Chapter 81

1.6K 88 7
                                    

Alex's POV

Kaniya kaniya kaming malalalim ang mga iniisp, may kung ano sakin ang gustong paniwalaan ang sinasabi ni Ranz kanina pero napakaimposible ng mga yun lalo na ng makita namin kung gaano kataas ang bubong na part na tinuro niya at imposible ding mawala na lang yun ng ganon kabilis lalo na sa sinabi niyang nakaninja outfit daw ito

"Hey dude congrats" bati ni Klyde kay Ken na basta na lang sumulpot kung saan at mukhang lutang ito, natauhan lang siya ng batiin siya ni Klyde

"T-thanks dude" ani Klyde ng matauhan siya saka ngumiti, pero pansin ko ang ngiti niyang di man lang umabot sa mata

'may problema na naman ba? Bakit di siya masaya? Alam ko kahit anong posisyon sa paligsahan ang makuha ni Ken ay masaya siya basta makapaglaro o magawa niya lang ang gusto niya'

"May problema ba?" tanong ko at gulat siyang napatingin sakin na para bang nahulaan ko yun

Pilit siyang ngumiti "W-wala naman" ani niya dahilan para mangliit ang mga mata ko na para bang pinagaaralan siya

"You're lying" sigurado kong sabi at napalunok siya na mukhang kinakabahan dahil di siya marunong magsinungaling

Umiwas siya ng tingin " By the where's Nickie?" pagiiba niya dahilan para ngisihan siya ni Dave ng nakakaloko "and... Gabriella" dagdag niya pa para di na siya asarin ni Dave

"Magsi-CR lang daw sila" ani Herbie

"Bakit ba sabay nagsi-CR ang mga babae?" tanong ni Klyde na mukhang andumi na naman ng iniisip kaya napailing iling na lang sina Dave at Ken

"Bakit kami tinatanong mo babae ba kami?" ani Ranz na ikinatawa namin

"Anyway guys di ba Motor Race ngayon?" tanong ni Mike

"Yup balita ko si Krist ang representative sa school natin" ani Calix na ikinagulat namin

'Siya na naman? Natanggap na naman siya sa Contest na yun? Wow as in wow! Pero bakit pa ako nagugulat eh siya lang naman ata ang may motor sa buong Campus'

"She's prodigious " Ani Klyde na may paghanga

"Balita ko rin siya lang ang babae sa Contest na yun" sabi naman ni Ranz

"What?!" sabay sabay naming sabi dahil pinagsama pala nila ang girl and boy version

"ahm balita ko rin siya lang ang babae sa Contest na yun" paguulit niya pa sa mabagal na pananalita

"What?!" sabi na naman namin

Huminga pa siya ng malim sa inis "Balita ko rin siya lang ang babae sa Contest na yun" inis niyang sabi na may diin sa pananalita

"What?!" sabay sabay na naman naming sabi

"Oh Crap!" naiinis niya ng sabi na isinuko pa ang parehong kamay niya

"Hi guys!" ayun na naman ang bunganga ni Nickie na malayo pa lang ay akala mo ang lapit niya sa lakas ng boses niya

"Ahm di pa rin ba pwede kahit panoorin lang namin si Beshie sa motor race?" tanong pa ni Gabriella na ikinahinto namin

"Yeah I want to see her too" nakangiting ani Klyde

"Wala naman sigurong masama don di ba?" ani Dave na sinangayunan naman nila maliban kay Ken na tulala na naman at kay Ranz na malalim na naman ang iniisip

Napatingin sila sakin malivan sa dalawa na para bang hinihintay nila na sumangayon ako

"Wala ngang masama manood pero...." pampuputol ko pa at sabay sabay sila na napabusangot.

I Just Want to be Happy [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon