Chapter 123

1.1K 55 8
                                    

Krist's POV

Napakunot ang nuo ko ng marinig ang mga bulungan ng mga mokong habang tinatalian ako sa pagkakaupo sa isang upuan

Ano ba wag mong masyadong higpitan baka masaktan si Krist

Hindi naman to sobrang higpit medyo lang———Aray ano ba wag ka ngang mangbatok

What the f*ck ang iingay niyo, hinaan niyo mga boses niyo baka marinig tayo niyan, baka rin sapakin tayo ni Jaspher kapag nakawala yan ng di pa tapos matalian

Eh? Nagiingay ka rin naman ah

Is it ok if we put this freaking handcuffs to her? Para sigurdo ayaw kong mabasag mukha ko

Ilagay mo na rin yan baka nga mabugbog pa tayo ang sakit ng pagkakabalibag niya sakin

Quiet na kayo guys, baka agad tayong ma notice ni Beshie

Mayamaya pa ay bukod sa may tali na ang kamay ko ay ramdam kong nilagyan pa nila ng posas na para bang takot na makawala ako dito

'Ano bang trip ng mga to? Para saan naman to?'

Ramdam kong inaalis na ang pagkakatali ng bagay na nakatakip sa ulo ko saka unti unting napasalubonh ang kilay ko ng tuluyan na nilang matanggal ang tela na yun

Masama lang ang tingin ko na diretsong tumama kay tukmol dahil paniguradong sya na naman ang nangunguna sa kalokohan na to, madilim dito habang may isang ilaw sa itaas ko at para silamg totoong mga kidnappers ko

Binalik ko na sa malamig na tingin ang mga mata ko saka sila isa isang tinignan na para bang sila ang nagulat dahil wala man lang nagbago sa reaksyon ko habang tinitignan sila,nakita kong napapahimas pa sa likod si Calix na sya ang nabalibag ko kanina, huminto ang tingin ko kay Dave saka sya pinagkunutan pero umiwas lang ito ng tingin

"Ah... Alis na muna kami" pagpaalam pa ni Ken sabay hila kay Nickie talagang nakipagsabwatan pa talaga tong isang to, sumunod naman si Herbie at pansin ko na wala si Gabriella, rinig ko ang pagkasara na ng pintuan habang ang malamig ko na tingin ay na kay tukmol na panay rin ang iwas at kamot sa ulo o di kaya ay sa batok

Di ako nagsalita hinaantay ko lang silang magpaliwanag sa kalokohan na to, napatabingi ang ulo ko

Nagkatinginan silang anim na para bang nagsisenyasan kung sinong unang magsasalita, tumikhim si Tukmol saka sinalubong ang tingin ko na pailalim akong tinignan at pinilit maging seryoso

"Tss" ani ko pa sabay marahas na napabuntong hininga na ikinabasag ng katahimikan dito, kayang kaya kong makawala dito para makaalis na sa maluwag na pagkakatali sakin hanggang braso

"So saan tayo maguumpisa?" pagtatanong pa ni Calix sa lima

"I think we should...... Confess first" bigla akong kinutuban sa sinabi ni Klyde at parang alam ko na kung saan papunta ang usapan na to, nagumpisa na namang magingay ang isa kong relo

"I'm already done, di ba crush?" pagmamayabang pa ni Ranz sabay ngiti sakin na ikinakunot na naman ng nuo ko sa kanya

"Diretsuhin niyo na nga ako ano bang kailangan niyo?" kalmado ko lang sabi

Nagtinginan pa ulit silang anim "Baka mabigla ka kapag dineretso ka namin?" ani Mike

"Nakita niyo na ba akong nabigla?" walang emosyon ko lang na sabi

Saglit na katahimikan.

"Ok, straight to the point na" ani Klyde, saka huminga ng malalim "We like you" matagal bago nagproseso sa utak ko ang sinabi niya para bang napaka slow ko sa mga oras na to

I Just Want to be Happy [Completed] Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz