Chapter 39

1.7K 100 3
                                    

Mike's POV

Ang tahimik namin habang nagkakatinginan pero napapaiwas ng tingin kay Dave. Paniguradong magtatanong ito kung paano kami nagkakilala bukod sa magkaklase o schoolmates kami minsan.

Sinabihan rin kami kanina na 'wag daw masyadong marami ang magstay dito sa room at may limitations daw.

Sa sobrang tahimik ay ang awkward na, hindi dapat kami dito mag-uusap dahil nandito ang binubully namin na ngayon ay tulala kung saan, para bang wala siyang ibang kasama dito at may sariling mundo.

"Please tell me... what's going on?... anong kinalaman niyo sa kalagayan niya ngayon?" may diin sa salitang ani Dave at pilit kaming pinapasalita.

Kita ko pang napapikit si abno na parang naririndi "What are we supposed to say dude?" tanong pa ni Ranz na kunwari ay hindi alam ang sinasabi ni Dave.

"Stop denying it and tell me the truth... You know what I mean" halos magkarugtong ang mga kilay ni Dave sa pagkakasalubong nito.

Sinulyapan ko ulit si abno na minamasahe ang nuo. Nanatiling tahimik lang.

"Dude, what the f*ck are you talking about?" sumingit na si Alex dahilan para humanda ang lahat kung may away man na mangyayari.

"Sasabihin niyo ba o kailangan ko pang diretsahang itanong sa inyo?"

"What? Diretsuhin mo na kami" nagsalita na rin ako.

Tinignan niya kami isa-isa. "Siya ba ang tinutukoy niyong Tomboy?... Bagong target niyo?" diretso ngang pagtatanong ni Dave.

"Tss" reaksyon ni abno sa pagtatanong ni Dave "T*nginang, Tomboy 'yan.. may pangalan ako uy" nagawa pa talagang magreklamo nito kahit nakalatay pa rin siya sa higaan.

Nalingon namin siya sa pagrereklamo niya na iyon. Ibang-iba talaga, ni hindi man lang sinabi kay Dave o nagsumbong dahil mukhang wala naman siyang pakialam kahit ibully namin siya ng ibully.

"pwedeng sa labas na lang muna kayo magsagutan or what? siguradong mai-enjoy n'yo yung moment doon.. Kase malapit lang naman ang hospital, pwede kayong magpatayan.. madali naman kayong magagamot agad" Hindi pa nakuntento at nagbigay pa talaga ng suggestion, parang project lang sa school ang pinag-uusapan namin.

Kung ang matinong tao ay aawat kung may away man, siya itong abnormal na parang hindi babae at pinapalipat kami sa ibang lugar. Parang sanay na sanay na sa gulo at 'di man lang nakiawat, umiyak o matakot kung may lalaking nag-aaway sa harap niya.

"Can you shut the f*ck up?! Matapos kitang dalhin dito hindi ka man lang nagpasalamat?" pangingwenta ni Alex kay abno, hindi ko inaasahan 'yun.

Walang emosyon lang siyang tinignan nito na ikinasarkastikong ngisi ni Alex.

"Can you stop giving me that look?! It's f*cking annoying!" inis na ani Alex. Akala ko ay ayos na sila dahil siya mismo pala ang nagdala sa abno na ito dito sa hospital.

"Hindi ko naman kase alam.. kagigising ko lang" may halong pagkapilosopong ani Tomboy kahit pa nagpapaliwanag lang ito.

"Hindi ko rin hiningi ang tulong mo para dalhin mo ako dito... desisyon mo 'yun..." pormal lang ang pagkakasabi ni abno pero iba ang hatid ng sinabi niya.

'Nani?... Ang tigas ng bungo.. Ang lakas ng loob na sabihin 'yun kay Alex'

"And what? Para ako ang masisi kapag hinayaan kita doon?"

"Bakit ka kase nandon?.. Nangwenta ka pa, ano ka Mathematician? Pwede mo naman kase akong iwan at hayaang mamatay na lang doon"

"Krist!/What the f*ck?!" sabay na reaksyon nilang dalawa ni Dave at Alex.

I Just Want to be Happy [Completed] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora