Chapter 143

956 53 10
                                    

Dave's POV

Masakit ang ulo ko. Nakakaramdam ng hilo. Di ko rin kayang maigalaw ang katawan ko sa di malamang dahilan. Naimulat ko ang mga mata ko pero wala akong nakita dito sa sobrang dilimng paligid at kailangan ko pang sanayin sa dilim ang mga mata ko para may mainagan ako kahit kaonti

Napakunot ang nuo kong napapikit ulit dahil sa sobrang sakit ng ulo ko at parang dumodoble ang paningin ko, pilit kong iniisip kong nasaan ako at kung anong nangyari

Bigla na lang sumagi sa isip ko ang araw at pangyayaring yun, isa isang pumasok sa ala-ala ko.

May bigla na lang sumabog sa araw ng graduation namin kaya halos lahat kami ay tumalsik sa lakas ng impact ng pagsabog sa kung saan. Naging dahilan yun para magkagulo at magpanic ang mga tao dito sa pangyayari ng makabawi

Napatingin ako sa gawi ni Alex ng sinubukan nitong tumayo sa pagkakatumba pero di ito na tuloy ng magulat din ako na bigla na lang may dart na tumusok sa braso nya bago nya tinanggal yun, ng mapansin kong parang nakakaramdam sya ng hilo at di oras na matutumba ay sinubukan ko syang tawagin na sinigaw ang pangalan nya pero parang di nya ako narinig

Tatayo na sana ako para saluin sya sa pagtumba nya pero di ko na nagawa ng kasabay ng pagtumba nya ay kasabay din ng isang bagay na tumusok sa pagitan ng itaas na bahagi ng dibdib ko malabit sa balikat ko, at nakitang kapareho ng itsura ng dart ang tumusok sa akin

Buong lakas kong tinanggal yun pero kasabay nun ang pagkaramdam ko ng hilo at pandodoble ng paningin ko bago ko nakitang may isang rebulto ng malaking tao at di ko na maanigan ang mukha niya sa pagkahilo lalo na at may takip ito na kulay itim, pansin ko ring puro itim ang suot nito at

Gayon pa man ay napatingin ako sa gawi nila Tito na Dad ni Alex na kung saan ay yakap yakap nya ang asawa na si Tita at lalapitan sana si Alex ng di lang pala nagiisa ang rebulto nitong nasa harapan ko pero ang dami nila!

Kita kong sinikap ni Tito Xander ang asawa't anak na ikinagulat ko ng lalapitan na sana si Alex sa isa sa mga kakaibang taong balot na balot pero mabilis na lakas loob na humarang si Tito Xander

Namangha pa ako ng kung paano niya labanan ang kakaibang taong yun habang ang mga kasama nito ay pinapanood lang sila. Mabilis at magaling din sa pakikipaglaban ang kaaway ngayon ni Tito Xander pero ganon na lang ang pagkamangha at pagkagulat ko ng marunong palang makipaglaban ang Ama ni Alex.

Di ko na alam ang sunod na nangyari ng bigla ng nandilim ang paningin ko

Nang masanay ang mga mata ko sa dilim ay inilibot ko ang paningin dito na hinahanap ang daan palabas kahit karampot lang na liwanag ang nakikita ko mula sa kung saan. Pilit kong iginalaw ang sarili ko pero di ko alam kung bakit di ko kaya tong galawin maski umalis sa pwesto ko

Kung di ako nagkakamali ay nakaupo ako ngayon na di maigalaw ang sarili sa pagkakaupo

"Hello? Anybody there?.... If somebody can freaking hear me please answer me!" nabigla ako ng marinig ang pamilyar na boses na yun sa may gilid ko sa di kalayuan sakin

"Klyde is that you?" lalo akong natigilan ng boses na ni Ranz ang sunod kong narinig sa kabilang gilid ko

"Is that you Ranz?" tugon ni Klyde di ko alam ang sasabihin ko kaya di pa ako makaimik

"Wait..... you guys are here?" sunod na narinig kong boses sa bandang gilid ko ulit sa gawi ni Klyde na medyo malapit sakin, kung di ako nagkakamali ay si Herbie yun

"Ahm.... Obviously" si Klyde na ang sumagot

"Help! Anyone! Anytwo! Anythree! I can't see anything! Unsa mani diri uy, way bayad sa kuryente?" (Ano ba naman to dito, walang bayad sa kuryente?) at dahil malakas ang boses ng nagsalita nun at nagsasalita ng gamit ang lengwahe ng mga bisaya ay sa tingin ko si Nickie iyon

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now