Chapter 38

1.6K 94 1
                                    

Alex's POV

'Kainis, naabutan pa ako ng ulan, kanina pa tuloy ako dito'

I was about to be in my car carrying an umbrella in the force of the rain when I turned to look somewhere.

Natitigilan akong napatingin sa taong nakahiga at nagpapaulan na bench, sinuksok ang sarili doon kahit hindi na siya halos magkasya.

Minumukhaan ko pa ito hanggang sa namalayan ko na lang na humahakbang na ang mga paa ko papalapit dito.

Sa paglapit ko ay napapayungan ko ito dahil may kalakihan ang payong kong dala.

'Wait a minute... Who the f*ck is this?.. Familiar... babae ba 'to o lalaki?'

Nilibot ko muna ang paningin pero walang katao-tao dito. Binaling ko muli ang tingin sa taong ito saka nilapit ng bahagya ang mukha ko para makita ko ang mukha nito, may kung ano sa sarili kong nakukuryoso kung sino ito.

'Oh, sh*t! Si Tomboy ba 'to?!'

Mabilis kong nilingon ulit ang paligid. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nataranta lalo na ng mapansin kong nanginginig siya. Gamit ang flashlight sa phone ko ay sinisigurado kong si Tomboy nga ba talaga ito.

Bukod sa nakupirma kong siya ito ay kitang kita ko ang pasa at pamamaga rin ng sugat sa mukha niya. Napa-igtad pa ako nang makitang nakamulat pa ang mga mata niya pero pumipikit-pikit na ito na ano mang oras ay mawawalan na ng malay. Basang basa siya at namumutla.

'Sh*t! F*ck! What the f*ck should I do?! Why is she here?! Wala ba siyang bahay?!'

"Hey! Oiy Tomboy! What the f*ck are you doing there?!" hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil ngayon pa lang ako natuliro ng ganito.

Nilalakasan ko ang boses sa ingay ng ulat at kulog dito, mukha ring hindi niya ako naririnig. Ibang-iba siya sa Tomboy na nakikita ko sa Campus na may palaging nakakainis ang mukha.

Humugot ako ng malalim na hininga.

'Bakit ba ako na-aabala? Hindi ba dapat wala akong pakialam?! Hindi ba dapat matuwa ako dahil nakikita ko siyang nahihirapan?! F*ck away conscience!'

"Pshh. Whatever"

Parang napipilitan pa akong naglakad paalis at hayaan siya doon dahil choice niya naman sigurong doon matulog. Ang lakas ng trip.

Nasa loob na ako ng sasakyan ko, binuhay ko na ang engine saka maingat na minaneho ang iyon dahil basa ngayon ang daan.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa lugar na iyon nang hindi ko alam kung bakit tinapakan ko ang brake.

'Ano ba kaseng nangyari sa kaniya?..'

Sumandal ako sa kinauupuan saka napahigpit ang kapit sa manibela. Lumingon ako sa kung saan na para bang nakikita ko si Tomboy mula sa kinahihigaan niya kanina.

'Baka ako ang masisi kapag natuluyan ang Tomboy na 'yun.'

I blew a sigh heavily before I quickly drove the car and immediately turned it back.

Hindi naiisip na basa ang daan, mabilis ang pagmamaneho ko hanggang sa muli akong bumalik dito at nasa gilid na ngayon ng sasakyan ko si Tomboy, nakahiga pa rin doon hanggang ngayon.

Binuklat ko muli ng payong nang makababa ako at isinara ang pinto ng kotse. I look like an idiot, paano ba kase pabalik balik akong naglalakad, hindi alam kung anong gagawin.

Humugot ako ulit ng hininga saka napapadyak sa kinatatayuan. Nakasimangot akong nilapitan na si Tomboy.

"Oiy, Tomboy.. I... I'm not doing this para... *ehem* hayss" sinubukan ko pa talagang linawin na hindi ako makikipagbati sa kaniya dahil kahit ako hindi ko alam kung bakit ako bumalik!

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now