Chapter 112

1.2K 75 14
                                    

Krist's POV

"Krist paano mo pala nasabi nun na mamahalin mo ang isang tao kung sino sya? I mean every girls have an ideal man, wala ka talagang maisip kung anong tipo mo sa lalake?"

Si Klyde na ngunguna sa paglalakad dahil sinabi ko sa kanyang mauna sya sa paglalakad, ayaw ko lang syang kasabay maglakad dahil honestly takot ako sa mga lalake lalo na sa playboy dahil na aalala ko ang stepfather ko

" May mukha ba ang pagibig?"pagtatanong ko sa kanya habang naghahanap ng blue flags dahil isa na lang ang kulang samin

Saglit syang natahimik alam kong napatingin sya sakin na napahinto sa paglalakad kahit di ako nakatingin"Wala, love doesn't have face" aniya ng nakatingin parin sakin bago nagpatuloy sa paglalakad na napaiwas ng tingin sakin ng tumingin ako sa kanya

"Isa sa mga sinabi ng mama ko yan, ang pag-ibig ay walang mukha, walang edad,walang lahi, walang katayuan sa buhay, sa madaling salita.... Walang pinipili.... dahil nararamdaman ito" saka palang ako tumingin sa kanya sa huli kong sinabi para huliin ang magiging reaksyon nya at makompirma kung may gusto din ba sya sakin tulad ni tukmol

Napaiwas sya ng tingin na para bang nailang sya ng nilabanan ang tingin ko na ikinakunot ng nuo ko dahil na-curious na naman

'Anong meaning kapag di makatingin ng diretso sa mga ng babae ang isang lalake lalo na kapag pinagusapan ang love?'

"Wow.... You're really a mama's girl huh" kumento pa nito na ikinakunot ulit ng nuo ko

"Syempre" tipid kong sabi na doon palang ulit ako sinulyapan lang

"Proud to be?" napangiti nyang sabi

"Kung sya ba naman ang unang tao na nakaramdam ako ng tunay na pagmamahal bakit hindi?" ani ko ng may angas na ikinatawa niya ng bahagya

Namuno na naman ang katahimikan samin kung saan ako sanay, nakakapansin na ako na iba na ang nadadaanan namin na pinapangunahan nya lalo pa at napapansin kong madilim na sa parte na to, walang buwan at mga bituwin sa kalangitan, imposible namang maglagay pa sila dito ng mga flags sa lugar na to, balak ko na sanang sabihin sa kanya agad yun ng magsalita sya

Meanwhile.....

Panay na ang buntong hininga ko dito sa kasama ko, nagpapasensya, di ako makapagsalita na sabihing naliligaw kami dahil sa kadaldalan nya at kababanat nyang napaka-creepy pakinggan tulad nito

"Hey Krist i think you're tired na" di nya na ako tinatawag na babe na mukhang nadala na

"I'm not, nalili--" di ko na naman natapos ang sasabihin ko ng sumabat na naman sya

"Yes you are c'oz you keep running on my mind" pagkasabi nya nun ay huminto sya sa paglalakad saka humarap sakin na nakangiti na naman o ang mga naririnig ko sa mga fans nyang nagkakandarapa sa kanya ay killer smile daw kuno

Bumuntong hininga na naman ako sa ka-creepy-han ng mga sinasabi niya

'Ilang babae na ba ang naloko at nasabihan nya na yan? bat di niya na lang kase ako diretsuhin kung para saan ba ang mga banat niya? Ayoko lang kase isipin ang mga nalalaman ko sa mga Internet at maging asumera..... Sa pangit ko na to imposible talagang may magkagusto sakin ng ganon ka rami at pinagkakaguluhan ng mga kababaihan '

Magsasalita na naman sana ako ng ito na naman sya "Are you on Facebook?" paghirit pa nito na ikinakunot ng nuo ko na tamad na tamad na sumunod sa kaniya

'T*ngina ano yun? App ba yun na nauuso ngayon? Pamilyar kase sakin eh'

Huminto lang ako ng huminto sya ng di ko sya sinagot "Bcoz I'd definitely click like" aniya sabay na naman ngisi at nagpipigil na naman ako na batukan sya ng di ko magets ang pinagsasabi niya

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now