Chapter 135

989 47 10
                                    

Alex's POV

I'm very excited. Magmula nung magkabati na kami ni Jaspher ay palagi na naman akong maagang pumapasok yung tipong kahit 5 am pa lang andoon na ako para maabangan lang sya sa labas at sabay kaming papasok na ihahatid ko sya sa room nya

It's Friday now, October 30. Yup I know tomorrow is her Birthday kaya nga mas excited pa akong tignan sa magbi-birthday eh, wala syang kaalam alam na may pinaplano akong surpresa sa Birthday niya

"Good morning baby" bati ko sa kanya ng salubungin ko sya pagpasok nya palang sabay yakap sa kanya hindi inalintana ang mga taong napapatingin samin

Kita ko ang pagkabigla nya sa kanyang mga mata ng mapaangat sya ng tingin sakin pero nginitian ko lang sya saka hinalikan sa pisngi tuloy ay sinisinok na naman sya, pinindot ko ang pisngi nya habang natatawa ako sa reaksyon nya

Napatingin sya sa paligid dahil sa mga taong pinagtitinginan at pinaguusapan kami lalo na ang mga chismosa "Don't mind them, let's go?" pagaaya ko pa bago kumalas ng yakap sa kanya, tinanguan nya lang ako

Inilahad ko ang kamay ko senyales na ako na ang magdadala ng bag nya, napabuntong hininga nya na lang inalis ang pagkakasuot nya sa bag nya saka binigay sakin, sinabit ko naman yun sa isa kong balikat

Nilahad ko ulit ang kamay ko sa kanya at alam nya na ang ibigsabihin nun, bumuntong hininga ulit sya saka niya nilagay ang kamay nya sa kamay ko bago ko inayos ang pagkakahawak kamay namin, ayos na sakin ang pagbuntong hininga nya palagi, nasanay na ako at mukhang sanay na rin sya sa mga senyasan ko

Naglakad na kami ng mabagal papasok habang magkahawak ang mga kamay namin "Did you eat already?" tanong ko sa kanya, napalingon sya sakin bago tumango

"Are sure? Marami ba kinain mo?" paninigurado ko pa

"Tss. Ako pa" sa wakas ay nagsalita din sya

Kaya napangiwi na lang akong natatawang iiling iling dahil sa katakawan niya

"How about your assignments or any projects, did you do those already?" aniko

"Tss. Malamang, ayokong bumagsak noh" pamimilosopo pa nito "Ikaw ginawa mo ba sayo?" maangas pa nitong pagtatanong sakin na para bang di oras akong bubugbugin kapag sinabi kong di ko ginawa ang mga assignments ko

"Of course I did, gusto ko sabay tayo ga-graduate" tugon ko

Pinagkunutan niya lang ako "Tss"

Napabaling sya sa harap namin at napahinto sa paglalakad kaya ganon din ako at nakitang nasa harapan namin si Dave na napahinto rin sa paglalakad ng nakayuko ng mapansin kami

Magmula nung ako ang pinili ni Jaspher ay ganito na sya kalamig samin yung tipong hindi na sya sumasabay sa pagkain namin at panay ang iwas niya. Malaki ang pagbabago nya lalo na sa pangangatawan niya, bagsak ang katawan nya, nangayayat din sya, maputla ang kulay niya na para bang palagi syang walang tulog lalo na sa mga mata niyang nagiitiman na mga eyebags pero kahit ganito na sya ngayon ay marami paring mga babaeng umaaligid sa kanya

Tinanguan ko sya "Morning.... Dude" bati ko sa kanya pero parang wala man syang narinig dahil ang tingin niya ay na kay Jaspher ko

Bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay, di sya kumikibo, napakunot na ang nuo ko ng tumingin sya ulit kay Jaspher na nilabanan naman nitong tomboy na to sa walang emosyong mukha

Hinila ko papalapit si Jaspher sakin sabay kalas ng pagkakahawak ko sa kamay niya at iniakbay ko ang kamay ko na yun sa kanya sabay ring tinakpan ang mga mata niya dahilan para tignan na ako ni Dave ng walang kasing lamig

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now