Chapter 65

1.8K 98 6
                                    

Alex's POV

"What do you call a thousand raised to the seventh power?" tanong ng prof namin sa math.

Walang sumagot at nagkanya kanyang iwas ng tingin ang mga kaklase ko kahit ako ay pasimpleng nagbabasa kunwari dahil di ako nakapag advance reading.

Sa lalim ng iniisip ko kagabi pa tungkol sa mga nangyayari kahapon, lalo na kung ano ang kalagayan ngayon ni tomboy kung inaapi ba sya ng stepfather nya? Kumain ba sya ng maayos? Nakatulog ba sya? Higit sa lahat anong kinalaman niya doon sa death threat ni Ranz?

"Anyone?... How about you Ms. Fin" tawag nya sa classmate kong babae at tumayo naman ito pero kung saan saan tumitingin na para bang nanghihingi ng tulong kung anong isasagot nya

Napatingin kaming lahat sa nagbukas ng pinto at iniluwa doon ang isa sa kagabi ko pang nagpagulo sa isip ko

"Ms. Corpuz why are you late?" si prof

"Because I'm not early" pamimilosopong sagot ni tukmol na ikinatawa naming lahat lalo na tong katabi ko si Mike na napailing iling pa habang nagkasalubong naman ang kilay ni prof

"What kind of attitude is that Ms. Corpuz?" seryosong tanong si prof na ikinatahimik naming lahat

'yan kase di umayos ng sagot napapahamak ka tuloy'

"kung ganyan ang ugali mo hala sige ikaw ang sumagot sa tanong ko! Sit down Ms. Fin" ani prof at tuwang tuwa naman ang babae na parang nakahinga ng maluwa

"di nyo muna ba ako papaupuin?" ani tomboy na as usual magulo ang buhok na basa pa kaya hawak nya muna ang cap nya pero may napansin ako siguro sinaktan na naman sya ng stepfather nya dahil bukod sa putok ang labi nya ay may pasa pa ito sa gilid ng labi nya at may bangas din ang pisngi nya at mukhang sariwa pa ito

"Ganyan na talaga ang ugali mo Ms. Corpuz? Wala kang modo! Hambog at akala mo kung sino!" galit na talagang sabi ni prof na mukhang naha-high blood na

"I know" walang emosyon nyang sabi na hanggang ngayon ay nakapamulsa lang ang isang kamay at ang isa ay hawak ang cap"What's your question so that i can take my seats now"dagdag pa nito at huminga muna ng malim si prof para pakalmahin ang sarili

"What do you call a thousand raised to the seventh power?" paguulit na tanong ni prof at napatingin naman si tomboy sa taas na parang nagiisip

"Sextillion" sagot niya dahilan para matawa ang mga kaklase ko

"haha hoy Tombs baka ibang libro ang binabasa mo baka p*rn yan ah?" natatawang sabi ng classmate kong lalake

"p*rn? P*rnography?" walang emosyong sabi ni tomboy dahilan para gulat kaming mapatingin sa kanya.

Napakurap ng ilang beses at maya maya pa ay nagkatinginan kami ni Mike pati mga ibang classmates namin sabay kaming halakhak ng tawa.

"Silence!" sigaw ni prof dahilan para matigil kami sabay yuko " mga kabataan nga naman puro na kalokohan ngayon! Tama ang sinagot nya a thousand raised to the seventh power is called Sextillion" ani nya at namangha kaming napatingin kay tomboy, binaling ni prof ang tingin kay tomboy.

"kahit pala ganyan ang ugali mo at mahilig makipag basag-ulo.. may pagkaiba ka pala sa mga kabataan ngayon" dagdag pa ni prof

"Ibahin mo ako prof... wala akong kapareha" ani nito sabay ngisi dahilan para ang mga kaklase ko ay nagpipigil ng tawa habang ako ay iniisip ang sinabi nya dahil para kaseng may ibang meaning yun ehh

"Well, dahil sa hambog ka dadagdagan ko pa ang tanong" striktong ani prof at napabuntong hininga nalang si tomboy dahil parang gusto nya ng umupo "Sextillion is composed of how many zeros?"

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now