Chapter 95

1.6K 80 11
                                    

Ranz's POV

Hindi ako makatulog mga bradd, di ako mapakali sa kama at paiba iba ng posisyon at parang siraulong nangingiti na lang habang inaalala kung gaano kalambot ang manipis na labi niya

'Di ko alam kung anong nakita ko sayo samantalang dati diring diri pa ako sa kabaduyan mo manamit at di marunong magayos sa sarili.... Pero bakit ganon? Parang gusto na kitang makita araw araw, pagmasdan ka bawat minuto.... kaso napaka manhid mo hindi ka parin marunong makiramdam kahit hinalikan ka na nga,siguro sa halik ko kanina malalaman mo na gusto kita'

Kinuha ko ang unan saka mahigpit na niyakap yun at nakangiting inaalala ang pakiramdam ng labi nya sa labi ko, wala ako sa sariling napahawak sa labi ko pero biglang napawi ang ngiti ko at nakaramdam ng inis dahil sarili kong mga kaibigan ay may gusto din sa taong gusto ko

'ligawan ko na kaya? Ay di di di kailangan umamin muna ako ng nararamdaman ko.... Tapos nasa romantic place kami at doon ako magcoconfess ng feelings....'

"Yyiieeee" parang tangang pagreact ko ng maimagine yun at napahigpit ang yakap sa unan, napabusangot na naman ako ng maisip na

' Paano kung di niya ko gusto? Paano kung di sya pumayag mag paligaw? '

Nagisip lang ako ng nagisip kung paano ako makakahanap ng tyempp para umamin sa kanya, napapaisip din ako kung paano humingi ng sorry sa mga nasabi ko sa kanya nun yung time na sinabi niyang kalaban sya

Nakatulugan ko na lang ang pagiisip habang yakap ng mahigpit ang unan at iniimagine na si Krist yun

Maaga akong nagising at maganda ang mood ko simula paggising hanggang sa magumpisa na akong maligo at magbihis na inaalala ang mga sandaling nadampian ko ng halik ang kanyang malambot at mapulang labi

"Good morning everyone!" nakangiti kong bungad sa kanila daddy at sa kuya ko

"Good morning son" ani Daddy sabay higop ng kape nya saka ko sya niyakap

"Morning bro" ani kuya at nagfist bump kami

"Good morning baby ang aga mo ata?" ani mommy ng salubungin ko sya ng halik sa pisngi ng nakangiti kaya nahawa din sya sa pagkakangiti ko na yun

"Ganon ba ako kaaga mommy? Sakto lang naman ah?" ani ko bago naupo sa upuan at inasikaso ako ni mommy pero inagaw ko sa kanya ang serving spoon at ako na mismo ang sumandok sa sarili ko na ipinagtaka nila

"What's up with you huh?" ani kuya na parang nangaasar kaya napangiwi na lang ako

"Nothing, why?" maangmaangan ko pang sabi bago pa lihim na ngumiti bago sumubo ng pagkain

"Really baby? Baka nagbibinata na ang baby ko?" nangaasar na nakangiti na ani mommy sabay tusok sa tagiliran ko at nakiliti ako doon kaya gumanti ako kaya ang ending mga bradd nakikipagkilitian na kaming lahat habang nasa hapag kainan na punong puno ng tawanan

" Ok haha enough na, let's eat "pinilit na maging seryoso na ani Daddy bago napatikhim na uminom ulit ng kape habang nagkangitian naman kami ng lumabas ang bunso naming prinsesa na nakabusangot dahil siguro ay ginising na sya ng yaya nya at tinatamad pa syang bumangon pero kailangan niya ng pumasok

"Good morning little princess" ani ko na nakangiti sabay kurot sa pisngi niya ng makaupo ito na mas lalo nyang ikinasimangot at nagreklamo bago tinapik ang kamay ko na ikinangiwi ko at ikinatawa nila mommy

"What's wrong with you kuya, I already told you stop doing that, it hurts" reklamo niya na nakadimangot habang hinihimas himas ang pisngi niyang pinisil ko at mas lalo syang nainis ng guluhin ang buhok niya ni Kuya na ikinatawa namim dahil ang cute ni bunso lalo na kapag nakasimangot, tuloy ay naalala ko na naman si Krist sa tuwing magsasalubong ang kilay nun ay ang sarap pisilin ng pisngi niya

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now