Chapter 145

1.2K 63 9
                                    

Continuation of Alex's POV

Warning!

This Chapter contains VIOLENCE please read at your own risk.

Katahimikan habang silang dalawa ay nagtitigan ng matalas.

Maski konting galaw sa kanila ay walang nakagawa na para bang nagaantayam sa isa't isa.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko na nanonood din sa kanilang dalawa, pansin ko kanina pa na si Gabriella ay namumutla na siguro sa mga nangyayari ngayon.

Napatingin muli ako sa gawi nila Pieris, nanatili parin sila sa pwesto nila, mukha silang mga kalmado lang. Pareho ang pagkakatindig halos kapantay lang din ang dating nila

'What the f*ck are they waiting for? Gusto ko ng makaalis sa mala demonyong lugar na to'

Kanina pa ako nangangawit sa pwesto ko at sumasakit na rin ang mga tuhod ko sa pagkakaluhod ko dito.

Kaming lahat ay nagulat ng bigla na lang mabilis tinutukan si Pieris ng baril ng matandang lalaki at napakurap pa ako ng mabilis ding pinutok ng matandang lalaking yun, nadagdagan ang takot ko, nagaalala kung natamaan ba si Pieris ng bala

Ganon na lang din ang gulat ko ng sa isang iglap ay nakakalas na ang mga parte ng baril at tanging hawakan na lang ang natira na hawak ng matandang lalaki, tulala ako kay Pieris, humahanga na di makapaniwala, para kase akong nanonood ng live action movie na may power power ngayon, ganon din kabilis kase nailagan ni Pieris ang balang tatama sana sa kanya

Naistatwa ang matandang lalaki sa kinatatayuan nya na napatingin sa hawak nyang hawakan na lang ng baril ang natira

Saglit na katahimikan sa bilis nilang kumilos ay inaakala kong panaginip lang ang lahat ng ito, ngayon lang kase ako nakakita ng matandang lalaki na kaya pang makipagsabayan ng bilis sa pakikipaglaban

Di pa man kami nakakabawi ng mabilis ng kumilos ang matandang lalaki na ang hawak nyang hawakan ng baril ay ihahampas na nya sana iyon kay Pieris ng saluin ni Pieris ang kamay nito

Babaliin sana yun ni Pieris ang kamay niya ng gamitang isang kamay nito ay napigilan nya ang kamay ni Pieris. Nakabawi si Pieris ng sinipa niya ang binti ng matanda na sa tuhod sana tatama yun para madaling mabalian ang matanda pero mabilis din itong nakaiwas

Napakaliksi at swabe kumilos si Pieris habang pangmatigasan at kayang makipagsabayan naman itong matanda. Panay ang sipa at suntok nila sa isa't isa pero panay naman silang nakakaiwas sa isa't isa na may pagkakataong pang nadadaplisan sila pero agad naman nakakabawi na para bang walang pakiramdam at sanay sa sakit ng katawan ang mga to.

Hanggang sa umabot sa puntong nahawakan ng matandang lalaki ang magkabilang braso ni Pieris na ikinulong nito at ibabalibag na sana niya si Pieris paikot ng matapos itong mabalibag ay nakatayo parin ito. Sa pagkakatayo ni Pieris ay kumuha muna sya ng mabilisang pwersa at buong lakas na binalibag ang matandang lalaki na syang ikinasalampak nito sa sahig

Sa pagitan ng labanan nila ay parang pinapakita ni Pieris na kung palakasan lang ang paguusapan hindi ibig sabihin babae na ang magiging talunan.

Mabilis sanang tatayo ang matandang lalaki ng matagpuan naming nakadiin ang tuhod ni Pieris sa may dibdib ng matandang lalaki bago kumuha ng..... isang balisong na di ko alam kung saan niya nakuha at parang pamilyar sakin ang itsura nun lalo na sa kulay gold and silver white na color nito.

Tinutukanni Pieris angmatandang lalaki ng balisong na yun na kumikinang sa talas nito, imbes na matakot ay nginisihan lang sya ng matanda.

"Sige gawin mo. Gawin mo ang iyong nais. Paslangin mo ako.... kung kaya mo...." malakas ang loob na paguutos pa ng matanda bago nakakakilabot na malaki ang ngisi bago tumawa na mala demonyo habang nakatingala ang tingin kay Pieris na walang emosyon ang mga matang kinwelyuhan nya lang ito at nakatutok parin ang balisong nya sa matanda

I Just Want to be Happy [Completed] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang