Chapter 136

788 46 18
                                    

Krist's POV

Nagpaalam na ako kay Tukmol na magCR muna dahil sa dami ng pinakain niya sakin kanina, Oo aaminin kong marami akong kinakain pero parang isang Linggo ko ng kainan yung mga nilalagay nya sa plato ko kanina

Habang nagbabawas ay di ko na maiwasang mapangiti ng mapasulyap ako sa suot kong kwintas, sumasagi din sa isipan ko kung gaano ako kaswerte na nakilala ko sya, sa mga efforts nya kahit tinutopak sya minsan ay naiintindihan ko naman sya dahil mukhang gusto nya lang ng atensyon ko

Minsan kase ay kapag nasa Library ako na nagbabasa ng libro ay tatabi sakin saka ihihilig nya ang ulo nya sa aking balikat sabay tawag sa second name ko, kung lilingunin ko naman sya ay sasabihin nya lang na wala lang

Nakahinga na ako ng maluwag ng makalabas sa cubicle, habang naghuhugas ng kamay ay di ko parin maalis sa aking isipan si Tukmol lalo na kung paano nya ako ngitian hanggang sa matapos na ako sa paghuhugas at pagpapatuyo ng mga kamay ay naisipan ko ng lumabas na baka kase mainip ang mokong na yun kakaantay sakin

Bagkabukas ko pa ng ng pintuan ay ang rebulto na agad ni Dave ang sumalubong sakin, kaninang papunta palang ako sa Cr ay nakita ko sya doon  sa may bar island magisang tumutungga ng alak

'Kailan pa sya naging lasinggero? Kailan pa din sya naging snabero?'

Tinanguan ko lang sya bago tuluyang lumabas dahil sumula pagbukas ko ng pintuan ay sakin lang sya nakatingin ng diretsuhan, di man sya umimik o kumibo man lang dahil nakatingin lang sya sakin na titig na yata ang tawag doon

Bumuntong hininga na lang ako saka naglakad pasalungat sa kanya pero nakakailang hakbang palang ako ng mabilis syang humarang sa dinadaanan ko kaya dahan dahan akong napaangat ng tingin sa kanya

Binigyan ko sya ng nagtatanong na tingin "I have something to tell you" panimula nito na ngayon na lang ako muling kinausap at mukhang lasing na lasing na sya ngayon base sa tindig at pananalita nya lalo na ang amoy pabango nyang nahaluan ng alak na matatapang

Bumuntong hininga ako sa kawalan "Bukas na lang, lasing ka na. Paniguradong hinahanap na ako ni Tukmol doon———" natigilan akong napatingin sa kanya ng magsalita sya

"Just a minute" pagpuputol nya sakin

Napataas ako ng dalawang kilay "Dave.... Lasing ka na. Magpahinga ka na lang muna" pagkasabi ko nun ay lumapit na ako sa kanya para tapikin sya sa balikat at lalampasan na sana sya ng bigla ng kinuha ang palapulsuhan ko na hinawakan yun ng mahigpit na para bang wala syang balak akong bitawan

Napakunot ang nuo kong napatingin sa kanya na bigla akong kinutuban sa mukha nya ngayon dahil nangdidilim ito at mukhang wala na talaga sya sa tamang pagiisip sa kalasingan nya ng hilain niya ako ng pabigla palapit sa kanya ng hindi ako binibitawan dahil lalo pang humigpit ang pagkakahawak nya sakin kaya naaramdam na ako ng kaonting sakit sa pagkakahawak nya

"Dave,bitiw" pagbabanta ko pa dito pero imbes na sumunod ay pabigla nya na lang akong isinandal sa pader at kinulong sa mga bisig niya, nakakaramdam na ako ng kaba sa awra nya ngayon

Sinamaan ko na sya ng tingin saka ko walang kahirap hirap inalis ang pagkakahawak nya sakin sa pagkainis ko ay itinulak ko pa sya, wala na akong paki kahit lasing pa sya dahil mali ang ginawa nya

Napatingin sya sakin matapos nyang mapalayo sakin ng itulak ko sya, bumuntong hininga ako, nagpapasensya

"Magpahinga ka na, lasing ka na" kalmado kong sabi saka pinatay ang relo kong nagiingay na naman dahil sa pagkakaramdam ko ng kaba ngayon

Pabalang syang ngumisi "Magpahinga?..... How can I rest in this broken heart?..... Huh?! Tell me?!!.... Tell me why can't love me back?!!...... I like you since the day I met you..... I've like you for a long time Krist!" natigilan ako ng sumisigaw na sya habang sinasabi ang mga yun kasabay ng pagtulo ng mga luha nya

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now