Chapter 142

937 50 8
                                    

Herbie's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang Canteen, katatapos lang ng pagcelebrate nila ng Valentines Day kahapon, nila, because I'm single, isama mo na mga kaibigan ko

Tulala lang ako sa paglalakad, di parin kase ako makapaniwala na ganon ang mangyayari kela Krist and Alex. Ewan ko rin sa g*gong kaibigan ko na yun, mas lalo pang pinapataas ang pride yan tuloy parang nagsawa na si Krist kakahabol sa kanya

"Ah. sorry, are you ok?" nabalik ako sa wisyo ng may nakabungguan ako

"Ah. Sorry di———" paghingi din nito ng sorry sakin pero pareho kaming natigilan sa isa't isa ng magkatinginan kami

Katahimikan.

Bago kami sabay na napaiwas ng tingin sa isa't isa, di ko alam sa tuwing nakikita ko sya tumitibok ng ganito kabilis ang puso ko at parang di ako makatingin ng maayos sa kanya

Sumagi na naman sa isip ko ang nangyarimg yun na di na yata mabura sa isip ko kung paano ako lumaban sa kanya ng halik at kung paano ko sya hawakan nun

"Papunta ka rin dito?" pambabasag nya sa katahimikan namamagitan saming dalawa

"Yes. Gab" ani ko, napatitig sya sakin kaya napaiwas ako ng tingin

"What did you just called me?" parang di pa nya makapaniwalang sabi

"Ah..... Gab?... Why?" nagtataka ko pang tanong

"Nothing, naninibago lang, i thought tatawagin mo akong bruha" aniya na napakamot sa ulo, natigilan ako at napaisip na

'What the hell did i just called her? Bakit pa sa tuwing nakikita o nakakausap ko sya, feel ko nagiging weird ako'

Tumikhim ako para bawas awkward sabay iwas ng tingin ulit "So, gusto mong tinatawag kita ng ganon?" tanong ko na ikinaangat nya ng tingin pero lumitaw ang ngisi sa labi nya

"Depende. Lalo na kapag ikaw ang nagsabi non" aniya na parang nangaasar dahilan para mapakunot ang nuo ko at mabulunan sa sariling laway

Napaiwas muli ako ng tingin habang sya naman tong di inalis ang tingin sakin "Are you blushing?" pinagkunutan ko sya sa sinabi nya at nginisihan ako

'Bush*t kang babae ka, anong pinagsasabi mo? Ikaw talagang bruha ka pano mo nagagawa sakin to?'

"H-hindi ah" gusto kong mainis sa sarili ng mautal ako na di na makatingin sa mga mata nya at umiinit lalo ang mukha ko

"Kunware kapa, kitang kita ko na nga eh———"

"Kita mo na pala bat mo pa tinatanong?" naiinis ko pang pagpapatigil sa kanyang sasabihin at para akong nahawa sa kapilosopohan ni Krist

"Haayss bahala ka na nga dyan" inis ko pang dagdag at iiwan na sana sya don ng matigil ako sa paglalakad ng mabilis nyang kinuha ang braso ko sabay yakap doon, nagugulat akong napatingin sa kanya

Pero natigilan ako ng ngitian nya ako, para tuloy ako natutunaw sa ngiti nyang yun "Sabay na tayo" ani pa nya sabay hila sakin kaya nakaladkad ako bigla

"Kumusta na kaya si teh Krist?" mayamaya ay aniya habang nasa pagitan ng pagkain namin, magkatable kase kami ngayon and kung anong inorder ko yun din ang sa kanya

Napatingin ako sa kanya pero ngumuso lang sya sa kawalan "Naaawa ako sa kanya, sa sobrang bait nya nagmumukha tuloy syang kawawa. Grabe naman kase ang ganda ni teh Krist eh abot hanggang langit kung pag-agawan ng mga best friend mo" napabuntong hininga sya matapos sabihin yun saba laro ng pagkain nya at tumingin sakin

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now