ako minsan kaya doon ako sa bahay ko namamalagi'

"May inasikaso lang" ani ko na ang tingin ay nasa hinuhugasan ko

Nakita ko sa gilid ng mata ko na umiinom na sya ngayon ng tubig na ikinagulat ko dahil hindi niya ako inutusang kumuha nun, nung nakaraang araw pa ako nakakahalata sa pinagbago nya, di niya na ako sinisigiwan o sinasaktan

'Bakit bigla kang nagbago?'

Di ko matanong sa kanya yun dahil wala akong lakas ng loob kapag sya ang kausap ko, umuurong ang dila ko na baka kapag may nasabi akong di nya nagustuhan baka saktan niya ako o di pakainin ng isang linggo

"Ano bang pinagkakaabalahan mo ha?" kinabahan na ako ng mahimigan kong seryoso sya at kailangan kong magingat sa sasabihin o idadahilan ko

'Kailangan ko ng reasonable na idadahila sa kanya'

"A-ahm... Ano kase eh..." napapikit ako ng mariin habang patuloy na naghuhugas ng mga pinggan at nanginginig na ang kamay ko pero tinatago ko yun sa kanya dahil nasa likuran ko sya na medyo malayo sakin, mabuti na lang at tinanggal ko ang relo ko

"Ano?" kinilabutan ako ng narinig ko syang malapit na sakin

"N-nakulong k-kase a-ako--" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita sya

"Ano?!" aniya na napaigtad pa ako sa pagkalas ng boses niya lalo pa at nasa gilid ko na sya na muntikan ko ng mabitawan ang babasagin na baso lalo pa't madulas ito sa sabon pero mabuti na lang ay nasalo ko iyon habang kinokontrol ang paghinga ko, pinapakalma ang sarili baka atakihin na naman ako ng asthma at sakit sa puso

"N-nakulong ako, pero wag kang magalala di ako tumakas may nagpiyansa sakin--" di na naman ako natapos magsalita ng magsalita sya

"Sino naman?" ani pa nya na mas lalo kong ikinagulohan sa kanya dahil sa pagkakaalam ko sa tuwing makukulong ako noon dahil nagnanakaw ako ng pagkain para lang may makain pero napapadala ako sa DSWD dahil minor pa ang edad ko para sa kulungan at sasabihin niya na bakit di na lang ako mabulok doon? Nakikita ko sa gilid ng mata ko na ang mukha niya ngayon para gusto niya akong tanungin ng tanungin at......

'Bakit parang nababasa ko sa reaksyon niya na nagaalala sya at puno ng pagsisisi sa mga mata niya? Baka naman may Refractive error ako?'

"Ahm..... K-kakilala ko lang" ani ko pa na di ko kayang sabihin na kung sino sino ang nagpiyansa sakin

"Kakilala?" ani pa nya at tumango naman ako, ramadam ko na tinitigan niya pa ako saglit bago sya naupo sa upuan sa may lamesa dito sa kusina at napahinga ako ng maluwag dahil medyo nakalayo narin sya

Saka ko lang napansin na kumukulo na pala ang niluluto ko, nanlaki ang mga mata ko doon sa niluluto ko, sa pagkataranta ay di ko napansin agad na nasagi ko pala ang babasagin na baso pagkatapos kong tanggalin ang gloves sa kamay ko at asikasuhin ang niluluto ko na pinatay na ang stove

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now