Chapter 40

1.7K 99 6
                                    

Warning!

Ang kabanata na ito ay naglalaman ng pagpapatiwakal na hindi na aayon sa mga batang mambabasa, break it down yow.

Krist's POV

Naalipungatan ako dahil pakiramdam ko ay naiihi ako at medyo tinatamad pa akong tumayo dahil mabigat pa talaga ang pakiramdam ko. May naririnig akong naguusap-usap sa dito at puro boses ng mga lalaki.

Dahan dahan akong naupo saka tinignan muna kung sinu-sino ang mga nag-uusap. Natigil ako nang makitang naririto pa rin ang mga Tukmol.

Bumaba sa higaan ng paika-ika————

'higaan?... nasa hospital nga pala ako'

Nang mapansing gising na ako ay napalingon rin sila sa gawi ko saka huminto sa paguusap. Kahit malaki ang kwartong ito, tinatanong ko pa rin sa isip kung bakit pa rin sila nandidito at kung anong pinag-uusapan nilang mukhang importante.

Di ko na lang muna sila nilingon ulit pero sila ay nakita ko sa peripheral view ko na napatayo ang ilang sa kasila at nakatingin sa akin.

Nasa harapan na ako ng pinto ng banyo at akmang bubuksan na iyon ng biglang may nagsalita.

"Saan ka pupunta?" tanong nito na ikinahinto ko saglit bago hinarap ko naman s'ya ng walang emosyon.

Nangunot ang nuo ko sa tanong niya.

'Hindi ko alam kung tanga ba itong Tukmol na 'to or sadyang tanga lang talaga'

"Magjojoging" pilosopo ko pang sagot at hindi na inintay ang magiging reaksyon niya, saka ako tumalikod at pumasok na sa banyo.

Pagtapos kong umihi ay akma ko nang bubuksan ang pintuan ng marinig ko ang mga boses nila na parang naguusap ulit kaya inilapit ko ang tenga ko sa pinto para mapakinggan pa sila.

"Can't you really find any information about her parents, Herbie?" rinig kong ani Tukmol mula sa labas.

"Wala talaga Alex, kahit anong research at pagtatanong ang gawin ko.. wala ding maisagot.. All I know is wala pala s'yang mga kaclose o kahit ano mang kaibigan maliban nalang kela Dave" sabi ni Herbie.

"Tss" (-_-) naging reaksyon ko sa narinig.

"Wait, akala ko ba titigilan n'yo na ang plano n'yo sa kan'ya?" mahihimigan kay Dave ang tonong papunta ng inis.

"Yo, before you react like that, first think about why none of her parents visited her here now in the hospital?" iritadong ani Mike.

'Seryoso? Naisip pa nila 'yun? Bakit ba ginagawa pa nila 'to kung kaaway ang turing nila sa 'kin?'

"Oo nga naman" pagsang-ayon ni Ranz "Alex, didn't you see or notice that someone was looking for Krist when you were in the park dahil binibisita mo ang memories ninyo doon ni Stephanie?" dinig ko pang dagdag ni Ranz at napaisip naman ako.

'kaya pala si tukmol ang nagdala sa akin dito dahil nandoon din sya sa park para lang pala bisitahin ang ala-ala nila ng ex niya? Tss, lamporeber'

"Pshh. Wala" may pagkapikon na tugon ni Tukmol dahil siguro napag-usapan ang ex niya.

"'Di kaya... wala s'yang parents?" narinig kong sabi ni Herbie na ikinatigil ko.

"Impossible. Saan siya kumukuha ng perang panggastos niya sa school natin?.. Mamahalin ang tuition doon" narinig ko pang sabi naman ni Calix.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now