Chapter 113

1.2K 91 3
                                    

Krist's POV

Nagising ako sa sinag ng liwanag na tumatama sa mukha ko bago ko idinilat ang aking mga mata, ang ilaw na tumama sa mukha ko ay sinag pala ng araw na lumusot sa mga butas sa mga kahoy dahil naalala ko nasa kubo pala kami ni Klyde

'Speaking of Klyde.....'

Nagtataka pa ako kung ano yung mainit na hangin na tumatama sa leeg ko na ikinanindig ng mga balahibo ko, bakit parang may nakadagan sa bandang gilid ko para bang nakayakap sakin, may nakaunan din sakin na medyo matigas pero parang braso ng tao

Gulat akong napatingin sa may gilid ko at unti unting nanlaki ang mga mata ng makitang tulog si Klyde habang nakayakap sakin ang isang braso at paa nya!, medyo nakapatong ang ulo nya sa balikat ko at tumatama ang hinga nya sa leeg ko, halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha namin na tumama pa ang ilan nyang buhok sa pisngi ko ng lumingon ako

Napabalikwas ako ng bangon sa gulat at naisip na T*ngina bat magkatabi kami?! Nagising ko yata sya sa mabilis kong pagbangon na mabilis ding lumayo sa kanya ng imulat nya ang kanyang mga mata na kinusot pa saka papikit pikit na bumangon "Hmm" yun lang sabay syang humikab

Don ko lang napansin na wala parin syang damit pangtaas at napapansin ko na parang nilalamig ako ng lumayo ako sa kanya

"Hey what's wrong——" di nya natapos ang kanyang sasabihin ng tumingin sya sakin na medyo nanlaki pa ang mga mata na mabilis napasuyod ng tingin mula ulo hanggang paa ko na mabilis umiwas ng tingin sakin

Napatingin ako sa sarili ko at mas lalong nagulat na lumaki na naman ang mga mata ng makitang wala akong damit! Bukod sa bra at maikling cycling short ay wala na ang mga damit ko na suot ka gabi "It's not what you think babe I mean Krist———" mabilis nyang sabi ng di nakatingin sakin ng magsalita ako

"P*t*ngina ka anong ginawa mo sakin?!" nangigil kong sabi na naluluha na ang mga mata sa galit habang yakap yakap ang sarili ko umaasang matatakpan pa ang katawan ko, napapabilis din ang hininga ko na parang aatakihin ako ng asthma at sakit ko sa puso dahil sa sobrang galit at takit ng maalala ang muntikan ng gawin noon ng stepfather ko

"Krist please don't get mad, please I'm sorry for undressing you, i did not do any——" mabilis nya pang pagpapaliliwanag na isinuko ang mga kamay ng di tumitingin sakin habang lumalayo ako sakanya na atras ng atras hanggang sa mapasandal ako sa may headboard ng kama na gawa sa kawayan

Di nya natapos ang kanyang sasabihin ng sabay kaming napatingin sa pintuan ng pabigla itong bumukas na kulang na lang ay mawasak yun at nakitang si tukmol yun na kasama sila Dave, napatingin sila sakin na nanlaki pa ang mga mata sabay sabay na umiwas ng tingin sakin, nakakaramdam ako ng hiya dahil ito lang ang suot ko, kaba at takot ng makita ang itsura ngayon nila lalo na si tukmol kung paano nya tignan si Klyde

Napatanga lang ako ng mabilis na patakbong lumapit sa gawi namin si tukmol at napanganga na lang ng malakas nya itong sinuntok sa mukha na mukhang tumama sa may panga ni Klyde ang kamao nito dahil napailing sya sa hilo sa lakas ng pagkakasuntok ni tukmol

"Klyde what have you done to her?!" galit din na sabi ni Ranz

Si Dave ay mabilis na nagkakalkal sa bitbit nyang bag na parang may hinahanap doon "I have done nothing" salubong din na kilay na ani Klyde habang nakatingin kay tukmol

"F*ck you!" galit na galit na ani Tukmol na akmang susugudin ulit si Klyde ng awatin sya ni Herbie at Ken ganon din si Mike na nakiawat na rin dahil nanglalaban si tukmol

Akala ko ay makikiawat talaga si Mike pero parang inutong nya lang si tukmol at sya naman ang sumapak kay Klyde na ikinahiga na nito sa sahig "Mike!" sigaw ni Herbie saka lumapit dito habang tinutulak si Mike papalayo kay Klyde na nakiawat na rin si Calix dahil nagkakagulo na

I Just Want to be Happy [Completed] Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu